Chapter 39

121K 6.4K 640
                                    

Chapter 39


I didn't ask further, I shouldn't ruin our first date. Gusto ko man na may malaman, gusto ko man siyang paulanan ng mga katanungan, may parte sa pagkatao kong pumigil para huwag nang pahirapan si Triton.

I saw how he struggle when I tried to ask. Maybe, maybe giving him enough time will ease the tension when I tried to ask him again.

Lumipat kami ni Triton sa ilalim ng isang mababaw na puno ng niyog. We stayed sitting on the sand while watching the guests enjoying the beautiful pleasure of the place.

Nanatili sa kanyang madalas na posisyon si Triton, he's not talking and he's just simply watching the moving waves of the sea.

"Triton, galit ka pa rin ba sa akin?"

Nagsimula na akong lumapit sa kanya para mas magkatabi kami habang nakaupo sa puting buhangin.

"Bakit naman ako magagalit?" he softly asked me while partly showing his face.

Nanatili pa rin itong nakayuko sa kanyang mga tuhod habang kinakausap ako.

"You're not talking,"

"I am just too happy Euphie, after so many years. I heard your I love you." Agad nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya.

Kahit ako ay nagulat nang bigla na lamang itong lumabas sa bibig ko.

"I really just can't imagine, akala ko puro I hate you Triton na lang ang matatanggap ko sa'yo mula sweetheart." Biglang nagkaroon ng panunumbat ang boses ni Triton.

"Hey, those multiple I hate you were just a joke. H-Hindi naman ako nagagalit sa'yo Triton, naiinis lang ako kasi lagi mo akong inaasar."

"Kailan kita inasar Euphie? Love love nga kita simula pa lang." Umangat na ang isang kamay ni Triton at marahan nitong hinaplos ang pisngi ko.

"Pakasal ka na sa akin Euphie, pagkatapos ng graduation mo." Suminghap ako sa biglaan niyang sinabi.

"W-What? Ang babata pa natin Triton! I can't!" ilang beses akong umiling sa kanya.

He can't be serious, what's with this Triton? Kanina pa siyang kung ano-ano ang sinasabi.

Narinig ko siyang tumawa nang makita niya ang pangungunot ng aking noo sa kanya.

"I'm just kidding sweetheart, but you should start spoiling me." Nagsimula na siyang umayos sa kanyang pagkakaupo at marahan niyang itinuro ang kanyang pisngi.

Mabilis akong nakalapit kay Triton at humalik ako sa pisngi niya.

"Dito pa," he pointed another part of his cheek. Humawak na ang isang kamay ko sa kanang balikat niya at humalik akong muli sa pisngi niya.

"Here," itinuro niya ang gilid ng labi niya.

Mariin ang aking isang kamay sa balikat niya habang pilit ko siyang inaabot ng halik.

"Dito pa, Euphie." Itinuro niya ang kanyang sentido.

He's already pouting when I gave him the quick kiss.

"Gusto ko may tunog, Euphie." Sumimangot na ako kay Triton.

"Si Triton ang arte arte na, hinahalikan na nga kita e. Ang PDA na natin, sisigawan na naman tayo dito ng walang forever."

Dito siya tuluyang natawa, hindi ako nakakilos nang siya naman ang humalik sa pisngi ko.

"Ang alam ko may duyan dito, wait I'll check." Tumayo na si Triton, sandali lang niya pinagpagan ang damit dahil sa buhangin bago siya nagpunta sa may likuran ng puno.

The Prince Who Pricked His Finger On The Spindle of a Spinning Wheel (Prince#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon