Chapter 46

105K 5.4K 1K
                                    


Chapter 46 

If you're given a chance to possess an ability that's beyond ordinary are you going to embrace it or not? Maybe you'll try to ask, what is the ability? How will it help me as a person? What are the strengths and its weakness?

Anong magagawa nito sa akin o sa buhay ng mga taong nakapaligid sa akin? Of course, people will ask about the possible outcome. Sa panahon ngayon, wala nang taong basta na lamang tumatanggap ng mga bagay-bagay na hindi iniisip ang posibleng mangyari sa hinaharap.

But my life was quite different, dahil ang bagay na inalok sa akin ay hindi ako nagkaroon ng pagkakataong tanggihan o takbuhan. Someone's born with unusual ability can't run with his/her fate. No matter how we tried to bury it and hide behind the mask.

At kung iisipin, pwede ba talagang tanggihan? Talikuran o pumili? Kapag sandaling ibinigay sa'yo ang isang abilidad na sadyang nakalaan sa'yo, sa sandaling malaman mo kung ano ito, dito masasabing magsisimula nang umikot ang 'yong buhay.

Hindi na ako muling dumalaw kay Triton matapos ang sagutan sa pagitan namin.

We're just fooling each other, sinusunod ni Triton ang lahat ng kagustuhan ko. If I want to stay hiding behind my farce innocence, he'll definitely live with it gaya nang ilang taong ginawa niya kahit mapahamak ang kanyang buhay.

And I just realized that his love for me is not healthy anymore.

Hindi magandang habangbuhay kaming mabuhay sa pagtatago at pagpapanggap.

After my whole day stay inside my grandparent's house, I've already decided. I need to go away, bagay na siyang pinakamagandang gawin sa pangyayaring ito.

I told my parents about my plans and just like before, I gave them lies. Binigyan ko sila ng ibang dahilan kung bakit nais kong lumayo at katulad nang dati, idinahilan kong muli ang pagiging inosente ko.

That I need to grow like a lady.

Pinili kong ilang araw manatili sa bahay nila lolo at lola habang habang hinihintay matapos ang lahat ng dokumento na gagamitin ko sa pagpunta ko sa ibang bansa.

I thought everything was at peace, pero pumutok na ang balitang wala na kami ni Triton.

I got endless of messages coming from my friends, Antonia, Autumn and August. They tried to ask me what happened, pero pagod na akong magpaliwanag ng kasinungalingan.

Kahit daw si Triton ay walang balak ipaliwanag sa lahat ang dahilan. Ito ang mahirap kung masyadong malapit ang mga pamilya namin, hindi man namin gustong mangyari, pero sa tuwing magkakaroon ng kahit maliit hanggang sa malaking problema hindi maaaring walang makakaalam na iba.

Maging ang mga magulang ko ay nais rin magtanong sa akin, pero nirerespeto nila ang kagustuhan ko.

Hindi na ako tumuloy sa pagpasok, while Triton continued his life according to my source. Thanks to my friends who were my active messengers, kahit hindi ko tanungin.

At ilang araw bago ako umalis, sinabi ni August na lagi na daw magkasama si Triton at Patricia, my friend. Hindi man lang ako nakatanggap ng message kay Patricia simula nang tumigil na ako sa pagpasok at hindi ko inaasahan ang balitang natanggap ko.

Autumn, August and Antonia were furious about her. Nakailang mura yata ang narinig ko mula sa kanilang tatlo, lalo na nang nadulas si Antonia.

"The fuck Triton was kissing her near the locker."

"Tanya!" malakas na sigaw ni Autumn at August.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko at inihis ko ang aking mga mata sa screen ng laptop.

The Prince Who Pricked His Finger On The Spindle of a Spinning Wheel (Prince#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon