Chapter 12

19 0 0
                                    

Keyli's POV

Anong nagyari at nag- aaway sila?

Maya maya ay sinugod ni Yquen si Faryke kaya natamaan si Faryke sa mukha.

Nagpalitan na naman sila ng suntok.

Natumba silang parehas.

Lalapit na sana ako kay Yquen ng may lumapit.

Si Quibe, akala ko ba ay wala siya ngayon.

Agad niyang inalalayan si Yquen. Ako naman dahil walang natulong kay Faryke ay lumapit papunta doon.

Bakit kaya walang natulong sa lalaking ito?

Tiningnan ko siya at tumingin din siya sa akin.

"What do you think you're doing?" Abay may pagkashunga pala itong si Faryke? Hindi ba halatang tinutulungan ko siya?

"Tinutulungan ka" turan ko at inalalayan siyang tumayo. Napatingin ako sa gawi nila Yquen at nakita ko ang nanlilisk niyang mata.

Wahhhhhhhh nakakatakot talaga yung mata niya. Ano na naman bang meron sa kanya at sinapian siya ng ganan.

"Pwedeng bang tumigil na kayo." Hindi yun tanong kung hindi utos.

Hindi ko alam kung anong dahilan ng pag -aaway nila pero kasi maga guidance sila sa ginagawa nila ih at isa pa baka mauwi pa sila sa hospital pag nangyari yon.

"Tumigil na kayo ha" hinila ko na si Faryke para makalayo doon at hindi na siya mapaaway

"Saan ba bahay ninyo?" Tanong ko kay Faryke.

"I can go home by myself" tss. Tigas ng ulo nito ahh. Kita na ngang iika ika na siya.

"Hatid na nga kita" tumingin naman siya sa akin at ngumiti, hala anong nangyayari dito? Lakas talaga ng toyo nitong isang to.

"Naka singhot ka ba ha?" Maya maya ay humalakhak na siya at tumigil ulit. Anak ng! may akay akay akong naka singhot, pero kamusta na kaya si Yquen? Ayos lang kaya siya? Baka mamaya malala na siya? Hala naman?

Napa iling iling naman ako. Kasama niya naman si Quibe at panigurado akong ayun ang gagamot sa kanya, ako? Wala naman akong karapatan ih at pati baka makadagdag pa ako init ng ulo niya.

"Why?"tanong nitong isa. Napatingin ako sa mukha niya. Why? Why? Pa siya diyan eh hindi pa nga niya nasasabi kung taga saan siya para maihatid ko na siya.

"Saan ka ba nakatira ha?" Aba gusto ko lang naman makabawi sa ginawa niya sa akin dati ih. Alam niyo na isa akong mabait na mamamayan ng Pilipinas.

"Sa parking lot ng school" nanlaki naman ang mata ko na tumingin sa kanya. Sa parking lot siya nakatira? Shocksss kawawa naman siya. Wala na kaya siyang pamilya kaya sa parking lot na siya nakatira.

"Tss. I am not living at the parking lot" ehhhhh paano niya nalaman iniisip ko? Shockss isa ba siyang mind reader? Huta nagiging isip bata na naman ata ako. Hindi raw siya nakatira doon, e bakit kaya doon kami papunta doon?

"My car is in there" wala na talaga. Mind reader talaga tong taong to. Kailangan kong mag-ingat dito, kailangan hindi ako mag-isip ng kung ano ano. Hala baka nung iniisip ko si Yquen alam niya na.

Nang nakarating na kami sa parking lot ay itinuro niya sa akin ang isang kulay pulang kotse. Wowwww ang ganda ng kotse niya ha.

Lumapit kami doon at siya naman may kinuha sa bulsa niya.

"Ohh" binigay niya sa akin yung susi.

Tiningnan ko naman siya ng blanko.

"Anong gagawin ko dito?" Tanong ko sa kanya.

"Diba ihahatid mo ako. Ohh ayan susi ipag drive mo ko pauwi" nanlaki ang mata ko. Shunga ba siya? Hindi ako marunong mag drive no.

Hala anong gagawin ko nito? Hinaklit niya sa akin ang susi.

"Sige na uwi ka na" umiling iling ako. Siya na siguro ang mag da drive. Sasamahan ko na lang siya pauwi sa kanila.

"Sasamahan kita pauwi" umiling iling na lang siya at napakamot sa ulo. Baka kasi pag umuwi ako kila Yquen ay maabutan ko lang siya with Quibe edi basag ulit ang aking hearty heart at isa pa hindi alam ni Quibe na nandoon ako sa bahay nila Yquen.

Binuksan ko ang pinto ng kotse niya at sumakay na ako, sumakay na rin siya at nag drive. Wala na siyang nagawa.

"Bakit ba kayo nag away?" Pag basag ko ng katahimikan. Nag tataka lang talaga ako kung bakit sila nag-away.

"Did you know me?" Tanong niya. Tumingin ako sa kanya at tumango tango.

"Then who am I?" Tanong niya pa. Ano ba tong lalaking to. Bata bata pa nakalimutan agad kung sino siya.

"You are Faryke Wein" nakangiti kong turan while naka taas pa ang hintuturo ko.

"Yes, I am, but you dont know who's the real me" turan pa niya. Ano bang mga pinagsasabi niya.

Hindi ko pa kilala kung sino ba talaga siya? Mamatay tao ba siya? Hold upper o mangrerape?

Tss. Keyli, malabo tinulungan ka nga niya at isa pa kung ganon nga siya ibig sabihin ay matagal na siyang naka kulong.

Ano bang ibig sabihin niya?

Kinuha ko ang cp ko at binuksan ko ang data ko at nag bukas ng fb. Gusto ko lang maaliw no.

I chat chat ko na lang sila Bea at Lian.

Nanlaki ang mata ko ng makitang ang dami ng notification ko.

100 notifications.

Anong meron?

Pinindot ko ang notification.

My isang nagpost sa wall ko.

"You are a whore!" What the? Ako? Keylan pa? Hindi ata ako na inform ah? Bakit may ganito sa wall ko?

Ibinaba ko pa.

"I will find you" isa pa. Teka ano bang nangyayari?

"Why did you touch our prince?!" Isa pa. Sinong prinsipe naman tong sinasabi niya.

Wala naman akong hinawakan na prinsipe.

May nag pop na message kaya naman binuksan ko ito.

Galing kay Bea ang mensahe kaya naman binuksan ko ito.

KEYLI, ANO NAMAN PUMASOK SA ISIP MO AT SUMALI KA SA AWAY NG DALAWANG IYON AT INALALAYAN MO PA AY ISANG GANGSTER!

Haaaaaa?! Ano bang mga pinagsasabi niya? Sinong gangster?

Napalingon ako sa taong nag da drive.

Nako imposible yun.

"Are you a gangster?" Tanong ko sa kanya. Lumingon naman siya sa akin at saka ngumiti.

Hindi imposible. Mabait naman siya ih.

Baka nga? Kasi walang natulong sa kanya ih. Ay ewan ko. Hindi ko na alam kung anong nangyayari.

"Yes. Are you afraid?" Tanong niya. Tss. Bakit naman ako matatakot? Masama ba ang gangster?

Oo, Keyli masama yun. Sila yung mga taong laging nakakasama sa gulo o kaya sila yung mga nangugulo. Woaahhh e bakit niya ko tinulungan non kung masama pala siya diba.

"Hindi ako takot sayo no" narinig kong tumawa siya.

Hindi ako takot kung gangster talaga siya, takot ako dahil sa mga biglaang pagtawa at pag ngiti niya.

Ahhhhhh.

Lumingon ulit ako sa kanya.

"Bakit kayo nag away ni Yquen? Wag mo ng iwasan ang tanong ko sayo" lumingon naman siya at ngumiti sa akin.

"Because of you" ha? Ano daw?

"Ano?"

"Dahil sayo." What? Bakit dahil sa akin? Anong kinalaman ko sa kanilang dalawa?

Baka naman gangster na rin si Yquen at nag aaway sila para sa trono? Eh ano naman kinalaman ko doon?

Huta! Paki explain naman po ohhh.

Lalong gumugulo mundo ko.

UndecidedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon