44

589 40 18
                                    


"Seokmin..."

"Oy! Seungkwanie! Napatawag ka?"

"..."

"Teka... gabi na a?"

"P-Pwede bang makitulog muna ako sa inyo for tonight?"

"Sure! Pero bakit?"

"..."

"Napagsarhan ka ba ni tita?"

"O-Oo e."

"Sinungaling."

"Ha?"

"Wala. Sabi ko ipapahanda ko na yung guestroom."

"Salamat..."

"Nasaan ka na ba?"

"Sa convenience store lang... nakain ng noodles."

"Mukhang magtatagal ka pa d'yan."

"'Di. Aalis din agad ako."

"Trust me."

"..."

"Magtatagal ka d'yan."

"Gago ayan ka nanaman ang creepy mo nanaman magsalita."

"Baka nga hindi ka dito tumuloy sa'min e..."

"Gago nabubuwang ka nanaman."

"..."

"Yung mga hula mo minsan nagkakatotoo ha? May super powers ka ba?"

"Gago naniniwala ka dun?"

"Hindi."

"Edi good."

"..."

"Okay ka lang?"

"..."

"..."

"Hindi."

"..."

"..."

"Gago pwede bang magpustahan tayo?"

"No way! Lagi kang panalo sa pustahan kaya ayoko!"

"O sige. Sign nalang."

"Hmm..."

"Deal na kasi wala namang mawawala."

"Sige na nga."

"Kung sinong papasok dyan sa convenience store pagpatak ng 11:11,  s'ya ang forever mo."

"Gago. Kakatapos lang namin magbreak ni Wonwoo. Sa tingin mo naniniwala pa sa forever na 'yan?"

"Alam ko."

"Wow bilis naman kumalat ng chismis? Wala namang may ibang alam kundi—"

"Daldal mo. Basta. Ano ba game ka ba?"

"Sige."

"11:00 na malapit nang mag-11:11."

"Alam ko. May digital clock dito."

"Wala akong pake."

"Nga pala, tutal magaling kang manghula, bigay mo naman sa'kin yung mga number na mananalo sa lotto."

"Gago kung alam ko e'di sana hindi na kita kaibigan ngayon."

"WOW! Kinginang 'to?!"

"Magbantay ka nalang sa pinto. 'Wag mong aalisin ang tingin mo."

"Pa'no pala kung babae ang pumasok?"

"E'di kailangan mo nang iwanan ang daang baluktot."

"Pa'no 'pag wala?"

"E'di tatanda kang dalaga o'di kaya'y pumasok ka na sa seminaryo."

"Kagaya ni..."

"Gago 'pag tinuloy mo 'yan hihilingin kong si Marlou ang pumasok d'yan mamayang 11:11."

"Uy grabe... si Jo... ven nalang."

"..."

"Triggered sya sa Jo akala nya may iba akong sasabihiiiiin!"

"..."

"Uy JO... KE LANG."

"'Di ka titigil?"

"Eto na po stop na po hehe."

"Basta Seungkwan. Kung sino man ang pumasok d'yan, tatanggapin mo ng buong buo sa buhay mo."

"..."

"..."

"Pa'no 'pag si Hansol ang dumating?"

"E'di mas madali. Mahal mo yun e."

"..."

"..."

"Tangina mo."

"Aminin mo na. Aminin mo nang napatawad mo na s'ya at mahal mo parin sya."

"Gago."

"Aminin mo nang kahit sobrang tagal na panahon na ang nakalipas, s'ya parin."

"Gago ka talaga hyung."

"Aminin mo nang s'ya lang talaga yung tinitibok ng puso mo hanggang ngayon."

"..."

"Aminin mo nang masakit parin hanggang ngayon."

"..."

"'Di ako magaling sa love advices pero pakinggan mo ng maayos 'yang puso mo."

"..."

"Baka this time, kapag tinaboy mo s'ya, tuluyan na s'yang mawala sa buhay mo."

"..."

"Ayan nakakahiya ka naiyak ka dyan sa convenience store."

"G-Gago ang a-anghang ng n-noodles naiiyak ako sa anghang."

"Uy ang bilis ng oras o. 11:10 na."

"..."

"Magbantay ka naaaaaa~"

"Hyung... pa'no kung..."

"Kung?"

"Pa'no kung hindi si Hansol?"

"..."

"..."

"Maniniwala ka ba sa sign o pakikinggan mo 'yang puso mo?"

"..."

"..."

"..."

"AYAN 11:11 NAAAA!"

"..."

"Ano? Anong balita? Sinong pumasok? Pogi ba?"

"H-Hyung..."

"Oh... ba't naiiyak ka nanaman?"

"S-Si Hansol..."

"..."

"..."

"S-Shit..."

"I know..."

"H-Hyung ibaba ko muna 'to."

"Sige b—"

Call ended

"—ay gago binaba agad?"

Move ↯ VerkwanWhere stories live. Discover now