Chapter 18

10 0 0
                                    

Keyli's POV

Napamulat ako ng mata ng may naramdaman akong yumuyugyog sa balikat ko.

"Pogi mo talaga" inihawak ko ang kamay ko sa mukha niya at pinisil ito, nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa kanyang mukha.

"Ate, are you awake?" Napalaki ang mata ko ng maalala na nasa reality ako at hindi sa aking dream place. Madali kong tinanggal ang kamay ko na nakapisil sa pisngi ni Yquen. 

Napayuko na lang ako. Ano bang nangyayari sa akin?

"We're here" turan naman niya. Nasaan ba kami?

Tumingin ako sa labas at nakita ko ang dami ng tao.

Sa tingin ko ay alam ko na kung nasaan kami. Naalala kong kasama nga pala namin si Kian at alam kong si Kian ang may kagustuhan pumunta dito.

Ayoko dito. Ayoko sa lugar na ito.

"Lets go inside" umiling iling ako. Ayokong pumasok sa loob at hindi rin ako makakalabas sa kotse dahil walang sapin ang paa ko.

Tumango tango naman siya. Umalis na sila ni Kian at ako naman naiwan mag isa dito sa loob ng kotse.

Nakakatakot mapunta ulit sa lugar na ito.

Natatakot akong mangyari yun.

Itinaas ko ang binti ko at yumupyop ulit.

Flashback

10 years ago

"Mama! Where are you?!" Sigaw ko habang umiiyak. Nasaan na ba sila mama? Wahhhhh natatakot ako.

"Mama!" Sigaw ko pa ulit.

"Bata, nawawala ka ba?" Tanong sa akin ng isang mama. Tumango tango ako habang naiyak.

Wahhh mama natatakot na po ako. Nasaan na po ba kayo? Bakit ninyo po ako pinabayaan?

"Lollipop oh" abot sa akin nung mama. Umiling iling naman ako.

"Halika hanapin natin mama mo" napatunghay naman ako sa kanya at saka napangite.

Wahhhhh tutulungan ako ni mamang nakakatakot.

"Sige po" kinapitan niya ako sa kamay ko at nagsimula na kaming lumakad, pero bakit ganon?

"Manong, palabas na po tayo sa labas" turan ko. Kumakalas ako sa pagkakahawak sa kanya pero ayaw niya akong bitawan.

"Mama! Manong, bitawan ninyo po ako!" sigaw ko.

"Gusto ko po sa mama ko!"

"Anak nasa labas na si mama ok." Turan niya. Anak? Hindi naman siya ang papa ko ahhh.

"Wahhh mama!" Nangangatog na ako sa takot dahil sa mamang ito. Baka siya yung sinasabi ni mama na nangunguha ng bata tapos kinukuha yung internal organs.

Lalo akong ngumawa ng maalala ko yun. Wahhh bad si manong.

"Monster ka!" Sigaw ko pa.

"Sir ano pong problema" tanong ng isang lalaki. Sa tingin ko ay guard siya dito.

"Wahhh tulungan ninyo po ako!" Ngawa kong sigaw.

"Ayy nako wala. Eto kasing anak ko hinahanap ang mama nya ih. Nasa labas na kasi siya." Ngiting turan naman nung mama.

Ngumiti naman yung guard at saka tumango tango.

Natulala na ako habang yung luha ko patuloy pa rin sa pag agos. Naniwala na yung guard.

Paano na ako? Hikbi ako ng hikbi.

"Anak tara na" turan nung manong at si manong guard naman ay nakangiti lang habang natango.

UndecidedWhere stories live. Discover now