NINE

934 30 2
                                    

Unti unti kong minulat ang mga mata kong nasisinag sa liwanag na nanggagaling sa labas.

Kainis. Ang sakit.

Napapitlag ako dahil sa hilong nararamdaman ko. Binambo ata ang ulo ko. Naupo ako at tumitig na kisame.

Wala akong maalala sa nangyari kagabi at sa kung paano ako nakauwi. Ang naalala ko lang sa ngayon ay ang puso kong malapit ng huminto.

Ang litratong yun. Si Carlene. Hindi ako pwedeng magkamali. Silang dalawa.

Tanga ba ko? Kasalanan ko ba? O ako lang ba talaga ang nagsasabing pareho kami ng feelings kahit ang totoo ay hindi.

Sumobra na ba masyado? Wala na kong tinira sa sarili ko.

"No. I still... I still won't leave him. That's how I love him."

Napapikit ako ng mariin nang maalala ang sinabi kong iyon.

Ang yabang ko. Hindi ko na alam ngayon. Hindi na ako sigurado. Hindi ko alam kung kakayanin ko siyang harapin na parang wala lang.

Oo, mahal ko siya.

Pero hindi ibig sabihin nun na may karapatan siyang gawin akong tanga.

At lalong hindi niya ko pwedeng saktan.

Pinilit kong simulan ang araw ko ng maayos. Naligo ako bago bumaba.

"O late ka na sa trabaho, papasok ka pa?" Asik ni Kuya, pero tiningnan ko lang siya.

Wala na sila Mama at Dad. Maaga ang pasok nila. At late naman ang gising ko.

"Ray, bakit ka naglasing?" Naupo ako sa pwesto ko saka nag salin ng kanin at ulam.

"Ginaya kita." Simpleng sagot ko saka sumubo.

"That won't buy me." Nagikot pa siya ng mata. "Tell me, cause you know mine."

Isang walang buhay na tingin lang ang binigay ko sa kaniya na siyang ikinagulat niya.

Kitang kita ko ang panlalaki ng mata niya at pag atras niya.

"You don't!" Di makapaniwalang sabi niya.

Hindi ko siya maintindihan kaya hinayaan ko nalang siya.

-----

Pumasok ako sa locker room bago nagbihis.

Nginitian agad ako ng mga kasama ko. Pero wala ako sa wisyo para ngumiti. Hindi naman nila ako kinulit, good for me.

"Miss Railey, pinapatawag po kayo ni Sir Vylan."

Sandali ako nahinto.

Si Vylan? Andito na siya?

Tinungo ko nalang ang office niya. Kinakabahan ako. Hindi ko alam ang gagawin o sasabihin.

Humugot muna ako ng hangin bago pumasok sa loob.

Agad siyang napataas ng tingin at napangiti ng makita niya ako.

VYLAN'S POV

Pagpasok niya sa office agad akong napangiti. Tumayo ako agad para yakapin siya ang kaso umiwas siya sakin.

Hanla? Nagtatampo pa rin ba siya? Psh ang cute talaga niya.

"Huwag ka ng magtampo, andito na ko." Malambing na sabi ko.

Niyakap ko naman siya ng mahigpit. Sa tagal kong nawala, dapat bumawi ng yakap sa mahal ko.

Napansin kong wala siyang reaksyon sa ginawa ko. Kaya't agad ko siyang iniharap sa akin, pero bago pa man magtama ang mga mata namin ay iniwas niya ito.

That Bully Loves Me (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon