Chapter 1: Silay Goddess

49 1 1
                                    

Keyli's POV

Wahhh nasaan na siya? Nasaan na? Inililibot ko ang mga mata ko sa kabuuan ng park.

"Spotted" bulong ko sa sarili ko. Araw araw lagi ko siyang sinisilayan. Hindi talaga siya nakakasawang tingnan. Mukha na nga akong stalker ih.

Wahhhh ang sarap talaga niyang silayan ih.

Bakit kaya siya nag-iisa? Wala ba siyang kaibigan sa kaklase niya? Babae? Wala kaya siyang kaibigang babae?

Wala nga siguro, mailap pa rin siguro siya sa mga taong nakikipag kaibigan sa kanya kahit babae ih.

May nakita akong dalawang babaeng nagtatago rin sa isang puno at tinitingnan ang taong kanina ko pang sinisilayan.

Tss. May fangirls agad siya. Bakit kasi ang pogi ng taong to ih. Pasukan pa lang kasi ih. Ako naman may kaibigan na, yung dalawa ko rin kaibigan ng highschool ay sila ring kasama ko sa kalokohan ay mali kabaitan pala.

Maya maya ay may dumating na babae at lumapit sa kanya.

Sino kaya tong babaeng to?

Nanlaki ang mata ko at halos madurog na ang puso ko dahil sa ginawang paghalik ng babae sa pisngi ng taong mahal ko na noon pa.

"Huta! Sino ang balahurang mukhang anghel na humalik sa taong mahal ko pa noon pa" inis na bulong ko habang may pinipisil.

Napatingin na lang ako sa pinipisil ko.

"Wahhhhhhhhhh!" Sigaw ko

Nakita kong napatingin sila sa gawi ko kaya naman kumaripas ako ng takbo palayo doon.

Napa hawak na lang ang isa kong kamay sa tuhod ko habang humihingal.

Hindi ko pwedeng ituon ang right side ko sa tuhod ko ih.

Nakaka diri ka talaga, Keyli.

Paano yung pinipisa ko pala sa kamay ko kanina ay yung chocolate na kinakain ko kanina at lumambot na kaya kumatat sa kamay ko at kumalat.
Pati chocolate nadurog, katulad ng pagkadurog ng puso ko.

Tss. Napa kunot ang noo ko dahil sa babaeng humalik sa pisngi ng mahal ko.

"Huta! Sinong babae yun?!" Buset! Girlfriend niya kaya yon? Napatayo ako ng ayos at saka bumagsak ang balikat ko.

Dinukot ko sa bulsa ko ang panyo ko at pinunasan ang kamay kong naging malagkit dahil sa chocolate.

Nagpatuloy na ako sa pag lalakad.

Ang sakit naman nung nakita ko.

Shet! Wasak si hearty heart ko.

Naramdaman ko naman ang mainit na likido na dumaloy sa mata ko.

"Keyli, it's alright. Everything will be alright" pag papakalma ko sa sarili ko.

Makakasilay pa ako sa kanya. Oo ayos lang yan.
Ok lang ako.
Masaya ako sa kanya, kahit na yung puso ko nagluluksa na.
Sana lang talaga ay di siya saktan ng babaeng yun, dahil kapag sinaktan niya si Yquen mata niya lang ang walang latay.

Keyli, oo tama yung iniisip mo. Suportahan mo ang taong mahal mo, basta makita mo lang siyang masaya ay masaya ka na rin diba.

"Yahhhhhh!" Ano na kayang ginagawa nila ngayon?

Girlfriend niya kaya talaga yun?

Ay ano? Keyli, t*nga t*nga lang. Boset tong utak ko ih.

"Aray" daing ko dahil sa sakit ng pagkakabatok niya sa akin. Napatingin ako sa taong bumatok sa akin.

"Loko ka talaga" nakita ko ang nakangiti niyang mukha, pero nawala rin ang ngiti niya ng nakita niya ang itsura ko.

"Ayos ka lang ba?" Tanong niya. Tumango tango naman ako.

"Hindi nga?" Isa pang pangungulit nito ay baka maging punching bag ko siya ngayon.

"Oo!"sigaw ko.

"Pumangit ka kasi lalo ih!" Nag panting ang tenga ko dahil sa sinabi niya, pero wala ako sa mood makipag asaran sa lalaking to ih.

Siguro ay panget ako kaya hindi niya ko napapansin.

Oo, panget nga ako.

"Oo, panget ka talaga" nagpatuloy na lang ako sa paglalakad ko.

"Hoy! Ano ba?!" Asar na tiningnan ko siya. Tumingin naman ako sa tinitingnan niya.

"Lalampas ka kasi ih" napasapo na lang ako sa noo ko at saka pumasok na sa loob

"Keyli, marami pang lalaki. Wag mo ng iyakan yon"

Alam ko naman na maraming lalaki sa mundo, kung kani kanino ko na narinig yan ih. Eh ano bang gagawin ko? sa kanya lang tumitibok tong puso ko.

Muntik na nga akong lumampas sa bahay namin dahil sa kanya.

Kung tinatanong ninyo ako kung sino yung lalaking malakas ang loob na nangbatok sa akin ay si Tito.

Oo tito ko, mas matanda lang siya sa akin ng 1 taon. Pala asar kasi yon ih. Halos lahat ng pamankin niya o pinsan niya, lagi niyang pinagtitripan. Kapatid siya ng papa ko. Wala ba akong galang sa kanya? Sabi niya kasi nakakatanda daw masyado kapag mangongopo ako sa kanya, e isang taon lang naman daw tanda niya sa akin. Gusto niya rin kasi tropa tropa lang daw ang turingan pero wag kayo medyo strict rin yon.

Oo alam niya rin kung sino ang mahal ko, halos lahat ng pamankin niya alam niya lovelife ih. Chismoso kasi yon, paano sawi rin haha nakipag break kasi gf niya kaya ayon bitter na siya.

Nang makapasok ako sa loob ng bahay namin ay tumambad sa akin si mama.

"Hi Ma" saka ngumiti sa kanya, sana ay hindi niya mapansin ang mata ko.

Ngumiti siya sa akin at lumapit sa akin at saka hinug ako.

"Ma, ayos lang po ako. Akyat na po ako sa taas" pagpapaalam ko sa kanya.

"Nak, I love you" turan niya at saka kumalas sa pagkakayakap sa akin. Mabilis naman akong umakyat papunta sa kwarto ko at saka sinarado ito.

Napahagulgol ako dahil sa ginawa ni mama. Si mama talaga, alam na alam niya kung paano ako papaiyakin ng sobra.

"Mama, salamat po" dumiretso ako sa higaan ko at saka dumapa dito at patuloy na umiyak.

Ayos lang ako. Ayos lang ako.


UndecidedWhere stories live. Discover now