Chapter 13

17 0 2
                                    

Keyli's POV

Nang makarating kami sa bahay nila Faryke ay inalalayan ko ulit siyang bumaba sa kotse.

Nanlaki ang mata ko dahil sa laki ng bahay niya ngunit may kulang.

Wala itong kabuhay buhay. Walang sindi ang mga ilaw niya, at isa lang ang ipinahihiwatig nito at iyon ay mag isa lang siya sa bahay  kaya naman may work lang?

Oo nga pala ginabi na kami sa biyahe dahil sa sobrang traffic, mga 6 pa naman siguro.

Pumasok na kami sa gate at lumakad na palapit sa pinto.

Nako kung mag-isa nga lang siya dito sa bahay ibig sabihin ay kami lang dalawa nito dito.

Wahhhhhh! Keyli, kalma ka lang ok. Wala yang gagawin sayong masama dahil sa bugbog siya.

Wahhhh baka ayos na siya! Keyli!

Kinuha niya sa bulsa niya ang susi at pumasok na kami sa loob ng bahay nila.

Ang laki laki nga na bahay niya pero wala naman siyang kasama.

Binuksan niya ang ilaw at pumunta kami sa sofa.

"Wala ka bang kasama dito?" Tanong ko. Tumingin lang siya sa malayo at tumingin ulit sa akin at ngumiti ulit.

Sira ulo na talaga.

"Nasaan ang first aid kit?" Tanong ko sa kanya. Itinuro naman niya ang daan kaya naman tumungo na ko papunta doon.

Saan nga ba?

Kaliwa? O kanan? Ayy oo kanan.

Bakit kasi ang laki ng bahay nito ih.

Ayy siguro dahil sa pagiging gangster niya ito. Teka nagkakaroon ba ng pera sa pagiging gangster?

Ayun yung kwarto. Pinihit ko ang seradura at kinapa ko sa gilid ang switch ng ilaw, ng makapa ko ito at pinindot ay lumiwanag ang buong paligid.

Inikot ko ang mga mata ko sa kabuuan ng kwarto.

Mali ata ang napasok kong kwarto.

Inikot ko ang kwarto at may nakita akong mga larawan.

Larawan ng isang buong pamilya.

Nakita ko ang matatamis na ngiti ng nasa larawan.

"Si Faryke ba ito?" Tanong ko sa sarili ko.

Wahhh ang cute niya naman, pero parang familiar? Ay ewan.  Nasaan na kaya yung pamilya niya? Bakit kaya wala sila dito?

Tss. Ano ka ba Keyli, napaka chismosa mo.

Madali akong lumabas sa kwarto na yun at pumunta sa kabilang kwarto.

Pinindot ko ulit ang ilaw.

Eto na nga yung kwarto na sinasabi ni Faryke. Pumunta ako sa may cabinet at kinuha ang first aid kit.

Bumalik na ulit ako sa sofa at nakita ko na nakahiga na si Faryke.

Lumapit ako sa kanya at lumuhod sa harapan niya.

Tinitigan ko ng maigi ang mukha niya, hmm pogi nga siya kaya siguro daming aaway sakin ngayon kaloka.

Dinampian ko ng gamot ang putok niyang labi at gasgas sa may pisnge niya. Ibang klase talaga ang away ng mga lalaki.

Gangster siya, dapat ay natatakot ako sa kanya, pero dahil sa ginawa niyang pag tulong sa akin noon ay hindi ko magawang matakot sa kanya. Alam kong mabait siya, siguro ang pinapakita niya lang na side ay ang pagiging badboy niya.

UndecidedWhere stories live. Discover now