CHAPTER TWO: "First"

5.2K 187 34
                                    

CHAPTER TWO
“First”


Maingay ang kalsada na nasa kanyang likuran, pero tila walang marinig si Rianell habang nakatingala sa high-rise condominium building kung saan siya ibinaba ng taxi na kanyang sinakyan. Tama ang pangalan ng building, at tama ang description na binigay sa kanya ni Clifford kagabi kaya nakakasigurado siya na tama ang kanyang napuntahan.

Huminga siya nang malalim bago tumuloy sa loob ng building. Sakay ang elevator, umakyat siya sa fourth floor. Doon, naglakad siya at huminto sa pangatlong unit sa kanyang kaliwa.

0403—ayun naman ang unit number na binigay sa kanya ni Clifford. Tumango-tango siya bago pinindot ang door bell.

“Ikaw na ba ‘yan, Rianell?” narinig niyang tanong mula sa maliit na speaker na nasa ibaba ng door bell. Sigurado siya na ang amo niya iyon.

“Ako nga,” sagot niya malapit sa speaker.

Hindi katagalan, nagbukas ang pinto at sinalubong siya ng parehong lalaki na kamuntikan nang nakabangga sa kanya kahapon—na siya ring nakapagbigay sa kanya ng trabaho.

Namilog ang bibig ni Rianell nang makita ang ayos ni Clifford ngayon. Naka-long sleeve polo pa rin ito at slacks. Pero hindi na ito mukhang haggard. Looking fresh and professional na ito. Ang guwapo nito ngayong naka-brush up ang buhok, hindi kagaya kagabi na parang dinaanan ng bagyo na sinundan ng heat wave.

“Pasok,” tila nagmamadali nitong sabi.

Pumasok siya at nilibot ang paningin sa paligid. Tipikal na condo unit iyon. Sa salas pa lang, kumpleto na ang gamit—LED TV, multimedia player, coffee table, sofa set, carpeted floor, at shelf na walang laman na kahit ano. Maliit lang ang lugar na iyon, pero nagmukhang maluwag dahil hindi siksikan sa gamit.

“Nasa kainan si Yujin,” sabi nito habang nagsusuot ng relo. “Tara, ipapakilala kita sa kanya bago ko kayo iwan.”

Sumunod siya kay Clifford patungong kainan na kusina-in-one na rin pala. Perfect square ang dining table na may silya sa bawat gilid, at sa isa sa mga silyang iyon ay may nakaupong bata na mukhang walang pakialam sa mundo habang kumakain ng chocolate cereal.

“Yujin,” tawag ni Clifford sa anak. Tumingin naman ito agad sa ama bago lumingon sa kanya, ang paningin ay nangingilala. “She is Rian. Siya na ang bagong magbabantay sa ‘yo. Behave ka lang habang wala si Daddy, okay?”

Hindi sumagot ang bata. Nakatitig lang ito kay Rianell habang ngumunguya.

“Hi, Yujin,” bati na lang niya rito. Pero sa loob-loob niya, tuwang-tuwa siya kasi kamukha ito ng ama. Hindi nga lang siya nakapagsalita ulit dahil sa biglang pag-ring ng hawak na phone ni Clifford.

“Tsk,” napakunot-noo ito nang tingnan kung sino ang tumatawag. Doon mismo, sinagot na nito ang tawag. “Yes, Zienna. Paalis na ako.” may pagtitimpi sa boses nito. Wala na rin itong sinabi pagkatapos no’n at basta na lang binaba ang hawak na smartphone.

“Mukhang may mahalaga kang appointment ngayon, boss,” komento ni Rianell sa mababang tono. “Kung kailangan mo nang umalis, sige lang. Ite-text na lang kita kapag may mga itatanong ako tungkol kay Yujin.”

Tiningnan siya ni Clifford, ang mukha ay may bahid ng pag-aalala. “Okay.”

Nagpaalam na si Clifford sa anak at hinalikan ito sa noo, pero walang kibo ang bata at nagpatuloy lang sa pagkain. Hinatid naman ni Riannel ang binata sa front door.

“Oo nga pala,” bigla niyang sabi bago pa ito makapagbukas ng pinto. “May mga bisita ba akong dapat asahan na darating ngayon?”

“Bisita? No, wala. Buti na-open up mo ‘yan. Always use that monitor,” tumuro ito sa isang parte ng dingding kung saan may monitor na nakasabit. “tuwing may kumakatok. Walang bumibisita sa amin dito. Wala ring kumakatok unless na may pina-deliver ako. So always be careful if ever na mangyari ‘yan.”

FatedWhere stories live. Discover now