Chapter 9

24 1 0
                                    

Keyli's POV

Ganito pala yung pakiramdam kapag yung taong mahal mo hindi naniwala sayo. Kahit na alam mo naman na ikaw ang tama.

Dapat ba nagpasabunot na lang ako kay Quibe?
Dapat hinayaan ko na lang siya na saktan ako?
Dapat ba hindi na ako umangal, para hindi ko na siya natulak.

Kung nakita niya ba akong nasasaktan ng ganoon pag tatanggol niya rin kaya ako?

Napangiti na lang ako ng mapakla alam ko naman ang sagot ih.

HINDI NIYA PA RIN AKO IPAGTATANGGOL!

Ang sakit sobra, bakit nga ba niya ako paniniwalaan e wala nga siyang pakeelam sa akin.

Napangiti na lang ako sa kawalan kahit na yung puso ko nawasak na naman niya.

Keyli? Hangang keylan ka pa ba magpapakatanga sa kanya?

Ngumiti lang siya sayo, nakipag usap, bumait lang, nag holding hands lang kayo ay akala mo na may nararamdaman rin siya sayo.

Puso ko, pakatanga ka pa ha. Yung tipong durog ka na nga didikdikin pa lalo.

"Ate Keyli, we're going to eat dinner na." Tawag sa akin ni Kian.

"Busog ako, Kian" sigaw ko. Sana ay hindi nya mahalata ang boses ko. Namalat na kasi kakaiyak ih. Yung mata ko naman pagang paga, ayoko naman lumabas doon na ganito ang itsura ko, dahil mag aalala lang sila sa akin at baka pag nakita ako ni Yquen ay mawalan siya ng gana.

"Ate, yesterday you said it too. Are you crying?" Oo kahapon pa ako ganito, kahapon pa nangyari pero hanggang ngayon ay emotera ang peg ko. Naiimagine ko na ang kanyang mukha, yung magkasalubong niyang kilay.

"Hindi, nag concert lang si ate kanina" pagsisinungaling ko sa kapatid ko.

"Ok ate. Im going to tell it to tita and tito." pag katapos niyang sabihin yon ay narinig ko na ang mga yabag niyang papalayo.

Maya maya ay may narinig na naman akong mga yabag, tumigil ito sa harap ng pintuan ko.

"Kian, sinabi ng hindi ako umiiyak. Wag ka ng makulit ha." Turan ko ulit sa kanya, baka kasi bumalik dahil sa hindi naniwala sa akin, maniwala naman kayo sa akin. Alam kong ngayon nagsisinungaling ako, ayaw ko lang talagang mag-alala sa akin si Kian pati na si tito at tita, ano nakikitira na nga lang kami magiging pabigat pa ako sa kanila.

Tumayo ako sa pagkakahiga ko at kumuha ng unan, dumiretso ako sa pintuan at umupo doon saka sumandal ako sa pintuan.

Siguro ay nag aalala lang sa akin si Kian.

"Kian, dont worry Im ok. Strong kaya ate mo" turan ko, strong ako? Halos nga dalawang araw akong umiyak dahil doon. Napapatawa na lang ako dahil sa sinabi ko kay kian na strong ang ate niya.

"Mag aral ka ng mabuti ha. I love you" Tumayo na ulit ako at lumakad na pabalik sa kama at humiga.

Bukas Keyli, you have to be strong. If you have to pretend that you are alright, then pretend. If you have to smile even thought you're hurting inside then keep smiling.

Nabigat na ang talukap ng aking mata ngunit hindi ko pa rin naririnig ang pag alis ni Kian o baka naman umalis na siya at hindi ko nalang narinig.

Napapikit na lang ako sa sobrang pagod.

Nag inat inat ako ng braso ko.

Pinatay ko na ang alarm clock ko at tumayo na.

"You can do it, Keyli. Basta ba hindi mo siya makakausap o makikita ay makakaya mo ang pag prepretend na matapang ka" turan ko sa aking sarili. Inihanda ko na ang aking susuutin at pumunta na rin sa banyo.

Oo nga pala kada isang room sa bahay nila Yquen ay may banyo. Maganda nga ang kulay ng banyo ih kasi kulay skyblue hindi nakakasakit sa mata, sa amin din naman may banyo ang kada kwarto. 

Siguro ay kalahating oras ay nakatapos na rin akong maligo.

Lumabas na ako ng banyo at nagbihis na ng uniform.

Pagkatapos kong mag bihis ay lumabas na ako ng kwarto.

Nakita kong wala pang gising.

Anong oras pa lang kasi ih. 5:00 pa lang ng umaga, kaya malamang na wala pang tao na gising. 

5:00 kasi ako laging naalis na ng bahay para naman hindi ko siya makita. Ang aga ko ngang pumasok ih, ang start kasi ng klase sa amin ay 8:00 or may iba rin akong klase na 7:30 nag i start.

Nag dikit na lang din ako ng sticky note sa ref. Para mabasa nila tito at tita, ayoko naman silang istorbohin sa tulog nila dahil gabing gabi na rin sila nakaka uwi.

Naglakad na ako palabas ng bahay.

Isinarado ko ulit ang pintuan. Pagharap ko ay nakita ko ang nakasandal na si Yquen sa may kotse niya. Nakatungo ito. Ayoko nga siyang makita dahil baka matunaw ang galit ko sa kanya pero eto siya ngayon at naka tingin na sa akin.

Babalik sana ulit ako sa loob ng mag salita ito.

"Hop in" iniiwasan ko nga siya tapos eto naman siya at papasakayin niya pa ako sa kotse niya.

Ano na naman bang problema niya? Nasisiyahan ba siya sa ginagawa niya? Baka naman baliw itong mahal ko?

Pshhhhh. Pretend, Keyli. You're happy ok.

Naglakad na ako papunta doon at siya naman ay pinagbuksan ako ng pinto ng kotse niya.

Huwag kang kiligin, Keyli. Huwag na huwag! Pero letse talaga ang puso ko dahil kahit na ilang beses na niyang winasak ay kung makatibok sa kanya ay wagas.

Sumakay na ako at siya naman sinarado ang pinto at sumakay na rin.

Walang nag sasalita sa amin, parehas kaming tahimik.

Nakakabinging katahimikan.

"Are you--" nakatingin pa rin ako sa labas, ayokong makita ang mukha niya dahil baka mapa irit ako dito.

Naloloka na ako dahil sa nararamdaman ko ngayon. Diba dapat ay galit ako sa kanya? Diba dapat hindi na siya ang tinitibok nito? pero bakit ganito ang nangyayari? 

Huwag kang maging marupok ngayon, Keyli.

Kahit na hindi pa natatapos ang tanong niya ay nagsalita ako.

"Wahhh ang dilim pa pala talaga no" turan ko na nakangite.

Keep it up, Keyli. Malapit na ang school. Kaya mo pa diba? Kaya mo pang hindi magwala diba?

"Tss." Dinig kong sabi niya.

Namayani ulit ang katahimikan pagkatapos noon, wala ni isa sa amin na nagtangkang basagin ang namumuong katahimikan.

Nakita ko na ang University namin. Sa wakas ay makakahinga na rin ako ng maayos.

Tumigil ang kotse at bumaba siya.

Maya maya pa ay binuksan niya ang pinto kaya bumaba na ako.

May ipinatong siya sa akin.

"It's cold, wear that" turan niya at umalis na. Tiningnan ko kung anong ipinatong niya sa akin.

Jacket. Nung isang araw lang ay galit ka sa akin, pero ngayon ay inihatid mo pa ako at ipinahiram itong jacket mo.

Bakit niya ba ito ginagawa sa akin? Bakit Yquen? Sabihin mo naman para maintindihan kita oh? Sabihin mo naman para hindi ako nangangapa, dahil sa totoo lang ay hindi ko alam ang mga ginagawa mong action ih.

Baka mamaya umasa na naman ako tapos sa huli ay wala naman palang aasahan.

Bakit sa kabila ng nararamdaman kong sakit ay napapangiti mo pa rin ako, bakit sa kabila ng pananakit mo sa akin ay lalo kitang minamahal.

Sh*t eto na ata yung stage na mababaliw na ako.

UndecidedWhere stories live. Discover now