FIVE

1.2K 33 2
                                    

Simula nung dumating si Lolo, parang naging maliit ang mundo namin. Napakaraming bodyguards ang palihim na sumusunod samin. It's like, nawala yung freedom and privacy namin.

Well, yes it's good somehow, pero hindi ko talaga maintindihan.

"So you mean, talagang hindi umalis yung tatlong body guard sa harap ng Restaurant?" Gulat na tanong ni Kuya Racer.

Tumango naman ako sa kaniya "Mmm. Gusto ko na ngang kausapin si Lolo.Humigop ako ng kape saka tumingin sa labas ng coffee shop. Naalala ko si Vylan, hindi pa siya tumatawag sakin. Kumusta na kaya yun? Tsk. May pa-arte pang nalalaman, baka nga masaya yun dahil wala ako dun -.-

Hays d--.b nakakainis naman!

"Mauna na ko sayo, may kikitain muna ako." Paalam ni kuya. Tumango ako sa kaniya bilang sagot.

Naiwan ako at nag isip-isip ng kung ano ano bago ko maisipang lumakad na din.

Habang nag aantay ako ng masasakyan naramdaman kong nagvibrate yung phone ko.

0915205**** Calling...

"Hello?"

"Where are you Lady? I'll pick you up." Napakunot naman ang noo ko, "Dali na Lady Joy!-Make it fast Rafael!- Opo. Dali na Lady. Asan ka?"

Walang kupas pa din kung makapang utos ang Dominic na yun. Kawawang Rafael. Kaya wala akong nagawa kundi ang antayin si Rafael para sunduin ako.

Ilang minuto lang naman at huminto na ang napakagandang kotse sa mismong harap ko.

Pinagbuksan ako ng pinto ni Rafael.

"Buti naman at nagpasundo ka Lady." Nakangiti niyang sabi. Ano pa nga ba. Kung hindi naman ako magpapasundo, tiyak na magwawala si Dominic at tuluyan ng mababaliw at ang ending, si Rafael ang kawawa.

"Bakit daw ba?" Tanong ko nalang. Si Rafael, magkasing edad lang kami kaya mejo naiilang ako na tinatawag niyang Lady, like eww.

"Dumating na po kasi si Madam Amanda." Tumango nalang ako at di na nagsalita.

Habang papasok kami sa bahay or should I say, mansion -.- hindi ko pa din maiwasang mag isip kung ano ng lagay ni Vylan, ok lang ba siya o ano. Kainis kasi, hindi manlang maalalang tumawag talaga?

"Railey Joy!" Umalingawngaw sa buong mansion ang sigaw na yun.

Inis ko namang tiningnan si Dom na pababa ng hagdan at may dalang bata.

"Thank you for coming lovely cousin!" Napaawang ang bibig ko at napataas ng sobra ang kilay ko!

"Here." Iniabot niya sakin yung batang karga niya. "He is Dylan, my youngest brother." He said with his 'not so nice smile' (evil smile)

"Hi." Bati nung bata. Yes, hindi naman na siya baby. I think he's already six or seven.

"He-llo?" Bati ko rin, kaso parang ang awkward namin nung bata. "So andito na si Tita?" Baling ko kay Dominic.

"Yes. Pero aalis sila ni Lolo." Cool na sagot niya.

"Oh here she is." Kita ko naman si Tita na pababa na din ng hagdan at may malawak na ngiti.

Agad niya kong niyakap. Tanging pag ngiti lang din ang naibigay ko.

"It's nice to see you again Railey. Look how beautiful you are." Para namang namamangha si Tita na tinitingnan ang kabuuan ko. Napatawa nalang ako sa sinabi niya. Saka naman niya kinuha si Dylan.

That Bully Loves Me (Book 2)Where stories live. Discover now