CHAPTER THIRTEEN: "Moving Forward"

4.4K 139 18
                                    

CHAPTER THIRTEEN
“Moving Forward”


Bakit?

Sa tingin ni Rianell, ayun na ang pinakapaborito niyang tanong sa lahat. Ito rin kasi ang pinakamahirap hanapan ng sagot. Kung may sagot man, minsan ayun ang sagot na napakasakit malaman. Pero kahit na ganon, paulit-ulit pa rin itong tinatanong ng mga tao.

Bakit nga ba? Bakit ganon?

Bakit mapaglaro masyado ang tadhana? Bakit ako pa ang napili nitong pagtripan?

Hindi niya matanggap na matapos niyang maging masaya dahil kay Clifford, mabilis din siyang babagsak at malulungkot dahil sa pagpanaw ng kanyang ina.

Humugot siya nang napakalalim na hininga. Nakaupo siya sa pinakaharap na row ng maliit na chapel ng kanilang village kung saan nakaburol ang labi ni Meriam.

Malalim na ang gabi. Wala nang mga bisita. Ang tanging kasama niya na lang doon ay si Clifford at si Yujin.

Si Yujin, tulog na sa maliit na silid pahingahan. Si Clifford, nagliligpit ng ilang kalat na iniwan o naiwan ng mga bumisita kanina. Ang mag-ama na iyon ang constant niyang nakasama mula pa nung araw na pumanaw ang mama niya. Nag-leave pa si Clifford sa trabaho para masamahan siya, damayan, at tulungan. Wala naman kasi siyang kalapit na kamag-anak para gawin iyon.

Buti na lang, kasama niya si Clifford. Buti na lang dumating ito sa buhay niya bago pa niya nakaharap ang trahedya na iyon. Kundi, baka hindi niya iyon kayanin. Baka sumuko na siya agad.

“Huling gabi mo na, Ma…” bulong niya sa sarili at naiiyak na naman siya. Pero pinili niyang pigilan ang sarili at matawa na lang.

Ang gusto sana ni Rianell, matagal pang maiburol ang kanyang ina—kahit habangbubay pa—pero hindi naman puwede kaya sa huli, siya rin ang nagdesisyon na tatlong araw lang itong iburol.

Okay lang… Pagpapalakas niya rin ng loob sa sarili. Kahit tatlong araw lang naman ‘yong burol, naging masaya na rin panigurado ang kanyang ina dahil sa ilang mga kaibigan at kamag-anak na nakaalala rito at nakiramay sa kanya. Maging masaya rin siya kahit papaano dahil sa magagandang kuwento na narinig mula sa mga taong iyon na puro tungkol sa kabutihan at bahagyang pagkakulit ng mama niya.

“Excuse me…”

Merong hindi pamilyar na boses ng lalaki na narinig si Rianell pero hindi niya iyon pinansin. Wala siyang gana. Masyado na siyang pagod para kumilos.

“Yes po?” Si Clifford ang sumalubong sa bisita. “Kaibigan po kayo—uhm, Sir Benitez?”

Naestatwa bigla si Rianell sa kanyang narinig.

Sir Benitez?

“Do I know you?” may pagkagulat sa boses nung lalaki.

“You must,” sagot ni Clifford. “But surely you won’t be able to remember me dahil sa dami ng estudyanteng hina-handle niyo taon-taon.”

“Ah, so naging estudyante pala kita.” nagkaroon na ng pagkaaliw at pagkamangha sa boses ng lalaki.

“Yes, sir, from six years ago.” may tuwa naman sa boses ni Clifford. “I’m Clifford Ray Sebastian, Marketing graduate po sa university niyo.”

Ang bilis-bilis ng tibok ng puso ni Rianell sa mga oras na iyon. Kahit kailan, hindi niya inisip na puwede ‘yon mangyari sa kahit na ano pang sitwasyon.

“By the way, sir, nandito po kayo para kay Tita Meriam?”

“Yes…” naging malungkot na ang boses ng lalaki.

FatedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora