Chapter 8

154K 8.2K 2.5K
                                    

Chapter 8


Nakayuko pa rin siya sa tuhod niya at hindi niya ako hinaharap. He's always like this, simula ng mga bata pa kami ganito lagi ang bisyo niya.

Bigla na lamang siyang susubsob kung saan, katulad ng ginawa niya kanina sa lamesa, sa tuhod niya, arm rest ng sofa at sa upuan minsan. Lagi niyang tinatago ang mukha niya sa akin na parang ako na lang lagi ang lalabas na masama sa aming dalawa.

Noong bata pa kami, lagi na lang akong sinasabihan ng maldita ni mommy dahil lagi ko daw inaaway si Triton pero ito talagang si Triton ang problema dahil sobrang bilis niyang magtampo at mainis.

At mahirap siyang aluin at suyuin.

"Natusok? Napuwing ka ba? Hinipan ko lang ang mata mo Triton. Can I see your eyes? Sorry na po Triton Octavious." Hinawakan ko ang braso niya pero agad siyang gumalaw at tumalikod sa akin.

Naiinis na ako sa kanya!

"Stay away from me Euphie, you sadistic innocent girl." Sabi niya habang nakayuko pa rin siya.

Hinampas ko na siya dahil sa pagkainis ko. Sadictic innocent girl? Seriously? Kung ano ano na lang ang tinatawag niya sa akin. Hindi ba siya nahihirapan sa ginagawa niya?

"I am not sadistic! Napuwing ba kita? Let me see Triton, let me see. I'm sorry na." Pilit ko siyang pinapaayos nang pagkakaupo pero ayaw niya.

"Ano ba Triton?!" ilang beses ko na siyang hinampas.

"Euphie.." pakinig kong bulong niya.

"Ano Triton?" nakaluhod na ako at lumapit ako sa kanya na pagapang, gamit ang tuhod at mga kamay ko.

Bahagya ko pa siyang sinilip pero mabilis din siyang nag iba ng posisyon.

"Ang arte arte mo Triton! Ikaw na ang nga sinusuyo ko, bati na tayo. Para ka talagang bata."

"Euphie please? Dumistansya ka muna sa akin, please?" Gusto niya pa akong paalisin. Ako na nga ang nagsosorry sa kanya.

"You're still mad Triton, ano pa ba ang gusto mong gawin ko? Kanina pa akong nagsosorry sa'yo simula sa school. Huwag ka nang magalit sa akin Triton. I won't lie again, hindi na ako magsisinungaling sa inyo ni Ahmed."

"I am not Euphie. Hindi na galit si Triton, so please? Lumayo ka muna sa akin. Ang kulit kulit mong babae ka." Bakit niya ba ako pinapalayo sa kanya?

"Ako pa ang makulit Triton? You're always like this! Ako na nga ang nagpapakumbaba sa'yo, aminado naman ako na mali ako Triton. Pero pinagtutulakan mo pa rin ako! I hate you! Nag-sorry na nga ang tao. You know that I've grown up, ayaw ko nang tumatagal ang away natin. We're not kids anymore." Padabog akong tumayo. Bakit gustong gusto lagi nitong si Triton na magtagal ang away namin?

"Shit! It was not like that! Bakit ang layo ng problema ko sa problema mo Euphiemia Soren Arcega?"

Akala ko ay pababayaan niya akong makalayo nang hagipin niya ang palapulsuhan ko at natagpuan ko na lang ang sarili kong nakahiga sa sahig.

Nasa magkabila ko ang mga kamay ni Triton na nakasuporta sa sahig. He's on top of me, staring at me like a predator. I've never seen his eyes like this before.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang dahan-dahang bumaba ang mukha niya sa akin hanggang marinig kong bumulong siya.

"An innocent sheep can't play with untamed wolf Euphiemia. You can't do that always, it's a torture sweetheart." Nanatili akong tahimik sa sinabi ni Triton.

The Prince Who Pricked His Finger On The Spindle of a Spinning Wheel (Prince#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon