TEN

983 33 0
                                    

*Ding Dong Ding Dong *

Nagaantay ako ngayon sa harap ng gate. Dala ko ang sarili kong wala pang tulog, punong puno ng katanungan at takot na takot.

Agad din naman itong bumukas at bumungad sa'kin  si Tita Amy.

"Oh Vylan, pasok ka." Pagpapatuloy ni Tita. Pagpasok ko tumango si Tito na kasalukuyang nagdidilig.

"Tita gising na po ba si Railey?" Tanong ko habang naglalakad papasok sa bahay nila.

"Nako, anak. Hindi pa ba niya sinabi sayo?"

Kumabog bigla yung puso ko dahil do'n. Kinabahan ako ng sobra. Anong dapat niyang sabihin?

"A-Ano pong ibig niyong sabihin Tita?" Kailangan kong lakasan ang loob ko. Kailangan kong malaman ang lahat nang nangyari.

"Sumama siya sa lolo niya. They'll gonna try to teach her how to manage Dad's business." Nagtatakang sagot ni Tita.

Lolo? Anong lolo? Anong business?

"Ganun po ba? Ahh, tita Amy kumusta po?" Pag iiba ko.

Tatlong linggo lang akong nawala, pero pakiramdam ko bigla akong napalayo sa kaniya. Parang ang hirap mangapa ngayon, mahirap maghanap ng sagot sa lahat ng tanong ko.

"Maayos naman ijo. Matagal tagal kang hindi napadalaw ah? Ikaw naman, kumusta anak?"

Nagaalangan akong sabihin kay Tita. Natatakot ako sa kung anong alam niya.

Ano ba kasing nangyari sa'tin Ray? Bakit pakiramdam ko napakalayo mo, kahit alam kong na sa'kin ka?

"Isinama po kasi ako ni Dad at Papu, para ipakilala at makita ang business nila abroad."

Nakipag kwentuhan pa ako kay Tita at  Tito bago tuluyang umalis ng wala manlang nalalaman.

Pagdating ko sa condo ko nakita ko agad si Valeen na nakahiga sa couch

"Intruder." Inis na bulong ko.

"Hi bro." Bati niya ng hindi manlang inaalis ang tingin sa pinapanuod. "How's life?"

Feel na feel din talaga niya na nandito eh no? Pansin niyo din? Psh.

"Hindi ka pa ba aalis?" Masungit na tanong ko. Sana makaramdam naman tong babaing to.

Kumuha ako ng tubig sa kusina. Pagbalik ko sa salas may isang malaking maleta siyang hinihila.

"What the heck Valeen? What's with that?" Turo ko sa bitbit niya.

"Ito? Gamit ko to. Alam kong namimiss mo na ako Vy, so I came by to fill that guts." Malambing naman niyang saad.

Pero what? Namiss? Patawa talaga to.

"I didn't miss any single part of you sis. You can now leave."

"Isusumbong kita kay Mommy! I'll call her." Akma na siyang magda-dial.

Seryoso ba siya? Nakakakainis talaga si Valeen!

Agad kong hinablot yung phone niya. "Ano ba talagang ipinunta mo?" Kalmado pero sapat para maramdaman niyang hindi maganda ang mood ko.

"Para namang hindi mo alam. We're twins. I can feel your sadness. I know wala akong masyadong balita sayo, pero nararamdaman kong hindi ka okay."

Napabagsak nalang ako ng balikat. Sa aming dalawa, siya yung mas malakas ang pakiramdam.

Ewan ko kung bakit, pero noon pa mang maliliit kami. Kahit malayo kami, alam niya kung malungkot ako o kung kailangan ko ng kasama sa tabi ko.

That Bully Loves Me (Book 2)Where stories live. Discover now