CHAPTER ELEVEN: "Answers"

4.5K 287 18
                                    

A/N: Hi! If maka-encounter kayo ng errors sa updates like jumbled text, logout-relogin lang kayo sa app. Thanks! Enjoy reading! :)

------

CHAPTER ELEVEN
“Answers”


Hindi malaman ni Rianell: nakailang ikot na ba siya sa tapat ng salamin? Hindi rin kasi niya malaman kung niloloko ba siya ng kanyang paningin o ano.

Gaya nung unang university ball na inatenan niya two years sgo, eksakto pa rin ang fit sa kanya ngayon ng peach-colored A-line dress na sinuot niya noon. Bagay pa rin ito sa kanya. Halos walang pinagbago.

“Pero bakit hindi na lumaki boobs ko?” kunot-noo niyang tanong sa sarili habang nakapamewang at nakatingin sa kanyang dibdib.

Hindi naman revealing ang dress na suot niya, pero alam niya na mas maganda sana ang magiging hitsura niya kung nagkalaman pa nang onti ang kanyang dibdib. Kahit sana hindi na ‘yong kasing-laki ng kay Zienna. Basta ‘yong tama lang para madagdagan ng kurba ng kanyang katawan. Ganon kasi sana ang gusto niyang maipakita kay Clifford sa gabing iyon.

Clifford.

Natigilan siya saglit bago marahas na umiling at tumawa.

“Sasama ka sa company dinner na ‘yon para mag-alaga kay Yujin, hindi para maging date niya,” lumapit siya sa salamin at dinuro ang sarili. “Okay Rianell?”

Tumango siya at nag-ayos na lang ng buhok. Gamit ang hair clips, inipit niya ang kalahati ng kanyang buhok para hindi naman siya masyadong plain tingnan.

“Ayan…” kuntento si Rianell sa kanyang nagawa.

Umikot ulit siya at napahinto nang makita ang kanyang ina na nakatayo sa may pintuan ng kuwarto niya. Nakakuyom ang isang kamay nito na nakatapat sa sariling dibdib.

"Ma, bakit po?" Nakaramdam siya ng kaba dahil sa hitsura nito na parang may iniindang sakit. Kaso bigla itong ngumiti nang malapad dahilan para mapawi rin ang kanyang kaba. Hinawakan na lang niya ang magkabilang-gilid ng suot niyang dress at bahagyang inangat. “Naalala mo pa ‘to, Ma?”

“Siyempre. Hindi ko kaya malilimutan ‘yong ganda mo no’n.”

Pigil na ngumiti nang malapad si Rianell. Bolera rin minsan ang kanyang ina e.

“Pero…” bigla itong naghalukiphip at pinanliitan siya ng mga mata. “Parang…”

“Parang?” Napalitan ng pag-aalala ang ngiti niya.

“Hindi pala parang, kundi talaga—talagang mas gumanda ka ngayon.”

“Sus!” natawa siya at muling tiningnan ang sarili sa salamin. “Paano naman ako mas gaganda ngayon? E parehong dress ang suot ko. Parehas ang hairstyle. Parehas ng make-up.”

“Meron kayang iba ngayon sa ‘yo,” nilapitan siya ng kanyang ina at sinamahan siya sa pagtingin sa salamin. Doon napansin niya ang kanilang mukha na halos walang pagkakahalintulad. Aminado naman ang mama niya e, wala siyang namana rito. Puro sa tatay niya lang. Pero may angkin pa ring ganda si Meriam, kahit ba nakikita na rito ang ilang senyales ng pagkakaroon na ng edad.

“Siguro… tumangkad ako nang onti?”

Nakangiting umiling ang kanyang ina.

“Ah! Ito!” tinuro niya ang suot niyang mga drop, diamond earrings. “Iba ang hikaw na suot ko ngayon!”

“Iba nga, pero wala naman talagang pagkakaiba sa style ng suot mo dati.”

“Tss… E ano ang iba sa akin ngayon?”

FatedWhere stories live. Discover now