Chapter 21

2 0 0
                                    

Ryke POV

Nandito kami sa clinic ni Keyli dahil siya ay ginagamot.

Nagkagasgas kasi siya nung hinihila siya at sobrang namula rin ang pisngi niya.

Bakit ako napa punta dito sa school nila?

Flashback

Nag lalaro ako ng game sa cellphone ko ng bigla na lang sumagi sa isipan ko ang mukha ni Keyli.

May nangyari kaya? Baka naman kung ano ng nangyari kay babe.

Madali akong bumangon sa pagkakahiga ko at pumunta sa bathroom ko, nag shower lang ako at pagkatapos ay pumili ako ng damit ko.

Naka v neck lang naman ako na kulay itim at naka tupi ang mangas nito at tinernohan ko ng pants na tiniklop ko rin sa ilalim.

Ayan tapos na ako. Lumabas na ako at saka sumakay sa kotse ko, agad ko itong pinaandar upang makarating agad ako sa school nila.

Mga ilang minuto lang ay nakarating na ako sa school nila.

Malawak talaga ang school nila at napaka ganda, hindi ko rin alam kung bakit hindi ako dito pumasok ay naalala ko na ang dahilan kung bakit hindi ako dito pumasok yon ay dahil hindi ako nakapasa sa entrance exam.

Pinapasok naman ako ng guard kaya hindi na ako nahirapan.

Naglakad lakad pa ako baka sakaling makita ko siya.

Napaaga ba ako?

Lumingon lingon pa ako at may nakita akong babaeng nag uusap.

Agad akong napatakbo sa pinag uusapan na lugar ng dalawang babae. Hindi ko rin alam kung bakit pero malakas ang kutob ko na baka siya yung pinag -uusapan nung mga babae na kinaladkad daw.

Kilala ko si Keyli, at kahit kailan kahit sino pang umaway sa kanya ay hindi na lang niya pinapansin o pinapatulan ang katwiran niya kasi ay may taong mag tatanggol sa kanya at isa pa daw masama daw mang away.

Nakita ko naman na may babaeng nakaluhod at hawak hawak ito ng dalawang babae sa braso kaya hindi talaga ito makakapalag.

Nakita kong sinampal ng babae yung babae.

"Aray!" Daing niya.

Nag init bigla ako ng isang pamilyar na boses ang marinig ko napakuyom ang kamay ko.

"Get off your filthy hands to her arm!" Sigaw ko. Napatingin naman sila sa gawi ko at may sinabi pa ang babaeng sumampal kay Keyli maya maya pa ay kumaripas sila ng takbo.

Agad naman akong pumunta kay Keyli at inalalayan siyang tumayo.

Tinanong ko kung ayos lang siya ngumiti naman siya at tumango.

Ayos nga lang ba talaga siya? Sa postura niya ay parang hindi.

Mabuti na yung nag sisiguro, kailangan niyang madala sa clinic.

End of Flashback

Ginagamot na si Keyli sa loob. Ako naman ay nandito at hinihintay siya. Naka upo lamang ako dito, maya maya pa ay tinawag ako ng gumamot sa kanya at pinapasok ako sa loob.

May mga higaan doon, nakita ko si Keyli na nakangiting kumakaway sa akin.

Naglakad ako palapit sa kanya at umupo sa gilid ng higaan niya.

Para lang nasa ospital no haha.

Sinabi sa akin nung nang gamot sa kanya na may mga gasgas siya. Iniwan na kami doon.

Tinitingnan ko naman a
Si Keyli na waring ini scan ang mukha niya.

Ang pula ng pisngi niya, siguro ay dahil sa pagkakasampal sa kanya nung babae. Bakit ba naman kasi hindi pa rin siya lumalaban hanggang ngayon ih.

Nakakapagtaka rin na hindi sila magkasama ni Yquen akala ko ba ay ayos na sila at kung magkasama sana sila ay hindi mangyayari sa kanya ito. Gusto ko sanang itanong kung bakit siya ginanon ng mga babae pero huwag na lang dahil siguro naman ay hindi na uulit ang mga iyon.

Back to bakit hindi sila magkasama ni Yquen nung tinanong ko naman si Keyli ay matagal siyang di sumagot oo may nakuha akong sagot sa kanya ngunit isa lang itong ngiti.

Napapa isip tuloy ako kung ano ba talaga ang nagyari? Hindi naman magke kwento sa akin to si Babe.

"Baka naman matunaw ako sa pagkakatitig mo sa akin." Sita ni Keyli dahil sa pagkakatitig ko sa kanya.

Nginitian ko naman siya.

"Babe, ililibre na ba kita?" Biglang naglaho ang ngiti niya. Tumalikod siya sa akin ng pagkakahiga. Sinasabi na nga ba't may problema ito. Hinintay ko siyang sumagot.

"Tss. Hindi pa ako nasasaktan" turan niya. Akala ko ay maililibre ko na siya ngunit hindi pa pala.

Kapag nasaktan ka Keyli, kukunin kita kay Zeryx.

"Bakit mo ba ako trip?" Napatingin ako kay Keyli na humarap na ulit sa akin ngayon. Naka kunot ang noo niya.

Kumunot naman ang noo ko. Ano bang pinag sasabi niyang trip? Trip ko ba siya.

"I know you, Ryke" turan niya pa. Napangiti naman ako at saka napa halakhak.

Is it bad to play with them. Can I not join the game they want to play?

"Ryke, you may stop now." Turan niya pa habang seryosong nakatingin sa akin.

"Ano bang pinagsasasabi mo?" Turan ko.

Bigla naman siyang humalakhak ng tawa. Baka naman tumama ang ulo nito at umalog kaya siya nagkakaganito.

"Keyli, are you sure you're alright?" Alalang tanong ko pero wala pa rin siyang tigil sa pag tawa.

"Your face is so funny, Ryke!" Napa sapo na lang ako sa ulo ko.
Nasa clinic kami ngunit ang isang to ay napaka ingay baka mamaya niyan ay paalisin kami dito at isa pa baka rin may nagpapahinga rin sa katabi namin.

Nilagay ko ang daliri ko sa labi niya upang tumigil na siya sa pag tawa pero eto ako at hawak hawak ang index finger ko habang hinihimas himas ito.

May lahi bang aso tong babaeng to? Kinagat ba naman ako.

"Are you alright now?"ngumiti naman siya at energetic na tumango tango.

Ang cute niya talaga. Niyaya niya na akong umalis na sa clinic kaya naman lumabas na kami.

Nagpaalam na siya sa akin na papasok na raw siya sa sunod niyang subject pero bago pa man siya maka alis ay hinila ko siya at may binulong dahilan para mamula ang buong mukha niya.

"I will  snach you from Yquen because I really like you, Keyli. Hihintayin kong mag palibre ka sa akin" ayan ang binulong ko sa kanya.

(A/N: salamat sa pagbabasa)

Sino ba ang love team na pipiliin ninyo?

#LOVERyLi ba o #LOVEQueLi O kaya naman ay #LOVEFaLi?

UndecidedOnde histórias criam vida. Descubra agora