Chapter 10

19 0 0
                                    

Keyli's POV

Lumakad na ako paalis doon.

Saan naman kaya ako pupunta ngayon? Ahhh sa tambayan na lang namin.

Medyo nagliliwanag na rin. Lumakad na ako papunta doon at ng makarating ako roon ay may nakita akong lalaking nakaupo.

Sino kaya to? Nako etong pwesto na ito ay teritoryo namin, inihian na namin to pero charot lang syempre di naman kami aso ih.

Umupo na ako. Paano ko nga pala mahahanap yung lalaking nagpahiram sa akin ng towel? E hindi ko naman nakita yung mukha niya. Ipagtatanong ko na lang kaya siya? Oo, ipagtatanong ko na lang siya para naman hindi ako mahirapan, buti na lang talaga at may pangalan yung towel niya kung hindi paktay kang bata ka.

Ayokong itapon yung towel niya siya na nga nag magandang loob na takpan ang mukha ko gamit ang towel niya tapos ay itatapon ko pa. Malinis na rin naman yung towel dahil nilabhan ko na iyon.

Naramdaman kong nakatingin sa akin yung lalaki kaya naman tumingin rin ako sa kanya.

Aba mapogi si kuya ha. Hindi manlang siya nahiya na naka tingin siya sa akin.

Diba yung iba kapag nahuhuli mong nakatingin sa iyo ay pakunwari pang palingon lingon pero siya ay nakatingin pa rin sa akin.

Waring ini scan ang mukha ko,may mali ba sa mukha ko?

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya.

"You're too simple compare to her, but it's ok because you're more than pretty to her" halos napanganga ako sa sinabi niya, at lahat rin ata ng dugo ko ay tumaas, dyosko naman kasi tong lalaking to ih.

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay umalis na siya.

Ako ba sinasabihan niya? At kanino niya ba ako kino compare? Eto pa malaki kong problema

DUMUGO ILONG KO DAHIL SA ENGLISH na iyon Chos lang ulit.

Nakasinghot ata yun ng catol kaya nasabi niya yun. Mga ilang sandali lang ay may narinig akong kumalabog.

Tumingin ako sa paligid at nakita ko yung isang armchair na tumba na.

Anong nangyari doon? Wala naman tao ah.

Napa pompyang na lang ako sa mukha ko.

"MULTO!" Sigaw ko, saka kumaripas ng takbo. Malay ninyo nangunguha yun.

Nang makalayo na ako doon ay nag lakad na ulit ako. Dinukot ko sa bulsa ko ang cellphone ko at tiningnan ko ang oras.

6:30 na, 1 hour and 30 minutes pa ang iintayin ko.

Bakit ba kasi ang bagal ng oras.

Oo tama! Mahanap na lang pala yung may ari ng towel.

Naglakad lakad ako at nag tanong.

"Ms. Pwede bang mag tanong?" Kaso inisnob ako. Aba famous si ate gurl oh.

Lumapit naman ako sa isang babae.

"Ms. Pwedeng magtanong?"

"Nagtatanong ka na ah." Abay pilosopo to ah. Kung tanggalan ko kaya to ng ngala ngala? kainis mga yun ah. Wala ba akong mapagtatanungan ng matino?

Naglakad lakad ulit ako at naka kita ako ng grupo ng babae na nakaupo sa big mushroom ano kasi siya parang mushroom yung itsura niya tapos merong paikot na upuan sa loob nito madalas talaga yon pag tambayan ng mga magbabarkada. Pumunta ako doon.

"Ms. Pwedeng magtanong?" Tumingin naman sila sa akin at tumango tango, hay salamat at matino tong mga ito.

"Kilala ninyo ba si Faryke Wein?" Nanlaki naman ang mga mata nila at nagtinginan sa isat-isa pagkatapos ay sabay sabay silang napatango.

UndecidedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon