Chapter 20: Bully

9 0 0
                                    

Keyli's POV

"I will give you a ride" turan ni Yquen habang nakasandal sa kotse niya.

Napangiti naman ako at tumango tango ayy teka nga pala paano si Quibe?

"Ahhh ehhh" bago pa ako makapag salita ay hinila niya na ako papasok sa loob ng kotse niya.

Nabalot ng katahimikan ang kotse, basagin ko kaya yung windshield ng kotse niya para umingay. Ano ba itong pinag-ii isip ko?

Dumungaw na lang ako sa bintana at pinagmasdan ang daan. Napakadilim pa rin talaga. Paano nasanay na ako na 5:30 napasok kaya nga nagulat ako dahil nasa labas na si Yquen. Hindi naman kasi dapat nandoon siya ih, dapat ay nasa kwarto siya at mahimbing ang tulog.

Napalingon ako sa katabi ko na kasalukuyang nagmamaneho at pokus na pokus sa daan.

Napaka gwapo niya talaga, matangos na ilong, mapupungay na pilikmata, nangungusap na mata at napaka kinis na mukha.

"Keyli?"

Bakit ba kasi ganto siya kagwapo at isa pa kahit na hindi niya ipakita ang good side niya sa akin ay ramdam ko pa rin na hindi pa rin yun nawawala.

Nagising na lang ako sa reyalidad dahil sa may nag snap ng kanyang daliri sa harapan ng mukha ko.

Tumingin agad ako sa ibang direksyon upang hindi niya makita ang pamumula ng mukha ko.

Baka marinig niya ang tibok ng puso ko.

Wahhhhh dumadagundong ata ang puso ko ngayon!

Ano ka ba kasi Keyli? Bakit mo kasi siya tinitigan ih.

Ano naman kayang sasabihin niya? Ahhh ano ba yan? Wala akong maisip na idadahilan.

Ayy oo nga pala papunta kaming school ngayon dahil monday na ulit.

Napa sabunot ako sa sarili ko ng maalala ko kung anong mangyayari sa akin sa oras na umapak ako sa school.

Patay ako! Baka hindi pa nga ako nakakapasok sa loob ng school ay may mangbugbog na sa akin.

"Are you ok, Keyli?" Rinig kong tugon ni Yquen.

Tumango na lang ako habang nakatingin sa labas. Ayokong tumingin sa kanya kasi baka namumula pa rin ako hanggang ngayon.

May bukas na kaya ngayon na tindahan? Sana naman ay meron.

May nakita akong stall kaya naman napasigaw ako ng stop.

Tumigil naman yung kotse.

Hinawakan ko na ang pinto ng kotse at akmang bubuksan na ito ng maramdaman ko na  hinawakan niya ang braso ko. Parang nakuryente ang buong katawan ko at bumilis ulit ang tobok ng puso ko. Lumingon ako sa kanya na kasalukuyang nakakunot ang noo.

"B-bakit?" Utal kong tanong sa kanya. Bakit na naman ba ako nauutal? Letseng dila.

"Why are you asking me that? I should be the one to ask you that question." Turan naman niya. Huta na yan feeling ko nagdurugo na brain cells ko sa english niya.

"Ah eh. I have to buy something" turan ko habang naka tingin sa ibaba. Bakit kasi hindi ko kayang makipagsabayan ng tingin sa kanya ih.

Napahawak ako sa dibdib ko na kasalukuyang ang lakas lakas ng tibok.
Jusmiyo sana ay hindi niya marinig.

"I will go with you." Turan niya pa.

Ha? He will go with me?

Minuto pa ang lumipas bago mag sink in sa utak ko ang ibig niyang sabihin.

UndecidedNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ