FINAL CHAPTER

6.9K 214 52
                                    

FINAL CHAPTER


AFTER TWO YEARS

“Finally. Congrats again, my Rianell.”

Naluluha na natatawa si Rianell nang lapitan niya ang kanyang ama at salubingin siya nito ng isang mahigpit na yakap. Walang katapusan na yata ang magiging pasasalamat niya para sa araw na iyon. Natupad na niya sa wakas ang isa sa mga pangarap niya at maging ng kanyang yumaong ina. Ngayon, may hawak na siyang college diploma habang nakasuot ng itim na toga.

“Congrats din ulit, Rianell,” may ngiting bati Carina na sunod namang yumakap sa kanya nang mahigpit. Pagkahiwalay nito sa kanya ay may inabot itong nakatiklop na papel. “Pinabibigay nga pala ni Car-Car. Ayan na lang daw yakapin mo para kunwari raw niyakap ka na rin niya ngayon.”

Kinuha ni Rianell ang papel at binuklat iyon. Kamuntikan siyang natawa nang malakas nang makita ang laman no’n: drawing iyon ng kanyang kapatid na anime chibi ng sarili nito, ang mga braso ay nakabuka tila para yakapin siya. May mensahe pa iyon na nakapaloob sa isang text balloon.

Sorry Ate Yiyan, ngayon pa ako nagkasakit! Huhu! Pero congrats, Ate! Yayakapin din kita personally kapag gumaling na ako! ^O^

Lumapad ang ngiti ni Rianell dahil sa kanyang nabasa. Ang adorable talaga ni Maricar, halos ka-adorable ni Yujin para sa kanya. Sa edad na ngayon nito na seventeen, may pagka-isip bata pa ito pero ayos na rin. Gustung-gusto niya kung paano ito palaging naglalambing sa kanya.

Blessing…

Isang napakalaking blessing ang tingin ni Rianell sa pagdating ng kanyang ama at ng pamilya nito sa kanyang buhay. Nakaka-relieve din isipin na ang layo ng mga nangyari sa kanila mula sa kanyang inasahan noon. Hindi niya akalain na kaysa makasira ng pamilya, tinanggap at napabilang pa siya pamilyang iyon, dahilan para mapunan ang isang bakanteng parte ng puso niya.

Iba pala talaga ang nagagawa ng pagharap sa mga bagay na kinatatakutan mo. Akala mo, para lang iyon sa malagyan ng tuldok ang takot mo. Pero minsan, nakakapagbigay rin iyon ng pagkakataon sa iyo para sa mas malalaking bagay.

Napapikit bigla si Rianell nang biglaan ding may yumakap mula sa kanyang likuran. Isa pa iyon sa mga bagay na gustung-gusto niya—ang maramdaman ang yakap ng lalaking pinakamamahal niya sa lahat.

“Congrats, mahal ko.” sabi ni Clifford sa mismong tainga niya.

Huminga siya nang malalim at pinigilan ang sarili na maiyak. Nakakatawa, pero naiiyak talaga siya sa mga oras na iyon dahil kay Clifford. Ang dami na kasing nagawa nito para sa kanya, mula noon hanggang ngayon. Pagtulong, pag-intindi, at pag-a-adjust sa relasyon nila. At kapag naiisip niya iyon, grabe ang nagiging pasasalamat niya parati sa Diyos.

Salamat binigay Niyo siya sa buhay ko.

“Ano ba ‘yan, Clifford. Harap-harapan, pinapaiyak mo ang anak ko?” pabirong sita ni Gatchalian.

Natawa si Clifford, pati na rin si Rianell. Inikot siya nito at hinawakan ang kanyang mukha para punasan ang ilang luhang tumulo mula sa kanyang mga mata.

“Huwag ka na po umiyak, Mommy Yiyan!” sabi ni Yujin na nakatayo sa tabi ng ama.

Ngayong apat na taon na si Yujin, tumangkad ito nang bahagya. Mas lalo pa itong naging kamukha ni Clifford, at nakakapagsalita na rin nang diretso. Kaya lang hindi na nito nabago ang pagkakatawag sa pangalan niya. Yiyan. Palibhasa ganon din siya tawagin minsan ni Clifford. ‘Yong kapatid naman niya, ayun na rin ang tawag sa kanya.

“‘Di ba sabi ni Daddy, kapag umiiyak ka po maiiyak din si baby?” sabay abot ng bata sa kanyang tiyan.

Tinanguan ni Rianell si Yujin at hinawakan ang kamay nitong nakahawak sa kanyang tiyan na may makakapa nang umbok dahil sa pangatlong buwan na niyang pagdadalantao.

FatedWhere stories live. Discover now