Chapter 5: hurt

35 2 1
                                    

Keyli's POV

"Bottoms up" sigaw ni Lian. Ako naman ay nilaklak ko ang punong puno ng matapang na alak na nasa baso ko.

Gumuhit ito sa lalamunan ko. Sana ay kahit ngayon manlang makalimutan ko siya. Dapat para to ipagdiwang na nakatira na ako sa bahay nila pero eto ako't nag iinom dahil sa nasaktan na naman ako.

Bakit naman kasi hindi pa ako nagiging manhid.

Flashback

Inihatid ako ni Ryke sa bahay.

"Babye, babe. I will text you later. Huwag mo agad akong mamimiss ha" turan niya sabay wink sa akin.

"Ha. Ha. Ha. Kapal ng feslak mo Ryke." Sarcastic na tawa ko.

"Salamat at ingat ka ha" dugtong ko pa at saka nag wave na sa kanya.

Nakakaloka si Ryke. Ang lakas ng topak niya. Nakangiti akong papasok na sa loob ng tumambad ang mukha ni Yquen.

"You look so happy." Tumango tango naman ako.

"Ginagawa mo ba ito para pagselososin ako?" Napatingin ako sa mata niya at kita ko na naman ang pagka cold nito.

"If you're doing it just to make me jealous, sorry to say but I am not and get away to Ryke" pagkatapos niyang sabihin yon ay tumalikod na siya sa akin.

Humapdi ang mata ko at napangiti ako ng mapait. Hindi ko naman siya pinagseselos ahh, alam ko naman na kahit na gawin ko yun ay wala naman  siyang magiging pake.

End of flashback

Oo, mahal ko siya sobra kaya nagpapakatanga ako sa kanya ng ganto kung dati nung mga bata kami ay siya ang knight in shining armor ko ngunit ngayong malaki na ay nagbago na.

"Dahan dahan lang, Keyli" sabi ni Bea na pinipigilan ako.

"Bea, hayaan mo na siya. Sobrang saya lang nan dahil kasama niya na si Yquen sa iisang bahay" turan naman ni Lian sabay lumaklak siya.

Kada buhos ko ng alak sa baso ko ay tungga ko naman. Medyo nahihilo na rin ako dahil nakaka tatlong bote na ako ng alak.

"Hala Keyli, una na ko ha. Nagtext na si papa sa akin" sabi ni Bea. Tumango ako at saka nagpaalam.

"Keyli, sabay na ako kay Bea" tumunghay lang ako sa kanya at saka ngumiti at tumango tango.

Mga ilang sandali ay tumayo na rin ako at lumabas ng bar.

"WHOOOO ANG SAYA!" sigaw ko, pero yung puso ko ang sakit sakit.

Pinindot ko ang number 1 at diretsong kumonekta ito sa taong tinatawagan ko.

"Hellowwww, konnichiwa, yeoboseyo!" Sigaw ko sa kabilang linya.

"Are you drunk?" nak ng pa english spokening dollar ang natawagan ko.

"Hendi ako lasingggg!" Sigaw ko pa.

"Where the fuck are you, Keyli?" Tanong naman niya.

"Bakit shino ka bha?" Pa pungay pungay na tanong ko sa kanya.

"Sabihin mo kay Yquen mahal ko siya kaya wag siyang tanga tanga ever ha!" Pinindot ko ang end call. Shino ba yung natyawagan ko?

"Keyli, andito ka lang pala" is this for real? Tinawag ako nito na Keyli. Napahalakhak naman ako.

"Si Yquen" umiwas naman siya ng tingin sa akin.

"Wag mo ng isipin yung isang yon. I saw him with Quibe" ha ano bang pinagsasasabi niya?

Siya si Yquen ahh? Nahihilo lang ako. Wahhh lumalabo ulit mukha niya.

*yawn yawn* wahhhhhh ang sakit ng ulo ko.

UndecidedWhere stories live. Discover now