Chapter 1

260K 10.6K 2.9K
                                    

Chapter 1


Naiwan akong mag isa sa attic ng lumang bahay. Tulala at hindi alam ang gagawin. I am still in shocked.

What was that all about? Bakit bigla na lang nila akong iniwan pagkatapos nilang matusok ng karayom? Ito ang kauna unahang nangyari na basta na lang nila ako iniwan.

Simula pagkabata namin kahit saang lugar ay hindi nila ako iniiwan. Kapag uuwi kami galing sa school hindi sila umaalis hangga't wala ako, kapag bibili ako ng ice cream lagi silang naghihintay sa akin, kapag may bibilhin akong mga project lagi silang nakasunod sa akin. Maging ang bakasyon ko ngayon, nandito sila at sinamahan ako.

Triton and Ahmed are weird today. Ganito ba talaga ang nangyayari kapag natutusok ng karayom sa daliri?

Bumaba na ako sa attic at sinimulan ko na silang tawagin dalawa.

"Triton? Ahmed?" nagpalakad lakad ako sa kabuuan ng bahay ni lola pero wala na akong makitang kahit anino ng dalawa.

"Triton? Ahmed? Ayaw ko maglaro ng taguan ngayon. Nalulugi lagi ako kapag ako ang taya! Dinadaya niyo akong dalawa!" sigaw ko habang nagpapalinga linga ako.

Dahil mabilis akong napagod, naupo na lang ulit ako sa lumang sofa at nang makaupo ako dito ay biglang tumunog ang telepono ko. Tumatawag si Ahmed.

"Hello, nasaan kayo?" bungad ko sa kanya.

"Umuwi na si Triton, sinundan ko na lang. I am worried about him, you know that was a serious case. He is not yet fully recovering.." nang sabihin ito sa akin ni Ahmed hindi ko maiwasang hindi mapahikbi.

"Tama ka Ahmed, I shouldn't have shouted. Kung hindi sana ako sumigaw hindi sana siya nagulat at natusok ng karayom." Mabilis kong pinahid ang tumakas na luha sa mata ko.

"What the—don't tell me you're crying already Euphie?!" malakas na tanong sa akin ni Ahmed.

"I am not! Bakit naman ako iiyak!?" pagsisinungaling ko.

"Cutie little liar. Should I go back there Euphie? Patatahanin muna kita saka na si Triton." Narinig ko ang mahinang pagtawa niya sa kabilang linya.

"I am not crying Ahmed, nakakainis ka! Uuwi na rin muna ako." I pouted my lips.

"Nakakainis na naman. Lagi ka na lang naiinis Euphie, cute. Ingat ka sa biyahe, hihintayin kita sa sakayan. Umupo ka sa tabi ng mga babae okay? Kapag sikip ang jeep huwag ka nang sumakay." Tumango ako na parang kaharap ko lang si Ahmed.

"Okay.."

"Good girl. Kapag basa ang mata mo Euphie, pipitikin kita sa ilong." Pagbibiro niya.

"Hmmp! Sige na, baka maubos ang load mo." May sasabihin pa sana siya sa akin nang patayin ko na ang telepono ko.

Mabilis akong nag ayos sa aking sarili, inayos ko na rin ang playstation nila na naiwan at inilagay ko ito sa isang paperbag. Tulad ng sabi ni Ahmed nang sumakay ako sa jeep ay pinili kong tumabi sa mga babae, alam ko na nakaabang na siya sa akin baka pitikin niya ang ilong ko kapag nakita niyang hindi ako sumunod sa sinabi niya.

"Para na po!" hindi pakinig ng driver.

"Para na po!" sigaw ko dahilan para magprenong bigla ang driver. Mabuti na lang at nakahawak ako ng maayos. Lampas na ako.

Bumaba na ako sa dyip, hinanap ng mata ko si Ahmed. Ang gwapo kong kababata, kilala sila sa school namin. Ahmed and Triton the famous duo, though they had opposite personalities they managed to be a good bestfriends.

The Prince Who Pricked His Finger On The Spindle of a Spinning Wheel (Prince#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon