Chapter 19

13 0 0
                                    

Keyli's POV

Naglalakad kami ni Yquen na magkahawak ang kamay.

Nako baka namamawis ang kamay ko nakakahiya.

Wahhhhhhhh! Hawak ko ang kamay ng taong mahal ko!

Ang kaninang takot na nararamdaman ko ay unti unting nawawala dahil sa taong ito.

"Kuya, can we ride that!" Sigaw ni Kian habang naturo turo

"Yes, we may" napatingin ako sa tinuturo ni Kian at napailing iling.

Nako ayokong sumakay sa tinuro nitong batang to.

Nang aasar siguro tong batang to ih. Alam naman niyang takot akong sumakay sa mga ganan na rides.

Isa pa ito si Yquen gusto rin. Nako paano na ito. Ayokong magpaiwan dito.

Hinigit na ni Kian si Yquen kaya naman napapasok kami at ako naman ay nakatulala na.

"Kaya ko ito, oo kaya ko ito" bulong na turan ko. Kailangan kong palakasin ang loob ko.

"Are you alright, Keyli?" Tanong ni Yquen. Pilit naman na ngumiti ako.

Gusto ko ng magwala. Ayoko na! Umandar na ito ng biglang tumigil ito kaya naman gumalaw ito at dahil sa pagkabigla ay napayakap ako sa taong kalapit ko.

Napatunghay ako sa taong yakap yakap ko ngayon kaya naman nanlaki ang mata ko at ang puso ko ay bumilis na naman.

HUTAKTEEEEEE! And the Chansing award goes to KEYLI!

Napabitaw ako ng wala sa oras. Lalayo na sana ako ng bigla niyang hinigit ang kamay ko kaya napayakap ulit ako sa kanya.

Putek! Nakakahiya na! Nakikita niya na ang pamumula ng mukha ko.

Itinakip ko ang isang kamay ko sa mukha ko at pumikit.

Maya maya pa ay may naramdaman akong hininga malapit sa tenga ko.

"Don't cover the beautiful view"

BUSETTTTTTTTTT!

Langhiyang yan baka mangisay ako ng wala sa oras nito ih!

Ahhhhhhh
"Ahhhhhhhh" napasigaw ako ng biglang umandar ang ferris wheel na sinasakyan namin o pwede na ring sabihin dahil sa kilig. Wahhhh huta! Siguro ay para na akong kamatis nito sa sobrang kapulahan ko.

"Hahaha" dinig kong tawa ng katabi ko.

"You're so cute, Keyli" natatawa nitong sabi. Napa pout naman ako dahil sa sinabi niya.

Tumingin ako sa gawi ni Kian at nakitang enjoy na enjoy naman siya.

"Look outside, Keyli" turan ni Yquen.
Umiling iling naman ako.

"You will love the view" pumikit ako at saka tumalikod pagkatapos ay dumilat ulit.

"WOW!" napasigaw ako dahil sa sobrang amaze. Napahawak na ako sa salamin ng sinasakyan namin dahil sa sobrang ganda ng view na nakikita ko.

Tumingin ako sa taas at nakita ang mga nagkikinangan na bituwin.

Tumingin ako kay Yquen ng nakangite.

"I told you" sabay ngite niya sa akin. Tumingin ulit ako sa labas at inenjoy ang view.

Mga ilang minuto ay bumaba na rin kami. Ang daming tumitingin kay Yquen at kung makatingin may puso pa sa mga mata nila.

Kinakapa ko ang kamay ni Yquen pero bakit wala?

Napalingon ako sa gilid ko. Nasan sila?

Nasaan sila? Nasaan si Yquen?

UndecidedWhere stories live. Discover now