SEVEN

1K 36 0
                                    

Nakaka stress naman makita si kuya Wiesher at ate Laine dito sa resto. ngayong gabi.

May pahawak hawak kamay pa. Aish ang saya nilang tingnan, mga loko.

"Ms. Railey, you can join your friends, kami na po bahala dito." Nakangiting sabi ni Tana.

Gumanti ako ng ngiti saka umalis sa counter.

"Hey." Agad na napatingin sila sa akin. Nakipag beso naman ako sa kanila at naki upo.

"Bakit? Oras pa ng trabaho mo a?" Inosenteng sabi ni Wiesher.

"Psh ayaw mo lang makita ko kayo eh. May pa-date date pa kayo jan. Ano kayo na ba?" Panunukso ko sa kanila na agad ikina-mula ni ate Laine at napalihis ng tingin naman itong si Wiesher.

"No need to answer. Alam ko na." Natatawa ko pang sabi.

"H-Hoy?! Ano ka? S-Saan mo nakalap yan?" Nahihiyang tanong ni Wiesher

Mas natawa ako dahil sa ekspresyon ni ate Laine. Kumunot yung noo niya sa sinabi ni Weisher.

"Anong nakalap? Bakit hindi ba totoo?" Pangaasar ko pa.

"Whatever. Ano bang masarap kainin dito?" Pang iiba niya ng usapan. Agad ko namang pinaghanda sila.

Gaya ng hinala ko, sila na pala. Di lang halata pero may pagkasweet naman pala tong lalaking to eh. 

"Yes, e bugok nga kasi tong si Wiesher. Bumili ba naman ng panty liner imbes napkin? Bwahahaha sira ulo eh. Kaya ayun bumalik sa tindahan para bilhan ako ulit ng napkin."

Natawa naman ako sa kwento ni ate Laine at si Wiesher ay hiyang hiya sa bawat kwento at pagtawa ni ate.

"F-Freak hahahaha." Halos mahulog ako sa upuan ko kakatawa.

Try to imagine him na pupunta sa tindahan. Pogi, super pogi, mabangong Wiesher hahahaha bibili ng napkin. Hahahaha laughtrip.

"Hey?! Stop laughing! Hindi nakakatuwa." Nakasimangot niyang suway samin.

Naramdaman ko naman ang pagvibrate ng phone ko.

[Kuya Racer calling...

Accept |Decline ]

Hm? Ano kayang kailangan nito?

Nag excuse muna ko sa kanila saka sinagot ang tawag ni kuya.

"Oh what's up?" Bati ko pero rinig ko sa kabilang linya ang lakas ng music at ingay ng mga tao.

Teka? Nasa bar ba to?

"Hahaha-hik-yesh? Huh?! Sh-Shino ba to?! Ahh! Dearesh shister-hik" nagkunot agad ang noo ko dahil sa paraan ng pananalita ni kuya.

"Hoy!? Oy Racer, asan ka?" Nagaalalang tanong ko sa kaniya.

Ano bang problema ng taong to?

"Me? Hahahaha. I'm-hik-at the GBar hehe." Ika niya at biglang nalang umiyak.

Nagpaalam na ko kina ate Laine at Wiesher. Nagmadali naman akong sumakay sa taxi papunta sa GBar.

Hindi mahilig magpunta si kuya sa bar para mag-inom ng sobra na lalampas sa pagkawala niya sa kantinuan.

Wierd.

Bago sa akin to dahil alam naming magagalit si Mama pagka nakita niyang may isa man sa amin ang malalasing.

Pumasok ako sa loob. Amoy ko ang alak at usok ng sigarilyo. Mabilis kong hinahawi ang bawat taong nagsasayaw sa daraanan ko.

"Where are you, Racer?!" Pabulong na sabi ko sa sarili ko habang lumilinga linga sa bawat table.

Gotcha. Lumapit ako sa couch at inagaw ang baso niya na itutungga sana niya.

Para siyang tanga. Hindi siya yung kapatid ko e.

"Hik-O you're here? Hehe let me." Pilit na inaagaw niya sakin yung baso,  pero nakatayo ako at inangat ko pa to lalo. "Hey?! Give me-hik-that Railey!" Inis na sigaw niya sakin.

"Tukmol ka Kuya Racer! Wag mo kong englishin!" Inis din akong umupo sa kaharap niyang couch. "Ano bang nangyari? Bakit mukha kang basahan? Bakit ka umiinom?" Napadekwatro ako habang tinitingnan siya.

Ang gulo ng buhok niya. Halong luha at pawis ang nasa pisngi niya.

"Hik-Ray hehe you should go hom-"

*TUGGGS*

Pinutol ko agad ang sasabihin niya dahil sa paghampas ko sa mesa.

"Ano sabing nangyari?" Seryoso ko ng tanong sa kaniya.

"We're done." Nakayuko niyang sagot sakin. Kita ko naman ang sunod sunod na pagpatak ng luha ni Kuya.

"With whom?" Naawa akong tumayo para aluhin siya sa pag iyak.

"Jazmyn. She broke up with me. Funny right? How can she do that? Hehehe. " he said with bitterness.

Hindi na ko nagsalita pero niyakap ko siya.

Hindi ko kilala si Jazmyn. Pero nakaramdam ako ng inis sakaniya, kung sino man siya.

"Nasaan ba yun nakatira? Pupuntahan ko ngayon! Kakausapin ko?!" Naiinis na tanong ko. Tingnan ko siya at ganoon nalang ang habag ko dahil sobrang lungkot ni Kuya Racer.

"Y-You can't. She said, she's dying. Jazmyn wants me to forget about her and... that's the stupid thing she ask me to do!" Para siyang bata na nakayakap sakin at umiiyak.

Hinayaan ko lang siyang umiyak at nakinig sa bawat hinanakit niya.

Parang bumaligtad ang mundo, parang dati lang ako yung nasa sitwasyon niya.

Yun nga lang magkaiba ng dahilan.

"I know it's hard for her to let me go just like that. She chose to hurt me, cause she didn't want me to live in our mem'ries! But... I hate it! It's unfair. " Maktol niya na parang alam na niya kung bakit.

Pakiramdam ko anytime pwede ng mabuwal si kuya kaya naman inalalayan ko na siya palabas sa maingay at magulong bar.

Buti nalang at dala niya yung kotse niya.

Ako na ang nag drive at iniuwi ko na siya.

Hindi na siya umimik pa sa biyahe namin. Natatakot ako kay Mama. Pero naawa ako kay kuya Racer.

Hindi nagtagal at nakarating kami sa bahay. Si Dad ang nag alalay kay kuya papasok sa kwarto niya.

Si Mama naman tanong ng tanong kung anong nangyari. And I think I'm not in the position para magsabi.

"Okay, siya nalang ang tatanungin ko bukas. Tsk." Umakyat na din ako sa kwarto ko bago pa ko ulit tanungin ni Mama.

Mababaliw ako kay kuya Racer.






----
Ang lame haha chemereng. Uuwi na kaya si Vylan? O dun na siya sa US poreber? Mwehehe depende sa utak ko (^ω^)

P.s babawi ako bukas ^.~

That Bully Loves Me (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon