SIX

1.2K 46 9
                                    

[A/N: Hi guys, I'm really happy na meron pa din nagbabasa ng TBLM (book 2) kahit yung iba di nagvo-vote TT.TT huehue cheret lang (demanding si ate) pero yun nga, thank you guys. Bye. Enjoy pa din.

Ps. Nagpapapansin lang ako mehehe]

Still Vylan's POV

Nakaayos na kami nila Papu at Dad. Handa na kami para sa party. I don't even know kung bakit may party at kung para saan eh.

Sa isang sikat na hotel ang ganapan ng party. Puro daw business humans ang dadalo at bukod dun ay mga milyonaryo na kilala sa ibat ibang bansa.

Pagdating palang namin, pinakilala ako ni Papu at Dad sa mga kaibigan nila.

Ilang oras palang kami pero nabuburyong na ko. Kahit pa sabihin na maraming tao at pagkain, nakakawalang gana. Dapat pala talaga umuwi nalang ako.

Pumwesto ako sa parang garden ng hotel ay naupo sa isang bench.

Mejo tahimik kasi dito at walang masyadong tao.

Kumusta kaya si Railey? Three weeks na kami dito, kaya sobra sobrang namimiss ko na siya.

Ang OA siguro para sa iba, pero wala e. Hindi ko din alam na ganto talaga kalungkot ang hindi makita ang mahal mo.

Ang korni mo na naman Vylan (>.<')

"Hey. Why are you here?" Napakunot agad ang noo ko habang nililingon ang pamilyar na boses na yun.

"Psh." Singhal ko saka tumingin ulit sa kalangitan at sumipsip ng chuckie.

Wag niyo kong husgahan! Nahawa lang sa Girlfriend ko. Tsaka pinabaon sakin to ni Railey hehe (❤__❤)

"Ang sungit naman, Vy." Naupo siya sa tabi ko pero di ko siya pinansin. "It's been a while Vy. Kelan nga ang huling pagkikita natin?" Kunwaring nag isip pa siya saka natawa.

"Tsk yung pinalayas mo ko sa bahay niyo? E, hindi naman pala kayo totoong kasal? Nakakatawa. By the way, wala na ba kayo nung girl?"

Sa lahat ng sinabi niya, tumatak sakin yung huling.

Pinagtaasan ko siya ng kilay "Shut up, Carlene. You know nothing. Please, leave. Gusto kong mapag-isa." May halong inis ang tono ng pagkakasabi ko nun at halata namang nagitla siya sakin.

"Vy, why are you like this? Lagi mo nalang akong tinataboy simula ng dumating yang babaing yan sa buhay mo." Bahagya akong natawa sa sinabi niya.

"Bakit nga ba hindi, Carlene Santiago? Ikaw ba ang girlfriend ko? Hindi diba? Yes, you're my friend but that was long time ago, I guess.You're just an ordinary girl. Ordinaryong babae na dumidikit pa din sa taong, alam naman niyang may nagmamay-ari na. So, if you don't mind. I excuse myself." Tumayo na ko at iniwan siyang tulala dahil sa mga sinabi ko.

Kung siguro si Railey ang tumabi sakin baka lumukso pa ang puso ko, kaso hindi eh. Nahighblood lang ako
(-_-')

RAILEY'S POV

Paulit ulit nalang. Nakakaboring na wala si Vylan.

Gigising. Kakain. Papasok. Uuwi at katulad na naman ng nauna.

Bakit ba kasi sinanay ko yung sarili ko na kasama siya palagi eh, ayan tuloy hinahanap hanap ng buong sistema ko.

"Ma, Dad hindi naman siguro pupunta ulit dito sila Lolo diba?" Walang pasok ngayon at andito lang kami sa bahay.

"Hindi siguro. Mag-aaway lang na naman kayo pag nagpunta siya ulit." Paliwanag sakin ni Mama.

Napatingin ako kay Dad. Nasabi na nila Mama sakin na ganun talaga si Lolo kapag hindi nakakatanggap ng respeto.

That Bully Loves Me (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon