Chapter 2: living with him

32 2 0
                                    

Keyli's POV

2 days after

"Aray!" Napatingin naman ako sa babaeng nangbatok sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin pero mas nangibabaw ang aking kasiyahan.

"Bakit ang saya saya mo ngayon?" Tanong sa akin ni Bea.

"Oo, nga Keyli? OMYGASHHHHHH! Wag mong sabihin na" napatingin naman ako kay Lian. Ano na naman kayang sasabihin nitong kalokohan. Huwag nila akong binabadmood ang saya saya ko nga.

"Naaa naaa may BOYFRIEND KA NA?!" Nabatukan ko nga siya ng wala sa oras.

"Wala!" Tumingin sila ng nakakunot ang noo. Kita ko sa mga mata nila na gusto nila ng kwento.

"Doon tayo sa may tambayan natin dito sa University" bulong ko sa kanilang dalawa. Madali naman kaming pumunta doon.

Nang makarating kami ay tumingin ako sa kaliwa, at sa kanan baka kasi mamayaa may tao pala edi nalintikan na.

Umupo kami.

"WAHHHH!" Irit ko naman.

"Omaygad Omaygad!" Sigaw ko pa. Inalog alog naman ako ng dalawa.

"Spill it out" sabay nilang sabi sa akin.

"Ganito kasi yun. Si. Si. Si Yquen" Nanlaki ang mata nilang dalawa.

"Ohh Ano na. Ano ng nangyari sa inyo ni Yquen? Nag break na ba sila nung Gf niyang masama ang ugali?" Sunod sunod nilang tanong.

Umiiling iling naman ako. May Girlfriend nga pala yung taong inaasam kong mapasaakin, yung taong mahal na mahal ko simula bata pa.

"Ehh ano?" Tanong nila.

"Ganto kasi yun"

FLASHBACK

Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang lalaking nag paiyak sa akin kanina.

Anong ginagawa niya dito? Baka naman sabihin niya sa akin sorry at mahal niya rin ako. Napangiti ako dahil sa naiisip ko.

"Ohh Keyli, andyan ka na pala" napa tunghay naman sa akin si Yquen.

Bakit ganoon siyang makatingin sa akin? Anong ginawa ko sa kanyang masama? Masama ba ang mahalin siya?

"Nak, kinakaon ka ni Yquen" kinakaon ako? Bakit saan kami pupunta? Hala baka idate niya na ako! Oh my goshhhhhhhh.

"Ho? Bakit ma?" Tanong kong nakakunot ang noo pero sa utak ko ay nag didiwang lalong lalo na ang puso ko. Yiehhhhh.

"Doon ka muna titira sa kanila" napa tulala ako kay mama? Siryoso ba siya? Doon muna ako titira? Makakasama ko si Yquen sa bahay nila.

"Pupunta kasi ako ng America at 2/3 buwan siguro ako doon." Bakit pupunta si Mama sa America? Magtatanong pa sana ako ng nagsalita ulit si mama.

"Mag ayos ka na anak at kanina ka pa hinihintay ni Yquen" nakita kong tumayo si Yquen at lumapit siya sa akin.

"I dont want you there but I dont have a choice because my father is the one who offer tita Licia" bulong niyang sabi.

Ayaw niya talaga akong patirahin sa kanila, pero ayos lang masaya pa rin ako dahil makikita ko siya araw araw plus pwede rin kami mag sabay sa umaga * sige asa ka pa Keyli. ASA pa ha* sabi sa akin ng aking inner voice. Oo aasa ako kahit na may gf siya.

Tumingin ako sa kanya at nakita ko ang mga mata niya. Napaka cold kung tumitig ito sa akin.

"Tita Licia, I will wait outside" ngiti niyang sabi kay mama. Lumabas siya at ako naman ay madaling pumunta sa kwarto ko at inayos sa maleta ang mga damit ko at pumunta sa banyo para makapa shower ng onting oras.

Mga ilang minuto ay natapos na ako kaya naman inayos ko na ang sarili ko.

Dinala ko na rin ang maleta ko. Nakita kong nag hihintay si mama sa labas ng pintuan ko.

"Ma, ingat po kayo sa America haaa. Lagi ninyo akong itetext. Keylan po ba ang alis ninyo? para maihatid ko po kayo" ngumiti naman siya sa akin at tinap ako sa ulo.

"Mamaya na, Keyli. Ikaw ay mag-ayos doon haa" bilin ni mama. Ayaw niya rin na ihatid ko siya. Lumabas na ako ng bahay at nakita kong nakasandal si Yquen sa may kotse niya.

Nang makita ako ni Yquen ay mabilis siyang sumakay ng kotse niya.

Whooo ang bigat ng maleta ko, pero kaya naman ito.

Sumakay na ako sa kotse niya. Whoooo kaya ko ito. Wahhhhh nakasakay na ako sa kotse niya! Wahhhh siya ang nag dadrive para sa akin! Napakasaya ko. Sobra.

Mga ilang minuto ay tumigil siya sa may kanto. Bakit kaya siya tumigil.

"Get out. You can go by yourselve in our house" malamig niyang sabi. Pinapalabas niya ako at pinapapunta mag isa sa kanilang bahay?

"Ha?" Naka kunot noong tanong ko sa kanya.

"I said get out!" Sigaw niya pa. Madali akong bumaba ng kotse at siya naman ay pinaharurot yun.

Ayos lang yan Keyli. Baka pupuntahan niya yung girlfriend niya. Tandaan mo Keyli mas mahalaga ang girlfriend keysa sayo.

Ang sakit na naman ng puso ko. Nabasag na naman. Asa pa more Keyli.

Umiling iling ako. Ayos lang sa akin na mahal ko siya, at tinitingnan siya sa malayo kasama ang girlfriend niya. Ok lang ba ako na ganito na lang?

Paano ako makakapunta sa kanila nito? Oo mag cocommute na lang ako.

"Keyli?" Napalingon naman ako sa tumawag sa akin.

Kumunot ang noo ko. Lalaki? Sino ito? Parang pamilyar siya.

A/N: Hmmmm Yquen ang bad mo!
Sino kaya tong tumawag kay Keyli.

UndecidedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon