THIRTEEN

959 26 7
                                    

"Hindi yan si Jazmyn. Ang babaing yan... ay si Carlene."

Bakit niya kasama si Carlene?

"Sigurado ka bang ex niya yung kasama niya?" Nakakunot na tanong ko sa kaniya.

"Ahhh hehehe. Well, uhm I'm not really sure. Pinahanap ko kasi si Kuya Racer kanina. Then ito yung sinabi ni Rafael." Napapakamot nalang siya sa ulo niya.

"Stupid ka talaga Dom." Natatawa kong saad sa kaniya.

"Sabi kasi ni Rafael, may kasamang babae. Kaya naisip ko na baka ex niya yun." Napapout nalang siya saka bumalik sa kotse niya.

Nagdalawang isip pa ko kung babalik ba 'ko sa kotse o pupuntahan sila para tanungin kung bakit sila magkasama, pero mas pinili ko ang umalis nalang.

Sa bahay nalang ako magtatanong tungkol sa bagay na 'yon.

"Dom." Pagtawag pansin ko.

"Yes? Ano? Pupunta na ba tayo kina Yesh?" Isang irap lang ipinukol ko sa kaniya bago magsalita.

"Asaness, Dom. Dalhin mo ko sa Casa Hestre." Bulalas ko habang nakatingin sa labas.

Ramdam ko ang pagtataka niya at nakikita ko sa gawi niya na nakatingin siya sa'kin.

"Casa H-Hestre? Nahihibang ka na ba?" Di makapaniwalang sabi niya.

Hininto niya agad ang kotse at hinarap ako. Seryoso at malayong malayo sa kaninang ekspresyon niya. Ibang iba sa sira ulong si Dominic.

"Psh. Just shut up. Drop me at Casa Hestre, then you can leave." Paliwanag ko sa kaniya. Magpapahatid lang naman ako, hindi ko naman sinabing samhan niya ako.

"Ano ka? Sira na nga talaga ang ulo mo." Hindi makapaniwalang saad niya.

Sana pala hindi nalang sila nag-usap ni Mama tungkol sa bagay na yun. Napakadaldal talaga ng nanay ko, pag itong nilalang na to ang kasama niya e.

"Ayaw mo? Mag co-commute nalang ako." Akma ko na sanang bubuksan ang pinto ng paandarin niya na ang kotse.

Madali lang palang utuhin to e.

"Baliw ka. Sira ulo. Ano bang ipupunta mo sa lugar na yon? Psh. Wag ka lang talaga gagawa ng ikapapahamak mong bata ka!? Nakakagigil ka talaga Ray! Isusumbong kita sa Ti- araaaay! Bakit ka nambabatok? Gusto mo na bang mamatay? I'm driving, idiot!"

Sigaw siya ng sigaw. Nakakatulili talaga kahit kailan.

Matapos ang tatlong oras na biyahe ay huminto kami sa harap ng bar.

Ilang taon din simula nung huli akong tumapak sa lugar na ito. Ilang taon na ang lumipas nang takasan ko ang koneksyon ko sa lugar na ito.

Bumaba na ako at naglakad papasok. Sinundan naman ako ni Dom at tahimik na naglakad lang.

May lalaking humarang agad sa daraanan namin. Napakapit tuloy si Dom sa braso ko.

"We're not open today. Lumabas na kayo." Paki-usap niya sa'min.

Tiningnan ko siya at mukhang bago nga lang siya sa bar.

"Where's Nico? Sabihin mong hinahanap ko siya." Saad ko naman saka umupo sa couch sa tabi.

"Wala siyang binilin Miss, umalis na kayo."

"Ray, lets go. Mukhang sanggano yan oh. I don't wanna die in this place."

I smirk when he touch my hand and forcely pulled me.

Inikot ko ang kamay niya saka siya binagsak.

That Bully Loves Me (Book 2)Where stories live. Discover now