SEVENTEEN

628 22 1
                                    

Tahimik akong nakikiramdam kasama si Kuya Racer na mahigpit ang hawak sa isa bouqet at Vylan na hawak ang isang basket ng prutas.

Kumatok ako dahil mukhang hindi kayang gawin ni Kuya.

Nginitian namin siya ni Vylan para kahit konti ay lumakas ang loob nito.

Ilang oras ko siya halos pinilit kagabi. Kinausap ko siya ng masinsinan dahil ayaw niya talagang magpunta, hindi dahil sa wala na siyang nararamdaman kay Carlene pero dahil nirerespeto niya ang kagustuhan nito.

Kung wala nga lang sigurong sakit ang babaing yun, nakoo malamang inaway ko na.

"Come in." A voice over the door said.

Ako na ang pumihit ng siradura at naunang pumasok kasama si Vylan.

I saw her lying on hospital bed with her pale skin.

Her eyes met mine. Shocked to see me in her room.

Hindi kami close. Malamang ay nagulat siya kung bakit ako nandito.

"What are you doin' here?" Kunot noong tanong nito.

As if naman na nandito ako para sa kaniya. Kung di nga lang dahil sa kuya Racer e.

"Relax, we're here to visit." Sagot ko nalang at binigyan siya ng ngiti.

Pumasok si Kuya Racer at mas lalo siyang nagulat.

"What the! Umalis na kayo!" Utos nito saka nahiga at nagtakip ng kumot.

Lumabas naman mula sa cr ang isang babaing nasa mid 40's.

"Hijo." Tawag nito kay Kuya.

Nakipagbeso naman si kuya sa kaniya. So I guess she's the mother of this brat.

"Carlene, ganyan mo ba babatiin ang mga bisita mo?"

Inalis nito ang kumot na nakatakip kay Carlene.

"Mom! Ayoko silang makita!" Maktol pa niya.

Psh kung di ko lang alam ang kalagayan niya malamang nabatukan ko na siya dahil sa kinikilos niya. Nasa harapan niya lang kami pero kung umasta siya. Tsk abnoy.

Lumapit ako sa kaniya at tiningnan siya. Kahit may sakit na siya, ang ugali pa din niya talaga nakakainis.

"Come on. Don't act like a kid Carlene."

"Shut up!"

"I'm sorry pero nagbigay kami ng oras at effort para puntahan ka at bisitahin, will you please give back the favor?" Meron ng kahinahunan sa paki usap ko.

Naupo naman ito ng maayos at tiningnan kami.

"I'm just gonna talk with doctor Cruz." Paalam ng mama ni Carlene.

Naupo kami ni Vylan sa sofa at hinayang makapag usap yung dalawa.

Hindi ko maiwasang tingnan sila kuya. Wala pa ni isa ang may balak mag salita. Tila nagpapakiramdaman sa isa't isa.

Nakuha naman ni Vy ang pansin ko ng ipihit niya ang mukha ko.

"Nagtext si Math." Pinakita niya sakin yung phone at binasa ang text ni Math.

[Fr: Matthew

Dude, can I have a favor? May business trip kami ni Fianah today and ipapaalaga sana namin sa inyo ni Railey si Fithy. 3days lang bro. Fithy is ready now to go with you.]

That Bully Loves Me (Book 2)Where stories live. Discover now