CHAPTER THREE: "Bitterness"

4.4K 183 14
                                    

CHAPTER THREE
“Bitterness”


Sa isang linggo nang pagbe-babysit no Rianell kay Yujin, isang bagay ang nalaman niya dito: mahilig itong manood ng interactive kiddie shows. Ayun bang palabas na kumakausap sa mga nanonood kagaya ng Dora The Explorer, Disney Playhouse, at Elmo's World.

Nakapangalong-baba si Rianell sa coffee table habang nakatingin kay Yujin na nakaupo rin sa sahig gaya niya at nakatingala sa TV. Todo naka-focus ito sa pinapanood. At dahil sa TV na ito nanonood, nagagamit na niya ang kanyang laptop. Kaya lang, wala siyang gana na mag-internet o ano pa man gamit iyon.

Paano, off dapat ni Rianell sa araw na iyon dahil off din ni Clifford mula sa sariling trabaho. Kaso nakiusap ito na kung maaari siyang magbantay kay Yujin kahit kalahating-araw lang, para makapagpahinga ang binata at makatulog nang mahaba. Pumayag naman siya dahil dodoblehin daw nito ang bayad sa kanya para sa araw na iyon. At saka nasa mukha nga nito ang pangangailangan na makapagpahinga.

Gaano ba kahirap ang trabaho niya at nai-stress at pagod siya masyado? Isip-isip ni Rianell habang nagba-browse sa kanyang Facebook account. Napabuntung-hininga rin siya nang maalala ang painting na hindi niya magawang matapos pintahin dahil sa kakulangan sa oras magmula nang ma-ospital ang kanyang ina.

“Haist,” pagbuntung-hininga niya ulit sabay tingin sa nakasarang pinto mg kuwarto ni Clifford.

Anong oras mo kaya balak gumising?

Magta-tanghali na, wala pa ring paramdam si Clifford mula nung dumating siya. Mula rin kasi sa araw na iyon, hindi na siya kailangang pagbuksan pa nito ng pinto dahil binigyan na siya nito ng sariling susi ng unit.

Buhay ka pa ba, ha?

Inaantok siya—pero mabilis na nawala ang kanyang antok nang marinig na nagbukas ang front door. Napanganga siya kasabay ng mabilis na pagkabog ng kanyang dibdib.

Panic. Ayun ang umatake sa kanya.

Si Clifford, natutulog. Kaya imposibleng ito ang nagbukas ng front door. Nasabi na rin nito no’n na walang bumibisita sa kanila. Kaya wala nang naging laman ang isipan ni Rianell bukod sa masamang tao ang papasok at kailangan niyang protektahan si Yujin.

Agad siyang tumayo sa kabila ng takot. Hinarangan niya ang bata para siya ang unang makaharap ng kung sinumang masamang tao na iyon.

Nakakuyom na ang kanyang mga kamay. Kung mananapak siya, good luck na lang.

“E?” napakurap siya nang sa wakas, makita na niya ang nagbukas ng pinto. Isa ‘yong babae. Maganda at sexy na babae. Maputi na nga ang kutis, binayayaan pa sa hinaharap at kurba ng katawan na defined na defined sa suot nitong micro mini shorts at tank top na pinatungan lang ng denim jacket. Naka-messy ponytail din ang brunette nitong buhok kaya sa paningin niya, para itong isang model.

Namilog ang mga mata ng babae sa kanya, bago siya nito minata.

“Who the fuck are you?” may arte sa boses nito.

“H-huh?” napakurap ulit si Rianell. “A-ako…”

“Shit. Saan ka napulot ni Clifford, huh?”

Napulot?

“Damn it,” tumingin ito sa ibang direksyon at asar na tumawa. “You—you get out, bitch.” tinulak pa nito ang front door para buksan iyon. “Out!”

“Sorry?” nalilito at naiinis niyang tugon. Bakit ba kasi siya nito pinapaalis na para siyang asong gala na basta-basta lang pinulot ni Clifford?

FatedWhere stories live. Discover now