CHAPTER FIFTEEN: "Unstoppable"

5.2K 149 61
                                    

CHAPTER FIFTEEN
“Unstoppable”


Hindi alam ni Rianell kung ang dahilan ba ay maraming nasa bakasyon para sa Pasko, o sadyang marami lang talaga ang may interes sa arts kaya maraming spectators ang nagpunta sa art exhibit nila.

Lahat ng kasama niya sa exhibit, amateurs pa kagaya niya. Kaya lahat sila, na-overwhelm sa dami ng nagpunta at sa ilang magagandang feedback na kanilang natanggap, lalo na sa mga legit na art enthusiasts. Ang pinakanakaka-overwhelming pa kay Rianell sa lahat ay nung may bumili sa isa sa mga painting na ginawa niya!

Huling araw na iyon ng exhibit at marami pa rin ang spectator. Nung araw na iyon din nakapunta ang ilan sa mga kaibigan at kaklase niya kaya naging abala siya sa pag-e-entertain sa mga ito. At buti na lang malikot ang kanyang paningin. Dahil kung hindi, hindi niya makikita si Clifford na nakatayo sa isang tabi at masaya siyang pinapanood—sa kabila ng slight na pagka-haggard dahil malamang sa trabaho nito.

Sinimangutan niya ang binata, pero agad ding napangiti at natawa. Nagpaalam siya sa mga kaibigan niya para lapitan ito.

Pagkalapit niya kay Clifford, agad niya itong niyakap. Sa yakap na iyon niya nilabas ang kimikimkim niya kanina pa na sobrang tuwa dahil sa success ng exhibit.

“Congrats,” niyakap din siya nito. “Pero hindi ko papalagpasin ‘yong umakbay sa ‘yong lalaki kanina. Nakita ko ‘yon huh.”

Bumitaw siya rito at kinunutan ng noo. “For your information, bakla ‘yong lalaking tinutukoy mo. May boyfriend pa nga ‘yon e at for your information ulit, mas guwapo pa sa ‘yo ang boyfriend niya.”

Tinitigan na lang siya nito nang walang kaemo-emosyon. Alam naman ni Rianell, nagtatampu-tampuhan na ito. Naghalukiphip siya at tinanong ito.

“Ano bang gusto mo? Pumili ka. ‘Yong napakaguwapo mo pero hindi kita mahal. O ‘yong guwapo ka lang pero mahal na mahal kita?”

“Aba siyempre ‘yong mahal na mahal mo ako.” sagot nito agad at satisfied na tumango-tango si Rianell. “‘Yong mahal na mahal mo ako pero napakaguwapo ko pa rin.”

Mabilis na nawala roon ang ngiti niya. “Wala ‘yon sa choices!”

Tinawanan na lang siya ng binata at inakbayan siya. Sinama siya nito sa paglalakad para paikot sa exhibit.

Sa tatlong araw ng exhibit, walang araw na hindi pumunta si Clifford. Late nga lang lagi ito pumupunta pero sa kada punta nito ay nananatili na ito roon hanggang sa matapos ang event para maisabay siya pauwi. At sa pag-uwi, dinadaanan nila si Yujin sa Day Care Center.

Sa araw-araw at gabi-gabing kasama niya sina Clifford at Yujin, walang ibang maramdaman si Rianell bukod sa saya at contentment. Pero hindi… Alam niya, hindi pa roon matatapos ang lahat. Marami pa silang pagdadaanan. Marami pa silang dapat ipagdasal at paghirapan. Malayo pa ang tatahakin nilang landas at hindi iyon magiging madali. Kaya ngayon, ang dapat niyang gawin ay magpasalamat at namnamin ang kung anumang kasiyahan na kanyang natatamo.

Bago tuluyang umuwi nung gabing iyon, dumaan muna silang tatlo sa supermarket para mag-grocery. Pareho silang pagod ni Clifford sa totoo lang para gawin iyon, pero ano ba naman ang pagod na iyon sa kasiyahan na binibigay ni Yujin sa kanila? Tuwang-tuwa lang ang bata nung ipuwesto nila ito sa loob ng shopping cart at inikot. At saka bukas na ang Christmas eve. Kung bukas pa sila mamimili, paniguradong mas mahihirapan sila. Ngayon pa nga lang, napakarami nang namimili.

Christmas. Laging napapangiti nang malapad si Rianell tuwing iniisip na iyon ang unang Pasko niya kasama sina Clifford at Yujin. Sa isipan pa nga niya, meron siyang check list.

FatedWhere stories live. Discover now