21

654 43 22
                                    


"Lee Seokmin!" sigaw ni Hansol nang makita nya si Seokmin sa hallway.

Seokmin heard Hansol but he pretended that he didn't hear anything kaya dumiretso lang ito sa paglakad at halos tumakbo na para lang di maabutan ni Hansol.

But Hansol was fast at halos ilang minuto lang ay hawak na nito ang braso ni Seokmin.

"U-Uy Hansol!" may halong kaba sa boses ni Seokmin habang nakatingin sa ibang direksyon kahit ang binabati nya ay nasa harap nya na.

"Si Seungkwan? One week na syang di pumapasok ah? Di nya din sinasagot ang mga tawag ko kasi nakapatay ata phone nya, wala din akong replies na nakukuha. Is he okay?" sunod sunod na tanong ni Hansol habang naghahabol ng hininga dahil sa paghabol nya kay Seokmin. "And why are you avoiding me? This is the third time na iniwasan mo ako. Ano bang nangyayari?"

Napakamot si Seokmin sa batok nya at napabuntong hininga.

"Vacant ka ba ngayon? Let's talk about this..." tumingin sya sa paligid bago muling tumingin kay Hansol. "...privately." seryosong sagot ni Seokmin.

Hansol followed Seokmin hanggang sa umabot na sila sa garden ng school. They both sat on a bench bago kunin ni Seokmin ang phone nya na para bang may hinahanap dito.

"Ito yung last texts sakin ni Seungkwan..." mahinang sabi ni Seokmin at binigay kay Hansol. "... hindi ko sya nareplyan dahil nakaoff ang phone ko for three days para makapagfocus sa periodicals natin. At ngayon nagsisisi ako na di ako nakapagbukas ng cellphone for three days."

Agad kinuha ni Hansol ang phone ni Seokmin at binasa ang texts ni Seungkwan.

Andito si Papa! Nung umaga sya dumating! Sht! 😭

Seokmin! Tumawag si Hansol kahapon 😭😭 Di ko alam ang sasabihin ko Seokmin 😭😭

Seokmin alam na ni Papa!

Ni-confiscate ni Papa ang phone ko at galit na galit sya sa akin Seokmin di ko alam ang gagawin ko! Buti nakuha ko yung sim at nakakita ako ng lumang phone sa cabinet ko.😭

Seokmin wag mong sasabihin kay Hansol to a please ayokong mag-alala sya 😭

Seokmin! Gusto ko nang lumayas! Sinuntok ako ni papa at ayaw nya akong palabasin ng bahay 😭

Isang linggo ata akong grounded Seokmin sendan mo naman ako ng notes 😭

Seokmin... ayoko na...

"Gusto kong pumunta sa bahay nila pero nung nagpunta ako sa kanila, sarado ang mga pinto at wala yung ate nya. Nagdoorbell ako at pinagbuksan ng tatay nya pero nang tinanong ko si Seungkwan, tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa at tinanong kung boyfriend ako ni Seungkwan," Seokmin continued. "Sabi ko, hindi. Tapos sinabi nya, ang gusto nya daw makausap ay ikaw, yung boyfriend nya. Tapos pinagsarhan nya ako ng malakas."

Tahimik lang na nakinig si Hansol sa kwento ni Seokmin.

"Natakot ako sa papa ni Seungkwan. Lahat kami takot sa papa ni Seungkwan. Maging si Jeonghan takot dun. Kaya wala akong nagawa kundi umalis," malungkot na sambit ni Seokmin habang nakayuko.

Move ↯ VerkwanWhere stories live. Discover now