Chapter 51

124K 6K 1.1K
                                    


Chapter 51


We're both breathing heavily when our lips parted. Triton tried to make his move again for another kiss, but this time I made a quick movement.

Agad na akong nakalayo sa kanya habang akaharang na ang dalawa kong kamay sa aking harapan para lamang mapatigil sa paghakbang si Triton at paglapit sa akin.

"But I missed you, so bad Euphie."

"Triton, tama na. Once is enough. I won't go, alright! I won't go. Let's talk. J-just—don't kiss me again! Not now that we have tons of problems to solve."

"Did you miss me, Euphie?" suminghap ako sa tanong ni Triton. Bakit parang hindi nito narinig ang sinabi ko sa kanya?

"Triton, we better get out of this room. Naghihintay na sa labas si Ahmed, tama kayo. We should talk about this seriously, yes I changed my mind. I am now willing to cooperate."

"Hindi 'yon ang gusto ko Euphie! Alam kong alam mo ang gusto ko."

"J-Just like that Triton? Just like that? Afterall that had happened? After so many years? Bakit naghintay ka pa nang taon? Why just now?"

"I tried Euphie, I fucking tried to follow you. But--" natigil ito sa dapat sasabihin niya.

Muli itong nakalapit sa akin at hinawakan niya ang kamay ko. "Let's just forget about the past Euphie, now that we're both aware of our identities we can finally help each other."

"Triton, alam mong mahirap nang ibalik ang dati." Ngayon naman ay hinawakan nito ang magkabilang pisngi ko.

"Balikan mo na ako, sweetheart. I promise, I'll be a good boy. Gagawin ko lahat ng gusto mo, I can give you leakage information to my agency, just tell me everything you want and I'll give it to you." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Triton.

The idiot is doing it again!

"Leakage information?! Are you out of your mind? Mapapatay ka ng sarili mong ahensiya sa sandaling malaman nila!"

"Then tell me, tell me what to do. I'm sorry, I'm really sorry Euphie. I was so desperate that time, halo-halo na ang emosyon ko. Ginawa ko naman ang lahat, ginawa ko, pero 'yon lang? ganon na lang? Iiwan mo ako?"

"I told you my reason Triton! Ito na naman ba tayo?"

"Naniniwala na ko! Naniniwala na Euphie! Just come back to me, sweetheart. Come back to me.." humina ang boses nito na parang naging bulong na lamang sa aking tenga.

"Come back to me.."

Halos manlambot ang mga tuhod ko sa boses ni Triton. Kung iisipin, isa lamang ang naging dahilan nang paghihiwalay namin.

Our reason to protect each other.

Hindi ko na kayang isipin na araw-araw itinataya ni Triton ang kanyang buhay para lamang ma-protektahan ako.

Alam kong may mga kasamahan na itong posibleng may ideya na kung sino pa ang dalawang bata na siyang ibinenta ng dating hummingbird.

They were looking for us with the same reason. They all believed that someone from the three gifted kids had the possession of the stolen item. That unknown item that was stolen by the traitor hummingbird.

Dahil kapwa kami pinagkakatiwalaan ng aming bawat ahensiya, laging ang natitirang dalawa ang matinding bibigyan ng pansin.

At sa tatlong ahensiya, alam kong ang ahensiya ni Triton ang siyang nagkakaroon na ng ideya na kami ni Ahmed ang siyang kanilang hinahanap.

The Prince Who Pricked His Finger On The Spindle of a Spinning Wheel (Prince#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon