EIGHT

1K 34 6
                                    

Nakaupo kaming pareho ni kuya habang nakatayo si Mama sa harapan namin.

Para kaming bata na nahuli sa bagay na ayaw nila.

Salubong ang kilay ni kuya.

"Ano ngang nangyari Racer? Paano kita matutulungan anak?" Mahinahon pa din naman si Mama sa pagtatanong niya.

Umabsent na si Mama syempre pati kami ni kuya. Si Dad lang ang pumasok sa trabaho.

Nakayuko pa din si kuya na kanina pa walang imik.

"I'm your mom, Racer Dream. I demand to know what's bothering you. What makes you like that!? And why are you acting like that. I just wanna know as your mother." Malungkot na pahayag pa ni Mama.

Napansin ko nga na ang laki ng pinagbago niya.

Hindi siya nagsikreto kelan kay Mama.

Pero ngayon? Nagmamatigas na siya.

What are you doing, Kuya? Ganyan ba talaga kahalaga si Jazmyn?

"Please Ma, ayokong pag-usapan. Please." Nakatungo si kuya kay Mama na nakatayo sa harap niya. "Okay lang ako, okay?"

Kita ko na naman ang lungkot at sakit sa mga mata niya.

Ganun nga talaga.

Tsk. Stupid, kelan pa naging okay ang isang taong fresh pa ang heart from break up?

Kung ang iba maloloko, pwes not me.

"Fine. Just fix your self. At huwag mong ipakita sakin yang ekspresyon na yan. Please anak, mas masakit sa amin." Maluha luhang pahayag ni Mama saka naglakad papasok sa kitchen.

Hinampas ko agad si kuya Racer.

"Ang bait mong panganay!" Sarkastiko kong sabi sa kaniya. "Ang saya, pinaiyak mo si Mama. Ano happy, kuya?" Dagdag ko pa saka ako tumayo.

"Don't tell them." Sa tono ng pananalita niya, hindi siya nakiki usap. It's a command.

"Shut up." Inis kong sagot.

Bumalik ako sa kwarto ko at nahiga sa kama.

[From: domdom

Hell-o Lady Joy... on our way at your crib... I'm with tabachoy...]

DINGDONG DINGDONG DINGDONG DINGDONG

At sinong siraulo naman ang nais sumira sa doorbell namin?

Psh. Kababasa ko lang ng text niyaaaa! Delubyu din to e.

"Laaaaadyyyy Joyyyyy" kahit nakasara ang pinto rinig na rinig ang sigaw ng magkapatid.

Jusme. Araw ba ng kunsomisyon ngayon?

Agad na bumukas ang pinto at patakbo silang pumunta sa kama ko.

"Araaaay! Tabi! Ang bibigat...niyo!!" Malakas na sigaw ko habang pilit na tumatayo.

Para kasi nila akong ni-wrestling.

Wala silang ginawa kundi ang tawanan ako habang naiinis sa kanila.

"Hoy. Diba ngayon ang dating ng nobyo mo?" Napaayos naman na si Dom pagkasabi nun. Lumabas si Dylan dahil tinawag ni Mama.

Nakakunot ang noo ko siyang tiningnan.

"Ha? Sino nagsabi?" Taka kong tanong.

"Hala. Wala. Oh, pasalubong ni Mommy. Kinuha ko nga pala yung isang box ng chocolate." Napasimangot ako sa sinabi niya. Inabot ko agad yung paper bag na inaabot niya. "Isang box lang wag kang oa. Yun sabi kasi yung gusto ko, si mommy binigay sayo." Natawa nalang ako sa reaksyon niya.

That Bully Loves Me (Book 2)Where stories live. Discover now