ONE: THE BEGINING

5.4K 77 15
                                    

Ilang taon na nga ba ang nakalipas? Isa? Dalawa? Tatlong taon.

Tatlong taon na simula ng makita ko ang tunay na kagandahan ng buhay.

Ganun pala ang pakiramdam no?

Pakiramdam na para kang lumulutang.

Hindi dahil sa shabu o marijuana ha?

Dahil to sa Love.

Tsk. Totoo nga, pag inlove talaga nagiging korny. Eww.

Tatlong taon na pero engaged pa din kami. Bahala din siyang maghintay. Bakit? Apat na taon nga niya kong natiis nung magpunta siya sa US -.-

"Ray andito na si Vylan!" Sigaw ni Dad sa labas ng kwarto ko.

Inayos ko lang yung buhok ko saka lumabas. Kagaya pa din ng dati. Ayoko pa din sa make up.

"Ang tagal mo talaga Miss." Naiinis na sabi ni Vylan.

Miss ang tawag niya sakin, hindi pa daw kami kasal kaya hindi na muna niya ko tatawaging Misis.

"Magreklamo ka jan. Hindi ko naman sinabing sunduin mo ko." Inosenteng sabi ko.

Nauna akong lumabas ng bahay. Pinagbuksan niya ko ng pinto. Shems kala mo naman ikina gwapo niya.

Tahimik ako sa biyahe. Alam ko kasing super late na siya sa trabaho.

Sa restaurant niya pa din ako nagtratrabaho. Ang kaso vice president na siya ng company ni Papu.

Madalang nalang siya magstay sa resto. Kaya gusto daw niya na siya ang maghahatid at susundo sakin.

"Bakit ba lagi kang nalalate? Eh hindi ka nga nagmamake up o kung ano mang ginagawa ng ibang babae." Sabi niya habang nagdadrive.

"Manahimik ka nalang Vylan. Andami mo pang dada. Sabi ko naman sayo diba? Wag mo na kong sunduin o ihatid sa bahay." Mahinahon ko namang pagbabalik.

"Eto na naman tayo Railey Joy eh! Ayoko nga diba? Ayoko! Tsaka bakit? Para makagala ka? Tsk. Wag na oy. Akin ka lang." Sabi neto sabay irap sa akin.

Sarap talaga tusukin ng mata eh. Pero pagbigyan, mejo kinilig naman ako ng slight ahe.

"Tumigil ka nga. Napaka ano ng taong to. Nakakasawa na kaya yang pagmumukha mo." I said. Wag kayo ang gandang asarin ni Vylan hahaha. Shhh sorry na.

"Huwaaat? S-seryoso ba yan?" Tanong niya.

Ako naman eto nagpipigil ng tawa. Hindi ko siya pinansin at tumingin sa labas.

"Railey! Look at me. Hey look at me." Utos niya. Huhu sorry Vylan natutuwa kasi ako sa tuwing naiinis ka hahaha.

"Ano ba Railey! Hey! Seriously? Sawa ka na?" Malungkot ang tono ng boses niya na mas ikinatatawa ko huahaha.

Napatingin ako sa kaniya ng itigil niya ang kotse.

"Seryoso kasi Railey? Ayoko ng gantong biro." Aww kawawa naman si Vylan hehe. Seryoso nga talaga siya haha kakatakot yung mata niyang nakatitig sakin.

"Seryoso naman ako ah?" Haha last na to talaga.

"Y-you mean? Hindi mo na ko mahal? A-ayaw mo na sakin?" Ow em giiiii!

Tatawa na sana ako kaso nagsalita pa siya.

"No! I love you so hard. Ok. I'm sorry kung lagi mo kong nakikita sa bahay niyo o kung saan. Masama bang mag alala? Masama bang tingnan ko kung ayos ka lang? Masama bang mahalin kita ng sobra Railey Joy Ferrer but soon to be Fabella?" Mangiyak ngiyak niyang sabi.

That Bully Loves Me (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon