Chapter 7

22 1 0
                                    

Keyli's POV

Nandito ako sa may tambayan namin nila Lian at Bea at nagmumuni muni.

"Aray!" Daing ko. Tumingin ako sa likod para malaman kung sinong bumatok sa akin, nagiging hobby niya na ang batukan ako ih. Sino pa ba edi si Lian.

Sumimangot ako at sila naman ay ngumiti.

"Kamusta? Kamusta ang linggo mo sa bahay nila Yquen?" Ngiting tanong ni Bea.

Nang maalala ko ang nangyari ay biglang nanginit ang mukha ko. Tapos may mga butterfly.

"Halaaa namumula siya, ibig sabihin ma nangyari" pa irit na sigaw ni Bea. Bakit ngayon lang nila yan tinatanong? Wednesday na! Wednesday na ngayon ih. Pinaalala na naman nila. Pa tatlong araw ko ng iniiwasan si Yquen wala kasi akong mukhang ihaharap sa kanya.

"Wala! Walang nangyari! Its just a dream" panaginip nga lang ba yung nangyari nung linggo? Sana talaga panaginip lang yun.

Flashback

Napamulat ako at nakita ko ang nakatitig niyang mukha.

Ang ganda naman ng pag gising ko sa panaginip ko. Bigla na lang uminit yung mukha ko at napangiti.

"Yquen" nakatitig lang talaga siya sa akin. Maya maya pa ay kiniss ko siya sa lips, wahhh ang lambot ng lips niya. Hutakte namanyak ko sa panaginip ko si Yquen my gasss! Bago pa manlabo ang paningin ko ay nakita ko pa siyang nakangiti sa akin tapos block out na.

End of flashback

Boset parang totoo kasi ih. Hindi ko na nagawang kurutin ang sarili ko non dahil sa sobrang saya ko at feeling ko kasi kung totoo yun nasabihan niya na ako pero imbis na magalit sya ay ngumiti pa. NAPAKAGANDANG panaginip, sana ay sa reality ay ganun din.

Nagising nga lang ako noon dahil nag alarm yung cp ko ng 5:00 at nakita ko ang sarili ko na nakahiga na sa kama ko. Paanong nakarating ako sa kama noon eh ang huli ko nga lang na natandaan ay tumungo ako sa table at nakatulog na. Hala baka nag sleep walking ako.

At dahil iniiwasan ko si Yquen mg dahil sa panaginip na yun, hindi ko alam kung bakit pag nakikita ko si Yquen naalala ko yung kiss at bigla na lang nanginginit ang mukha ko. Maaga rin ako pumapasok sa school para lang maiwasan siya at kapag nasa bahay na nasa kwarto lang ako, nakikita ko lang siya kapag oras na ng kainan, hindi ako maka concentrate noon dahil sa sobrang init ng mukha ko tinatanong ako ni tito at tita kung may sakit ako pero iiling ako, at si Kian naman sabi niya inihahatid daw siya ni Yquen sa school, ayaw kasi ni Kian na sumabay sa akin ih yung batang yun mas close pa kay Yquen ih.

"Hoy! Babae, magkwento ka naman! Napakadamot ih" sabi ni Bea na nausok ang ilong.

"Panaginip nga lang yun" napa buntong hininga na lang sila.

"Ilang araw ka na ba doon?" Naka kunot noong tanong ni Lian.

Nag isip ako.

"Pang dalawang linggo na ngayon" sabi ko. Dalawang linggo na pala ako doon pero wala pa rin pagbabago, pero minsan parang sinasapian si Yquen kasi minsan nakikita ko siyang ngumingiti sa akin tapos biglang sisimangot.

Hala baka naman nababaliw na yun? May pinagdadaanan ba yun?

"Medyo matagal ka na pala doon, parang keylan lang sabi mo lumipat ka sa kanila." Turan ni Lian. Tumango tango naman ako.

"Halfday tayo ngayon, Keyli. Gala tayo?" Tanong ni Bea. Umiling iling naman ako, wala ako sa mood. Gusto ko sa bahay lang. Halfday nga lang pala kami ngayon dahil Wednesday.

"Ikaw ba yan, Keyli? Tumanggi ka?"

"Siguro gusto niyan pag uwi ni Yquen siya ang unang makikita"ngiting ngiti namang turan ni Bea. Tss. Kung alam ninyo lang kung paano ng pag iwas ko kay Yquen.

UndecidedWhere stories live. Discover now