CHAPTER TEN: "Hopes"

4.1K 146 16
                                    

CHAPTER TEN
“Hopes”



“Ayyy, bakit hindi maganda ang gising ng guwapong bata?”

Napangiti si Rianell sa itinanong ng kanyang ina kay Yujin na nakasimangot habang nakaupo sa sofa. Kakagising lang ng bata mula sa hapong pagtulog at nakasimangot na ito magmula nang imulat ang mga mata.

“Yujin, anong problema?” tanong din ni Rianell sa bata. Tinabihan niya ito sa sofa at hinawi ang buhok nito.

Hindi sumagot si Yujin at kumilos lang para kumandong at yumakap sa kanya. Huminga nang malalim si Rianell at ginantihan ito ng yakap.

“Minsan po talaga ganito ‘to topakin,” sabi ni Rianell sa kanyang ina na nakaupo sa kanilang tapat. “Naghahanap ng lambing.”

Malapad na napangiti si Meriam. “Nakakatuwa kayo tingnan. Kaso… mahihirapan kayo niyan.”

Binigyan ni Rianell ng naguguluhang tingin ang kanyang ina.

Mahihirapan? Kami?

“Masyado na kayong attached sa isa’t isa. Kaya malamang, kapag dumating ang oras na kailangan niyo nang maghiwalay ng landas, pareho kayong mahihirapan.”

Tila may sumakal sa puso ni Rianell. Hindi niya gusto sa pakiramdam ang dinulot ng mga salitang kanyang narinig. Tinatanggihan niyang isipin iyon—na darating din sila sa puntong iyon kung kailan kailangan na nga niyang humiwalay ng landas kay Yujin—at sa ama nito.

“Hindi naman po siguro,” sagot niya sabay pakawala ng mahinang tawa—mahina pero may tensyon. “Ah, Ma, utuin ko na lang po ‘tong manood sa taas.”

Inakyat na nga lang niya si Yujin sa kanyang kuwarto at pinagamit dito ang kanyang laptop. Ayaw nga lang nitong humiwalay sa kanya kaya hindi niya ito mabitaw-bitawan o maiwan. Kahit pa nang dumating na si  Clifford nung hapon para sunduin na ito, ayaw pa rin nitong kumawala ng yakap at buhat sa kanya.

“Yujin? Huwag na pasaway, please?” pakiusap ni Clifford. “Pagod na ako kaya huwag mo na akong pahirapan.”

Ayun na naman ang araw na mababakas sa mukha ni Clifford ang pagod at stress. Nag-alala si Rianell doon, lalo na para kay Yujin. Kaya nagpaalam na lang siya sa kanyang ina na sasamahan niya saglit ang mag-ama sa pag-uwi at babalik din siya kaagad. Tutal naman, may sapat nang lakas si Meriam para kumilos mag-isa.

“Hala… Parang may lagnat siya?” pansin ni Rianell nang hawakan ang noo ni Yujin. Kandong niya ito sa passenger seat ng sasakyan ni Clifford habang nakatulog na naman.

Dahil nakahinto sila sa traffic, nagawang abutin ni Clifford ang noo ng anak at napakunot-noo ito.

“Tsk.”

“Oh, kalma lang…” sabi ni Rianell. “Normal lang ‘to. Nagkakalagnat talaga ang mga bata from time to time. May gamot naman na naka-stock sa inyo ‘di ba? Kaya lang hindi ko napansin no’n kung may pang-lagnat.”

“‘Di bale. Bibili na lang ako para makasigurado.”

Huminto sila sa nadaanang drug store at si Clifford lang ang bumaba para bumili. Pagkabalik nito dala ang gamot, dumiretso na sila sa tahanan ng mga ito.

Sa unit ni Clifford, tinulungan ito ni Rianell sa pag-aasikaso kay Yujin, mula pagpapakain at pagpapa-inom ng gamot hanggang sa muling pagpapatulog dito.

Pareho silang nanatili sa kuwarto ni Yujin. Habang mahimbing ang tulog ng bata, nakaupo sa tabi nito si Rianell at nasa paanan naman si Clifford.

“Ang galing mo mag-alaga ng bata…”

FatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon