CHAPTER FOURTEEN: "Wish"

4K 144 17
                                    

CHAPTER FOURTEEN
“Wish”


“Yujin!” may kilig na sigaw ni Rianell.

Nagulat naman ang bata na kasama niya sa salas at abalang manood ng TV.

“Yujiiin!” sigaw niya ulit at pinanggigilang yakapin ito.

“Mommy Yiyaaan!” ganting tili nito.

Natawa siya roon. Matagal na rin nang mapagkasunduan nila ni Clifford na tawagin na siyang mommy ni Yujin, kasabay iyon ng naging desisyon nila na doon na siya titira sa unit ng mag-ama. ‘Yong bahay naman nila ng kanyang ina, ginawa niyang workplace at somehow gallery. At ngayon, may natanggap siyang magandang balita kaya gusto niyang magsisigaw at tumili.

Matapos panggigilan si Yujin, nag-type siya ng text message para kay Clifford.

“Ah hindi hindi,” bigla siyang umiling at binaba ang smartphone na hawak. Naisip niya kasi na mas maganda kung surpresahin na lang niya ito mamaya. “Yujin, tara! Grocery tayo!”

“Yey!” tumalon ang bata pababa ng sofa at yumakap sa kanya.

Ang bilis… Nabibilisan si Rianell sa panahon. Bukas, simula na ng second term ng school year. At bukas na rin siya magbabalik paaralan para simulan ang third year niya sa kursong kinuha. Inako ng kanyang ama ang magiging gastos para roon, at inabisuban siya na gamitin o ilaan na lang sa ibang bagay na kakailanganin niya ang naiwang ipon ng kanyang ina. Dalawang taon na lang naman daw ang bubunuin niya sa kolehiyo e at sa pagkakataon na iyon, gustung-gusto siyang suportahan ng kanyang ama para makabawi.

Sa trabaho naman niya kay Clifford, tinapos na nila iyon. Hindi na siya babysitter ni Yujin, pero siyempre, tinuring na niyang responsibilidad ang alagaan at bantayan ito bilang nobya ng binata kaya patuloy niya ‘yong ginagawa. Kaya lang, pareho na sila ni Clifford na mawawala araw-araw sa bahay simula bukas. Buti na lang may malapit na private day care center sa kanila kung saan dati nang iniiwan ni Clifford si Yujin.

Kampante na ngayon si Clifford na hindi na mahihirapang makisama ang anak sa ibang bata hindi gaya noon—bagay na pinagpapasalamat nito kay Rianell. Mula raw kasi nung siya ang mag-alaga kay Yujin, naging madali na ito kausapin at pagsabihan.

Matapos mag-grocery, nagluto ng hapunan si Rianell. Sa totoo lang, ang alam niya lang lutuin ay ‘yong mga instant na pagkain o hindi kaya ay ‘yong piniprito lang. Pero nung gabing iyon, nagpursigi siya na matutong magluto ng ibang pagkain—‘yong tipong pinaghirapan talaga niya.

“Oh?” namilog ang mga mata ni Clifford nung makauwi ito mula sa trabaho at makita ang nakahanda nang pagkain sa hapagkainan. “Wow. Spaghetti. Ikaw ang nagluto, Rian?”

“Tss. Hindi ba kapani-paniwala?”

Tumawa ito.

“Bakit ka tumatawa?!” sita niya sa nobyo.

“Mahusgahan na nga.” nakakaloko ang ngiti ni Clifford nung umupo na ito. “Tara, kainan na!”

“Kain!” sigaw rin ni Yujin na kanina pa nakaupo at kumakain. Hindi na ito nakapagpigil e. ‘Yong noodles pa nga lang kanina na bagong pakulo, tinitikman na nito.

Pinigilan ni Rianell ang mapangiti sa eksenang iyon. Sinabayan na niya rin ang mag-ama sa pagkain, pero hindi siya makakain nang maayos dahil mas nag-enjoy siya na panoorin ang dalawa na sarap na sarap sa kanyang niluto. Si Yujin, naka-dalawang maliit na serving. Si Clifford, lima!

“Grabe… Hindi ka ba kumain kaninang tanghali at gutum na gutom ka?” pagtataka ni Rianell.

“Kumain ako kanina,” sagot nito habang naka-relax na lang sa inuupuan. “Sadyang masarap lang ang pagkakaluto mo kaya nakarami ako.”

FatedWhere stories live. Discover now