Chapter 14

17 0 1
                                    

Keyli's POV

"Napkin" mahinang sabi ko. Pagkasabi ko noon ay narinig kong nagsalita si Yquen ng

"Wait for me. I'll be right back" sinilip ko siya at nakita kong tatakbo siyang umalis.

Teka natataranta ba siya.

Ahhhhh. Huta! Sumakit na naman yung puson ko.

Teka siryoso ba siya ibibili niya ako ng napkin? Ibibili ako ni Yquen ng napkin? Hindi ba siya nahihiya?

Alam kong siya ang bibili ng napkin dahil wala naman siyang mauutasan ngayon, sabado ngayon at kapag sabado at linggo day off ng mga katulong nila.

Wahhhhhh hearty heart wag masyadong umasa baka masaktan ulit.

"Ate, are you alright?" Rinig kong tanong ng aking kapatid. Sinilip ko siya at nakita ko ang nag aalala niyang mukha.

Inalis ko ang unan na nakataklob sa mukha ko at nginitian siya.

"Ok lang ako" sabay ngumiti ako sa kanya. Siguro ay siya ang tumawag kay Yquen.

"Ate, kuya Yquen is so funny." Pag sisimula niya. Napa kunot ang noo ko dahil sa sinabi niyang nakakatawa raw si Yquen.
Nakakatawa si Yquen? Lagi ngang nakasimangot si Yquen ih, at siya ay isang seryosong tao.

Napansin ata ni baby brother ko ang itsura ko kaya nakangiti siya sa akin ngayong ng nakapanloloko. Ano na naman bang trip ng batang to?

"I am going to repeat what I said. You are both funny" sabay tawa niya ng napakalakas.

Ha? Di ko magets tong kapatid ko.

"I don't get you?" Huta napapa english ako dahil dito ih. Hala baka naubos english ko dito ah.

"Ate, do you want to know a secret?"

"I am not interested to your secret" turan ko. Hindi ako interesado sa sikreto niya. Mabuti sana kung may kinalaman yun kay Yquen. Nag taklob ulit ako ng unan sa mukha ko. Akala ko ay aalis na si baby brother ko pero wala akong naririnug na yabag na paalis.

"It's about kuya Yquen" naihagis ko ang unan na naka taklob sa mukha ko at  napatango tango habang naka ngite.

"YEAHHHH! YEAHHH! I WANT TO KNOW THAT SECRET!" bibong bibo kong sigaw.

Whoooi shocks nawawala ang sakit ng puson ko.

Ngumiti ang kapatid ko. I dont like that kind of smile.

"Sorry ate, you said earlier that you're not interested. So bye" kumaway kaway pa siya habang naka ngite. Pinagtitripan ba ako ng kapatid kong ito? Pero, hindi kapag may mga sikreto siya alam ko worth it pakinggan yun.

"Gagawin ko lahat!" Sigaw ko pa.
Sana gumana. Gumana ka sana.

Napatigil siya at tumingin sa akin ng naka ngiti.

"Really?" Tanong niya pa. Uto uto talaga tong kapatid ko.

"Yes" nakangiting sagot ko.

"Ate, I am not going to fall to that trap again." Naiwan akong nakanganga dahil sa sinabi niya.

Huta akala ko mauuto ko ulit siya pero nagkamali ako.

Ano kaya yung sikreto na yon? Wahhhhhh gusto kong malaman?

Napatingin ulit ako ng may napansin akong nakasilip.

"He have a crush on you" sabay taas baba ng kanyang kilay.

Nanlaki ang mata ko at binato siya ng unan.

HUTAKTE! Sinong may crush sa akin?

Si Yquen. Malabo, malabong malabo na magka crush sa akin si Yquen. Ang lakas mang trip ng kapatid ko.

Paano nga kaya kung meron? Napa iling iling naman ako. Asa pa more Keyli.

Humiga na lang ulit ako at tumingin sa pinto.

Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang sinasabi ng kapatid ko na may crush sa akin.

Nakita ko ang butil butil na pawis sa kanyang mukha. Hingal na hingal rin siya.

Napatayo tuloy ako. Ano na bang itsura ko ngayon? Wahhhh haggard na me.

Wahhh nanginginit na rin ang mukha ko.

Lumapit siya sa akin.

"Here" sabay abot niya sa akin ng dalawang plastic.

Kinuha ko yung plastic. Langya ang dami naman ng binili nitong napkin, iba't ibang brand. Ano pabang laman ng isang plastic na ito?

Tiningnan ko siya at nakitang nakatingin na siya sa ibang direksyon.

"Are you ok now?" Tanong niya habang yung isang kamay niya ay naka kapit sa ulo niya.

Wahhhhhh ang gwapo niya lalo.

"Ahh ano medyo" sagot ko. Bakit ang bait niya sa akin ngayon? Hindi nga kaya? Hutaaa stop thinking about it, Keyli! Sigaw ng aking isipan.

"Drink the medicine that I bought. It's in the other plastic" tiningnan ko yung plastic, at oo nga may gamot.

Paano niya nalaman tong gamot na ito?

Magpapasalamat na sana ako ng pag tunghay ko ay nakatalikod na siya at nag simula ng mag lakad.

Ay bastos pa rin talaga siya.

Isa lang ang ibig sabihin nito

Nagkamali ang kapatid ko. Ito pa lang ang unang pag kakataon na nag kamali ang kapatid ko, mali ang observation/investigation na ginawa niya kay Yquen.

Si Yquen ay walang pag tingin sa akin. Kailangan hindi na umasa para hindi na lalong mawasak si hearty heart.

Kumuha ako ng isusuot ko at pumunta sa banyo para linisin ko ang sarili ko at para fresh na fresh ako no.

Pagkatapos ko ay inalis ko ang bed sheet ng higaan at pinatungan muna ng kumot na gamit ko. Hindi ko kasi alam kung saan kukuha ih kaya kumot ko muna.

Humiga ako at ipinatong ang kaliwang kamay sa braso ko samantalang ang kanang braso ko ay niyakap ang isang teddy bear.

Magiging sobrang saya ko kapag si Yquen ay mas gusto talaga sa akin. Pwede na akong kunin ni Lord nun.

THIRD PERSON POV

Nakahiga sa kama ang isang babae ng may kumatok sa kanyang pintuan.

Hindi manlang gumalaw sa pagkakahiga ang babae.

"Keyli, Im going in" turan ng kumatok sa kanyang pintuan.

Dahil sa hindi sumasagot si Keyli ay nag alala ang lalaki kaya naman pumasok nga siya sa kwarto.

Nakita niya na nakahiga na ang babae.

"Are you alright, Keyli?" Hindi ito sumasagot kaya naman lumapit siya sa kama at umupo sa tabihan ng babae.

"Keyli, can you not make me worried again." Inis na turan ng lalaki.

"Are you sleeping?" Tanong ulit nito.

"I guess your sleeping" ng hindi sumagot si Keyli ay doon niya na nga nakumpirma na tulog nga ito.

"I think this is the right time while your sleeping" turan ng lalaki.

"Keyli" tawag ng lalaki sa pangalan ng babae

"Keyli, I just want you to know that Im sorry." Turan ng lalaki.

"Im sorry for hurting you"

"Im sorry for not believing in your words"

"I dont know what Im feeling right now. I dont know what is my feeling for you, but everytime I see you with another man I like to punch whoever that man is."

"Dont avoid me, because its hurt" napapailing na lang ang lalaki habang nakangiti.

"I think I'm starting to fall for you" napangiti ang lalaki ng sabihin niya yun, ngunit naglaho rin ang ngiting iyon.

UndecidedWhere stories live. Discover now