FOUR

1.3K 34 0
                                    

Sadya atang mapaglaro ang tadhana.
Kung manggulat wagas. Di mo mamamalayan sa sobrang bilis.

Umuwi ako ng bahay after namin maglunch kaya nakarating ako sa bahay ng mga bandang hapon na.

Wala akong nadatnang tao sa bahay. Makalat, yung sofa nawala sa ayos, pati mga frame na nakasabit ay nabasag.

Nakaramdam ako ng kaba kaya agad kong tinawagan si Kuya Race.

"Hello! Where are you Ray?!" Pambungad ni kuya mula sa kabilang linya.

"Why're you shouting? Asan ba kayo? May nangyari ba?" Nakakainis kasi eh. Hindi naman niya kailangang sumigaw.

"We're fine. Just be there at the mansion, immediately." Then he hung up.

Mas bumilis ang tibok ng puso ko. Sa mansion? Bakit? Anong nangyari? Nagmadali akong lumabas ng bahay.

In-start ko agad ang motor at mabilis na umalis. Sa kalagitnaan ng biyahe, maraming tanong ang gusto kong mabigyan ng sagot. Bakit sila nandun? Anong kailangan niya? Kelan pa siya bumalik?

Hindi rin nagtagal at nakarating na ko. Ilang minuto akong tumitig sa napakalaking gate. Napakalaking mansion. Napakalungkot.

Isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago ako tumayo at magtuloy. Pinagbuksan ako ni Rafael, anak ng butler.

"It's nice to see you again Lady Joy." Nakangiti niyang bati. Kusa namang gumalaw ang mga labi ko at gumanti ng ngiti.

Hindi na ako nagsalita at tumuloy sa loob. May walong maids ang nakatayo at nagbow habang nalalagpasan ko sila.

"Magandang gabi Lady, kanina ka pa hinihintay sa conference room." Iginiya ako ni Rafaeleo papunta sa kwarto.

Sa bawat sulok ng lugar na to, naaalala ko ang mga malulungkot na pangyayari.

"Napakalaki niyo na Lady. Napalaki kayo ng maayos. Tiyak na matutuwa ang--"

"Alam mo namang hindi mangyayari yan." Simpleng sagot ko.

Nakuha ko agad ang atensyon ng lahat. Andito sila Mama at Daddy pati na din si Kuya na halatang naiirita.

"Sitdown Joy." Maotoridad na ang boses niya. Pero nanatili ako sa kinatatayuan ko. Tumingin ako kay Mama na halata sa mata ang pagaalala at takot.

"Anak, maupo ka na." Utos ni Dad at nagbigay ng pilit na ngiti.

Naupo ako at tumingin sa kaniya. Ano na naman kayang paandar to?

"Amanda can't be with us tonight, but don't worry Amy, she'll be here soon." Sabi niya ng nakatingin kay Mama.

"Pch." Singhal ni kuya na mejo may pagngisi pa.

"What do you need Dad?" Magalang na tanong ni Mama.

Yes, it's her Dad. Antonio Madrigal, nangunguna sa listahan ng pinakamayan at makapangyarihan sa buong Pilipinas. Hindi siya katulad ng ibang lolo. Ibang iba siya. He wants respect. He have the authority. And I can say that, he's almost perfect, he's family almost got that perfect, not until Dad entered on my Mom's life.

"I just want to see my grandchildrens." Seryoso niyang sagot. "How are you Dream?" Padugtong niyang tanong.

"I'm good." Tipid sagot ni Kuya. Nagiwas siya ng tingin. Halata sa kaniya na naiinis siya.

"Good. How about you, Joy?" Tanong niya. Walang ngiti sa mga labi niya at kita sa mukha niya na wala pa din talaga siyang pakialam sa'min kahit na gan'to yung mga tanong niya.

That Bully Loves Me (Book 2)Where stories live. Discover now