18

713 40 16
                                    

Present

"Ang lalim naman ng buntong hininga na yun."

Seungkwan just glared at Jeonghan because of his comment.

"Bakit di mo ako ininform na sya ang client natin?" Seungkwan asked with a serious tone.

Nakaupo silang dalawa sa may cafeteria. Si Jeonghan ay nagsisimula nang kumain habang si Seungkwan naman ay hinihintay si Wonwoo na na-order ng pagkain nya.

"Akala ko naman kasi wala na yun sayo kasi ang tagal na nung issue nyo diba? Sabi mo wala na diba?" Balik na tanong ni Jeonghan bago muling sumubo ng pasta nya.

Seungkwan suddenly remembers how his heart dropped nang magtagpo ang tingin nilang dalawa ni Vernon. Kung gaanto kalamig ang pawis nya kahit naka-aircon sila nung magsalita si Vernon.

"O-Oo wala na," Seungkwan replied bago kinuha ang juice ni Jeonghan at ininom ito.

"Here's your lunch babe."

Umayos ng upo si Seungkwan dahil dumating na si Wonwoo.

"Sabing wag mo akong—" napatigil si Seungkwan sa pagsaway kay Wonwoo dahil napansin nyang may kasama ito. "V-Vernon?"

Umupo si Wonwoo sa tabi ni Seungkwan at bahagya itong siniko. "He's our client. You should call him 'Sir', babe." bulong ni Wonwoo kay Seungkwan.

"S-Sorry. S-Sir Vernon," pagbawi ni Seungkwan at napalunok.

"It's okay. Parang wala naman tayong pinagsamahan," tugon ni Vernon habang nakatingin kay Seungkwan ng matagal at nakangisi. "Mind if I join with you guys for lunch?" Parang biglang nagbago ang boses nito at tumingin kay Jeonghan at Wonwoo.

"Yes of course Vernon. It's been years," Jeonghan said, prolonging the 's' as he offered the seat beside him na katapat ni Seungkwan. "You've changed a lot!" pag puri pa nito nang makaupo na si Vernon sa tabi nya.

Vernon smiled and Seungkwan wished that he didn't see that kaya naman yumuko ito at nagsimula nang kumain.

"Kamusta ang buhay?" tanong ni Jeonghan at nagsimula na ulit silang kumain.

"Doing great... andaming inaasikaso for the business pero buti nalang nagkaroon na tayo ng agreement and I consider myself lucky for that." Vernon took a glance at Seungkwan. "Lalo na't isa sa mga engineer nyo ang Top 1 sa Civil Engineering Board Exam."

Seungkwan stopped eating. He dropped his fork and stood up.

"Excuse me, I need to go to the rest room," he said at hindi na hinintay ang sagot nila. Diretso syang umalis at tuloy tuloy na nagpunta sa rest room.

He's mad. He's fuming mad.

He immediately punched the wall nang makarating sya sa rest room. Mabuti nalang at walang tao dahil sa sobrang lakas ng suntok nya, kahit pader ito ay lumikha ito ng malakas na tunog.

Seungkwan was cursing under his breath.

Tuwing nakikita nya si Vernon, lalo na ang ngiti nito, naaalala nya lahat. Naalala nya lahat ng bagay na ibinaon nya na sa limot. Naaalala nya lahat ng katangahang ginawa nya sa buhay nya.

"Ang lakas nun a."

Umikot si Seungkwan at lalong kumulo ang dugo nya nang makita nya si Vernon na nakasandal sa pader na katabi ng pinto habang nakahalukipkip.

"That would break a bone kung sa tao mo ginawa."

"I practiced that para magawa ko sayo kaso ayoko nang ubusin ang lakas ko kasi napaka-walang kwenta mong tao," Seungkwan said as if he's spitting fire with every word that he says.

"You're talking to your boss," Vernon's trying to piss off Seungkwan with his words.

"Boss?" Seungkwan asked with sarcasm.

Seungkwan went nearer to the door at handang umalis dahil nasasakal sya sa lugar na to at di nya maatim na makasama si Vernon. Sobra na ang pagpipigil na ginawa nya. Ayaw nya nang makasakit lalo na't nasa trabaho pa sila.

Ngunit papalabas palang sya ay may kamay na biglang pumigil sa kanya and that's it...

Rinig na rinig ang echo ng isang malakas na sampal.

"You. Don't. Have. To. Touch me with your dirty hands," Seungkwan said at tuluyan nang umalis.

Vernon just stood there.

Hinawakan nya ang pisnging sinampal ni Seungkwan at malungkot na ngumiti. "I deserve this."

Move ↯ VerkwanWhere stories live. Discover now