CHAPTER FOUR: "Quality Time"

4.5K 164 16
                                    

CHAPTER FOUR
“Quality Time”


“Oh?”

Napakurap si Rianell nang makarating siya sa unit nina Clifford. Naabutan niya roon sa kusina ang binata nang nakapangbahay, hindi gaya ng inaasahan niya na nakapangtrabaho. Saturday pa lang e, at may pasok ito tuwing Saturday. Linggo lang ang wala. So…

“Magha-half day ka ba sa work mo?” takang-taka niyang tanong kay Clifford.

“No, wala talaga akong pasok ngayon. Nag-leave muna ako.” masaya nitong sagot.

“Ah… Bakit? May okasyon ba? May pupuntahan ba kayo ni Yujin?”

“Oo,” pinihit nito ang gas stove at pinainit ang kawali. “Pero plano kong isama ka para alalayan ako, kaya hindi kita pinag-off ngayon. Uhm,” mula sa kawali, nilingunan siya nito. “Kung okay lang ‘yon sa ‘yo?”

“Nandito naman na ako,” sagot niya sabay kibit-balikat.

Ngumiti si Clifford at nagsimula na sa pagpiprito ng mga hotdog. Pigil namang ngumiti roon si Rianell. Masaya siyang makitaan ng pagbabago ang binata mula nang komprontahin niya ito tungkol sa pagiging ama kay Yujin. Mula no’n, napansin niya na sinusubukan na nitong maghanda ng almusal tuwing umaga at sinasabayan sa pagkain ang anak. Madalas na rin itong nakikipag-interact sa bata, mapa-personal man o tawag.

Tuwing iniisip iyon ni Rianell, napakalaki ng pasasalamat niya at hindi minasama ni Clifford ang mga sinabi niya. Instead, tinanggap nito ang mga iyon at ginamit para magbago at maging mabuting ama.

“Saan mo pala pinaplanong pumunta?” tanong niya.

“Sa tingin mo ba, saan maganda ipasyal si Yujin?”

Napangiti na naman siya. Mabilis lang niyang inalis ang kanyang ngiti nang bigla siyang lingunan muli ni Clifford habang nagluluto.

“Hmm, sa zoo?” suhestiyon na niya. “Or ocean park. Napansin ko kasi sa mga pinapanood niya, masyado siyang fond sa mga hayop.”

“Speaking of pinapanood, alam mo ba kung ano ang ginagawa niya ngayon?”

“Gising na siya?” hindi niya makapaniwalang tanong. Akala niya tulog pa si Yujin kasi wala ito roon sa salas o kainan.

“Yep. Nandoon siya sa kuwarto ko. And guess what,” pinatay na nito ang kalan at nilipat sa plato ang napritong hotdog. Pagkaharap ay nilapag nito sa mesa ang niluto at tinukod ang parehong kamay sa gilid. “Pagkahilamos niya, sabi niya sa akin, Daddy, laptop, YouTube. Nagulat ako. Nagyu-YouTube na ang anak ko.”

Awkward na natawa si Rianell. Pakiramdam niya lang parang nagiging bad influence na siya sa paningin ni Clifford.

“E, doon ko kasi sa kanya pinapanood minsan ‘yong favorite niyang cartoons kapag nabibitin siya sa TV.” paliwanag niya.

Aliw na ngumiti si Clifford. “Natawa lang ako kanina. Kung marunong lang siya mag-type, baka inagaw na niya sa akin ‘yong laptop ko at siya na ang nag-type ng hinahanap niyang palabas.”

Na-imagine ni Rianell ang eksena na iyon at natawa rin siya.

“Mga bata ngayon, ‘no? Ang bilis matuto sa ganong bagay.” komento pa ni Clifford. Mula sa gilid ng mesa, nilipat nito ang hawak sa sandalan ng katapat na upuan. “Kunin ko lang siya. Tapos kain tayo.”

“Sige,” tumango siya.

Nang umalis si Clifford at pumasok sa kuwarto, inayos ni Rianell ang hapag-kainan. Nilagay niya sa puwesto ang pinggan at mga kubyertos ng mag-ama. Kumuha rin siya ng sariling kakainan. Sinalinan niya pagkatapos ng gatas ang baso ni Yujin. Pagkababa niya sa baso, bumukas ang pinto ng kuwarto ni Clifford at mula roon ay tiningnan siya nito.

FatedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora