ELEVEN

1K 26 4
                                    

Ano bang dapat kong unahin sa gan'tong sitwasyon? Nalilito na ako lalo.

Oo, galit na galit ako kay Vylan, pero when Carlene asked me to give up Vylan... I suddenly feel so scared.

Kung sana ganun lang kabilis matanggal yung galit, edi sana hindi ako mapapapayag na sumama sa three days business trip ni Lolo sa davao.

"Welcome home sweetie." Salubong ni Dad sa'kin. "Do you enjoy your stay there?"

Naupo muna ako sa sofa bago tumingin kay Dad.

"Di yan nag enjoy Dad. Nandito kasi ang... iniisip." Pang aasar ni kuya na may pabulong pa sa dulo.

Palibhasa naiwan -.-'. Tiningnan ko lang si Kuya saka binalik kay Dad.

"Papahinga muna ako Dad." Paalam ko saka umakyat na.

Tama si kuya Racer, paano ko nga mai-enjoy kung napakalaking problema ang nasa isip ko sa mga panahong ito?

Calling... Valeen

Sinagot ko naman ito. Ngayon nalang ulit siya tumawag sa akin.

"Hi girl."

"What?"

"Wala manlang hello? Tsk. By the way, bakit hindi kita macontact ng ilang araw? Alam mo bang walang kasama si Vylan sa condo niya?"

"O anong gusto mong gawin ko?" Sagot ko sa kaniya. Sanay naman siyang mag-isa sa condo niya diba? Ano bang bago?

"Pride" rinig kong bulong niya sa kabilang linya, hindi ko nalang pinatulan. "H'wag na nga, mukhang wala ka namang paki alam sa kapatid ko." Ibababa ko na sana yung phone nang magsalita ulit siya. "Hayaan na nga natin si Carlene ang mag-alaga sa Vylan na yun." Then with that, she end the call.

Wait? Did I heard it right? Si Carlene?

Napailing nalang ako dahil sa huling sinabi ni Valeen. Edi mag sama sila, kung gusto nila magpa kasal pa sila.

Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama.
Pagod na pagod ako. Hinang hina dahil sa activities na pinatry sa'min ni Lolo doon.

Bakit kasi kailangang si Carlene pa ang mag alaga? Tsaka hindi naman baby si Vylan para alagaan.

"Leche!" Inis na sigaw ko.

Talaga bang may namamagitan sa kanila? This is freaking life!

Padabog akong tumayo at lumabas. Bwisit na Carlene, hinahamon ba talaga ako nung babaing yun? Sira ulo ba siya?

Tiningnan ko yung mga messages sa phone ko.

Shemay lang? Bakit ang daming text ni Vylan?

[From: HIGAD

Babe? Umalis ka daw? Saan ka nagpunta? Bakit di mo sinabi? I love you pa din.
Received: April 20|10:16 am

May dinner kami nila Mom. Sana nandito ka, Ray. I miss you.
Received: April 20|8:05 pm

Nakauwi na ko Ray. Kumusta ka? Namimiss na kita. Be safe, please.
Received April 20| 9:30 pm

Goodmorning baby. Ingat sa maghapon. Magtext ka na sana. I love you.
Received: April 21| 7:36 am

Baaaaby TT.TT masama ang pakiradam ko. Hope you're here. Ingat ka ha? I love you. Miss you already.
Received: April 21| 12:03 pm

Railey, sorry. Nandito si Carlene. Pinapaalis ko naman siya, pero ayaw niya. Anong gagawin ko? May sakit pa din ako baby TT.TT
Received: April 22| 2:34 am

That Bully Loves Me (Book 2)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz