Chapter 8

45 2 1
                                    

Keyli's POV

Nang natapos ang eksenang pag hawak ng kamay sa akin ni Yquen ay tumayo ako at dumiretso sa kwarto namin ni Kian, inilock ko ang pinto.

"WAHHHHHHHHHH MY GASSS!" Irit ko habang tinatakluban ng unan ang mukha ko.

Hinawakan niya ang kamay ko! Hinawakan niya. Dyosko po! Nagtatalon ako sa kama ko dahil sa sobrang tuwa.

Lumabas ako ng kwarto at pumunta ulit sa salas, pagbalik ko doon ay hindi ko na nadatnan si Yquen.

"Nasan si Yquen?" Tanong ko sa kanila.

Tumingin sa akin yung dalawa.

"Tumawag si Quibe kaya ayun madaling umalis" bumaba naman bigla ang balikat ko. Pakilig ang huta!

Bumalik ako sa pagkakaupo. Maya maya ay pumagitna naman sa amin si Kian.

Tumingin naman ako sa kanya pero nginitian niya lang ako.

*Kinabukasan*

Nagtatalon talon ako habang naglalakad.

Hindi pa kasi ako maka move on sa nangyari kahapon ih. My gas sobrang nakakamatay ang eksena na yun ih.

NAKAKAMATAY DAHIL SA KILIG.

Huwag na natin balikan yung umalis siya dahil kay Quibe na girlfriend niya.

Napasapo na lang ako sa noo ko, dapat ba ay layuan ko si Yquen hindi ko naman nilalapitan si Yquen ahhh diba? Minamahal ko lang naman siya.

"Hi! Keyli" napatingin naman ako sa kaliwa ko.

Quibe

"Masaya bang landiin ang may girlfriend?" Nakangiti niyang tanong. Ako naman ay nakatingin lang sa kanya? Nilalandi? Sino naman?

"Ha?" Nakakunot noong tanong ko.

"Maang maangan ka pa, kamot ba hindi ka niya pinapansin ay lalandiin mo na siya ha!" inis nitong turan sa akin.

Hindi ko naman nilalandi si Yquen ah. Diba nga hindi ko naman masyadong nakakausap at nakakasama si Yquen.

"Alcohol" sabay lahad ng kamay niya, sa isang alipores na kasama niya, binigay naman ito nung babae.

Binuksan niya ang alcohol at ibinuhos sa akin ang laman nito.

Pinahid ko ang mukha ko at umalis na lang doon, ayoko ng away.

"Makati ka pa ba ha? Para naman hindi mo na pinapakamot sa iba. Tandaan mong malandi ka hindi ka mapapansin o mamahalin ni Yquen. Ako, ako lang ang mahal ni Yquen. May lahi siguro kayo ng malalandi no ay at saka layuan mo mga friends mo dahil baka mahawa sa iyo ng kalandian" napatigil ako dahil sa mga sinabi niya. Pati lahi ko nadamay na.

Lumingon ako at hinarap siya.

"Wala kang karapatan sabihin yan" iritadong sagot ko sa kanya.

"Na ano? Malandi ka o may lahi kayong malalandi?" Taas kilay niyang turan.

Keyli, calm down, CALM DOWN. Wag kang makikipag away ok.

"Please lang ayoko ng away" tapos tinalikuran ko ulit siya at magsisimula na sanang maglakad ng higitin niya bigla ang buhok ko.

"Ahhh aaray" daing ko dahil ang sakit ng paghihigit niya ng buhok ko.

Hinawakan ko ang kamay niya at tinatanggal ang kamay niya, ng natanggal ay humarap ako sa kanya.

Boset nahawakan na naman niya ang buhok ko kaya naman tinulak ko siya.

Nakita ko siyang nakasalampak sa sahig at umiiyak na.

" huhu Y-yquen" ngawa niyang iyak habang tinatawag ang pangalan ni Yquen.

Nakita kong may lumapit na lalaki sa kanya at inalalayan siyang makatayo.

Tumingin sa akin ito at nakita ko ang galit sa kanyang mata.

"You dont have the right to hurt my GIRLFRIEND!" Sigaw niya. Hindi ko naman sinasadya na maitulak siya. Hindi naman ako ang nagsimula ng away na to. Ayos lang bang tapak tapakan niya ako ng ganito.

Humapdi naman ang mata ko at naramdaman ko ang sunod sunod na pagtulo ng luha ko.

"H-hindi naman ako ang nagsimula ih "iyak kong saad. Tumunghay ako sa kanya at tiningnan siya. Ngumiti siya sa akin pero kita ko ang galit sa mata niya.

"So you're saying that my girlfriend started it" tumango tango naman ako, inaasahan na paniniwalaan niya pero hindi, hindi niya ko pinaniwalaan.

"She's not a liar" turan niya.

Napa upo na lang ako sa sahig ng iwan nila ako dito.

Bigla na lang may bumagsak na panyo sa ulunan ko, kaya naman natakluban ang mukha ko.

Alam ko naman ih, alam ko na hindi niya ako paniniwalaan ih. Ang sakit lang kasi, nawasak ata ng sobra ang puso ko dahil sa ginawa ni Yquen sa akin. Akala ko ay ayos na kami pero umasa na naman ako.

Eto problema sa akin ih, laging si ASA!

"Lets go. Pinagtitinginan ka na dito" bigla na lang may humawak sa akin at inalalayan akong tumayo. Hindi ko na siya natingnan.

Kahapon naman ayos lang pero ngayon hindi na naman. Masakit na naman ito, pagkatapos ba ng kilig overload sakit overload na naman ulit.

"Here. You can cry out loud."

"Huwahhhhhhhhhh! Ang sakit na naman!" Sigaw ko habang walang awat pa rin sa pagtulo ang luha ko.

"Tss." Tapos narinig ko na lang yung mga yabag nung umalalay sa akin na umalis na.

Ang sakit sakit ih. Alam ko naman na wala naman talaga kaming pag asa ih. Umasa pa kasi ako na meron din siyang nararamdaman sa akin ih. Yung puso ko durog durog na naman. Napangiti na lang ako dahil sa kalagayan ngayon ng puso ko.

Keyli magiging ayos ka rin. Magiging ayos rin ako. Wahhhh keylan kaya yon?

Napansin ko yung nakataklob sa akin na panyo, kaya naman kinuha ko ito at pinahid sa mukha ko. Siningahan ko pa ito.

"Kanino nga ba ito?" Tanong ko sa kawalan.

"Faryke E. Wein" basa ko sa nakasulat dito sa towel. Bata pa ba siya at sinusulatan niya pa ang panyo niya.

"Nandiyan ka lang pala" hingal na turan nito. Lumingon ako sa nagsalita at nakita ko sila na naka wide ang arms nila.

"Walanghiyang Quibe na yon, tinira ka ng wala kami" bigla naman akong humagulgol.

"Teka hinahana---- aray. Bakit ka ba naniniko Lian" reklamo naman ni Bea.

"This is not the time for that" iritang turan naman ni Lian. Ano bang nangyayari sa kanila. Nasasaktan na nga ako nagsasakitan pa sila.

At ano kayang pinag uusapan nila? Not the right time? Saan?

UndecidedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon