TWELVE

1K 27 0
                                    

Dahil sa sobrang taas ng lagnat ni Vylan inutusan ako ni Tita Tes--Mom of Vy--na dalhin na siya sa hospital.

Pagdating namin, si Tita din ang umasikaso sa anak niya na patuloy sa pagmamaktol.

Kesyo ayaw daw niya dito, ayaw sa amoy ng hospital, ayaw ng dextrose. tsk lahat nalang ayaw.

"Where's Railey?" May pag-aalala sa boses niya kahit di ko makita ang ekspresyon ng mukha niya.

Tiningnan ko ang sarili ko sa mirror. I look so exhausted. Nakatulog din naman ako kaso konti lang. Nag-alala kasi kami sa kaniya.

"Nasa cr lang anak. Wag kang masyadong oa." Sabi ni Tita Tes sa kaniya.

"Whatever Mom. Ahh Mom kelan ba ko lalabas dito?"

Napatingin naman sila sa paglabas ko. Naglakad lang ako na parang timang.

"Later, son. So please, alagaan mo na yang sarili mo dahil kung mauulit pa to, ako na mismo ang magb-benta ng condo na yan para lang umuwi ka na sa bahay." Naupo ako sa tabi ni Vy.

"Opo ma. Wag mo na ko pagalitan sa harap ni Railey."

"Ay nako Vylan, wag mo ko artehan ng ganyan." Masungit na saad ni tita pero nagbago yun nung tumingin siya sa akin.

Ngumiti siya na para bang nababaliw na. Basta yun, ang ganda ng mama ni Vy, how come na naging anak siya ni Tita.

"Anak, kumain ka na ba?" Malambing na tanong niya.

Gusto ko sanag matawa dahil naka awang na ang bibig ni Vy sa inaasal ng nanay niya sa akin.

"Ah hindi pa po, pero busog pa naman po ako."

"Ano? Halika, kakain tayo sa labas." Tumayo siya at hinila ako patayo.

Tsk dito siguro na mana ni tukmol ang palagiang paghila sa akin.

"Pero, wala po siyang kasama? " pagtutukoy ko kay Vylan na gulat na gulat.

"Malaki na siya Iha. Tsaka lalabas naman na siya mamaya. Ayoko naman na pati ikaw magkasakit dahil sa kakaisip sa anak ko na okay naman na ngayon. Diba?" Ang hyper niya, parang hindi mo malalaman na talagang doktor siya.

"S-Sige po Tita." Hila hila niya ay lumabas na kami ng kwarto ni Vylan.

Habang nasa biyahe kami marami siyang tinatanong sa akin. Pulis ang peg ni Tita e.

"Maayos ba ang pakikitungo niya sayo, anak?"

"Okay naman Tita."

"Kumusta naman siya bilang boyfriend sa'yo? Cold ba? O sweet?"

Kung alam mo lang po Tita kung gaano ako kahirap sabayan ang kabaduyan niya sa tuwing nagpapaka sweet.

"Sweet po siya, I think hehe." Ang awkward pala ng ganto.

You know the feeling? Yung sikmura ko para bang hinahalukay sa kaba. Nakakahiya naman kasing tumanggi kay Tita Tes.

Nagpark si Tita sa harap ng isang restaurant. Sumunod lang ako sa kaniya sa pagpasok dito.

Mukhang mahal at mayayaman ang mga nagpupunta dito. Sabagay, she's one of them.

Inapproach naman agad kami ng crew. I think she ordered almost all of the foods.

After ma-serve lahat. Tita look at me and smiled.

"Lets eat. Kumain ka ng marami Railey." Nakangiti niyang sabi sa'kin.

That Bully Loves Me (Book 2)Onde histórias criam vida. Descubra agora