Prologue

101 4 3
                                    

 Third Person POV

May isang babae na tahimik na nakatingin sa lalaking may kasamang babae maya maya pa ay bumulong ito

" magbebreak din kayo." ito ang binulong niya.

Nakita niyang umalis na ang dalawa kaya napayuko na siya. Sunod ang tingin niya ng umalis ito, napayuko na lamang siya.

"sinong iniisip mo?" 

"yung lalaking mahal ko na may mahal na iba." sumagot ang babae habang nakayuko.

"is he handsome?" sumunod na tanong ng tinig ng isang lalaki.
 "oo, sobra, tapos ang yummy pa ng katawan. Mabait din siya" nakangiti nitong sagot. mayamaya pa ay tumunghay siya at lumingon sa likod para malaman niya kung sino ang nagtatanong sa kanya.

Nanlaki ang mata ng babae at halos lahat ata ng dugo niya sa katawan ay tumaas, ramdam niya ang init ng mukha niya. Paano ba naman ay sobrang lapit ng mukha ng lalaki sa kanya plus ito pa pala ang lihim niyang tinitingnan kanina.

"so you love me. " nakangiti nitong turan.
"ahh. Ano. Ano. Yess" nauutal utal na nasabi ng babae. Hindi niya akalain na mapapaamin siya agad nito. Parang gusto niya ng pakain sa lupa ng mga oras na iyon. At hindi rin niya akalain na ang taong mahal niya ang kanina pang nagtatanong sa kanya.

"but sorry i have a girlfriend, Keyli." sabay umayos ng tayo ang lalaki at umalis na. Naiwan ang babaeng nakatulala. Naramdaman na lang niya na may mainit na likido na lumalandas sa kanyang pisngi.

Dalawang oras ang nakalipas at napagpasyahan niyang umuwi na ng bahay nila.

Nang nasa bahay na siya ay may nakita agad siyang pamilyar na likod at ng lumingon ito ay nabigla siya at nanlaki ang mata.

"Anong ginagawa niya dito?" ayun ang tanong niya sa kanyang sarili ng makita ang taong dahilan ng kanyang pag-iyak kani kanina lamang.

A/N: ano pong masasabi ninyo sa Prologue?

Give me your reactions about dito po :).

UndecidedWhere stories live. Discover now