Chapter 22

4 0 0
                                    

Keyli's POV

Nag iinat ako ng kamay ng bigla naman pumasok sa kwarto ko si Kian. Nakita ko na iba ang itsura niya.

Nakita ko ang hawak niyang teddy bear. Bakit nasa kanya yun? Ang alam ko ay katabi ko lang yun dito ah?

"Ate Keyli" pagkatawag niya sa akin ay agad syang tumakbo palapit sa akin at saka yumakap.

"Kian? Ayos ka lang ba?" Tanong ko sa kanya na nag aalala. Tumunghay naman siya sa akin at kita ko ang lungkot sa mga mata niya.

"Nothing, ate" kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at lalabas na sana ng pigilan ko siya. Tumayo ako at lumapit sa kanyang kinatatayun, marahan ko siyang binatukan.

"Ate, why'd you do that?" Inis na tanong niya habang hinihimas ang ulo niya. Inginuso ko sa kanya ang hawak hawak niyang teddy bear pero agad niya itong itinago sa likod niya.

"Kian, ibigay mo yan sa akin" ngumuso naman siya habang nailing. Ano bang problema ng batang to? Hinigit ko mula sa kamay niya ang teddy bear ko.

"Kian, this is mine. If you want a teddy bear I'll  buy you one" turan ko kay Kian. Shocksss ang sakit sa ulo mag english. Nakita kong nag cross arm si Kian at kumunot ang noo.

"Don't blame me if it's hurt you, ha" Kian said. Haaaa? Ano daw? Hutaaa nababaliw na ata ang kapatid ko? Ano bang pinagsasabi niya. Huwag ko daw siyang sisihin pag nasaktan ako nito? Wahhh may sumapi bang kaluluwa dito sa teddy bear na ito?

"M-may multo ba dito?" Nag aalalang tanong ko, lalo naman nagsalubong ang kilay niya dahil sa tanong ko sa kanya. Tumalikod na lang siya basta sa akin at nagsimula ng mag lakad. Bastos din ng batang yun ahhh! Kapatid ko ba talaga yun? Letse!

"Ay palaka!" Gulat kong saad habang nakahawak sa dibdib ko. Nakakagulat naman kasi ih, paano ba naman bigla biglang nagriring ang cellphone ko. Wahhhhhh! Baka si mami ang tumatawag. Agad akong pumunta sa higaan ko at saka kinuha ang cellphone ko.

"Hello po" turan ko na may pag aalinlangan sa boses pero napangiti na lang ako ng malaki ng marinig ko ang boses niya.

"Mi, kamusta na po kayo diyan? Kapag nakapasyal kayo diyan ng bongang bonga at alam ninyo na po yung mga sight na magaganda pasunudin ninyo po kami diyan ha" tuwang tuwang turan ko.

"Yes, nak. Kamusta naman kayo diy--" napatigil si mami sa pagsasalita dahil sa pag ubo niya.

"Mi, ayos lang po ba kayo?" Alalang tanong ko. Siguro sa kakagala ni mami nagkaubo na siya.

"Yes, nak. I'll call you again ha. I miss you and I love you both" turan niya pagkatapos ay pinatay na ang tawag. Hindi pa nga kami nagkakaroon ng pagkakataon na magkausap ng matagal tapos tatawag na lang ulit siya? Ano bang nangyayari kay Mami? Gala na ba si Mami ngayon?

"Ate, are you not going to school?" Tanong ni Kian habang nakasilip sa pintuan ng kwarto ko.

"Anong oras na ba?" Tanong ko na nakakunot ang noo.

"It's 7:30 am" nanlaki ang mata ko dahil doon. Whattttttt? Male late ako nito ih. Bakit hindi nag alarm ngayon ang cellphone ko! Wahhhhh patay ako nito sa First teacher namin ih. Madali akong nagpunta sa banyo at naligo yung sinasabi nilang ligong uwak ayun ang ginawa ko.

Wahhhhhh I'm done. Tatakbo akong lumabas ng kwarto ko at lumabas ng bahay.

"Babeeeeeee!" Nanlaki naman ang mata ko dahil sa boses na yun. Ano naman ginagawa ng lalaking to dito?
"Oh bakit?" Tanong ko dito na nakakunot ang noo.
"Play with me" nakangiting turan nito habang nag niningning ang mga mata nito.
"Play with me ka diyan, may pasok kaya ako kaya tsupi tsupi." Nalungkot naman siya pagkasabi ko non.
"Thank you nga pala kahapon ha" Turan ko dito.  Kung di kasi siya dumating edi sana bugbog sarado na ako. Nagpaalam na ako sa kanya pero may lahi talagang kakulitan to si Ryke kaya ngayon eto ako't nasa loob na ng kotse niya hindi para makipaglaro sa kanya kung hindi para ihatid niya ako sa school baka daw kasi balikam ako ng mga taong umaway sa akin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 21, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

UndecidedWhere stories live. Discover now