FIFTHTEEN

837 24 2
                                    

Narinig ko ang marahas na pagbukas ng pinto, kaya dali dali akong nagtago sa likod ng isang bookshelve.

Napasilip ako sa mga butas na gawa ng mga pagitan ng libro. May dalawang lalaki ang nakahiga na sa lapag at halos hindi na makakilos.

Napakaraming dugo.

Unti-unti na akong nangilabot at agad kong nasapo ang aking bibig bago pa ko makagawa ng ingay dahil sa hikbi.

"Hahaha. Napakadali naman ng iniuutos mo sa'kin boss. Sigurado to. Hindi na sila sisikatan pa ng araw boss. Salamat, Boss." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa lalaking nakaupo sa sofa ng mini library at tila may kausap sa telepono.

"Paano ba yan Hestre, mukhang matutuwa din si Mr. Kang sa pagkawala mo. Hahahahaha."

"Achk-napaka--walang hiya mo! Achk!" Buong lakas na tumayo ang isa sa mga lalaki.

"Mahina ka na, Hestre. Mamamatay ka na, kasama ng matalik mong kaibigan."

*BANG. BANG*

Dalawang putok ng baril ang umalingawngaw sa buong kwarto.

Napako ang tingin ko sa nakahandusay na katawan.

Sa bawat paghakbang na gagawin ng killer ay siyang paghinto ng paghinga ko.

Tumalon sa bintana yung lalaki at kasabay nun ay ang marahas na pagbukas sa pinto. Napakaraming lalaking may baril ang pumasok.

Para akong nabingi. Para akong namanhid.

"RAILEY! RAILEY!" Walang tigil sa pag iyak ang batang tumatawag sakin habang kalong ang walang buhay na Ama.

Punong puno ng galit at hinanakit ang mga mata niya.

-----
"Hoy! Raileeeeeeey!"

Napatayo ako dahil sa sigaw na yun. Nilibot ko ng tingin ang buong kwarto.

Nakatayo sa may pintuan si Kuya Racer habang naka-pamewang.

"Ano?" Tanging sabi ko sa kaniya.

"Anong, ano ka jan? Bakit ka umiiyak, ha?" Masungit na tanong niya saka lumapit pa sa'kin.

"Natutulog ako, Racer. Hindi ako umiiyak." Page-explain ko.

Inirapan niya ako saka kinuha ang kamay ko at inilapat sa pagmumukha ko.

Basang basa ang pisngi ko at naramdaman ko ang sakit sa mata.

"Bumangon ka na jan dahil nandito yung pinsan mo." Pagsabi niya nun, tumalikod na siya at naglakad palabas

Saglit akong natulala ng maalala kung ano ang napanaginipan ko.

Natatakot ako. Natatakot na naman ako.

Napailing nalang ako baka sakaling maiba ang naiisip ko. Tumayo na din ako at naligo.

---

RACER's POV

Kanina pa tahimik si Railey at napakalalim ng buntong hininga.

Ano kayang pinag-usapan nila ng Nico na yun at naging ganto siya katahimik?

"Are you sick?" Tanong ni Dominic na nakalingon ngayon kay Ray sa backseat.

Nanatiling nakatulala naman siya. Kanina pa siya wala sa katinuan. Kanina pa kasi kami ni Dominic na kumakausap sa kaniya pero wala e. Anlayo na ata ng nilakbay ng imagination ni Railey.

That Bully Loves Me (Book 2)Where stories live. Discover now