Chapter 23

117K 6.6K 1.2K
                                    

Chapter 23


Masyadong mabilis ang pangyayari. Buong akala ko ay dadalhin nila si Triton sa school clinic pero bigla na lamang itong dinala sa hospital.

Tanging ingay lamang ng ambulansya ang narinig ko hanggang sa tuluyan na itong mawala sa aking paningin.

"Euphie, calm down." Ilang beses akong umiling sa sinabi sa akin ni Ahmed.

I can't calm down right now, dinala sa hospital ngayon si Triton nang dahil sa akin. Triton was sensitive about the hospital.

He was traumatized before, kaya malaki na lamang ang takot ko noon nang matusok siya ng karayom at magdugo ang kanyang hintuturo.

Triton was the first witnessed when his eldest sister had her suicide. We were still kids back then, pero tandang-tanda ko ang naging epekto noon kay Triton.

Yes, Triton got a sister but she's far long gone. She committed suicide because of depression. Ate Trina was a very beautiful and cheerful girl, lagi siyang nakangiti at nakatawa noon, pero inaasahan ng lahat ang ginawa nito.

Hanggang ngayon ay katanungan sa akin ang kanyang dahilan, kahit minsan hindi ko tinanong si Triton o kahit ang mga magulang ko. But I'm hearing reasons that it was because of her boyfriend.

I didn't ask further, but I heard that Montgomery family were not a good handler of hopeless love.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko nang maalala ko ang ginawa ko kay Triton. This was all because of me.

Gusto ko nang umiyak sa mga nangyayari. I can't help but to think deeply.

"I want to follow him, I'll go. Susunod muna ako." Halos hindi ko na masulyapan ang mukha ni Ahmed habang mabibilis ang mga hakbang ko papalabas ng school.

I annoyingly removed my halo and wings, hindi agad ako makakasakay ng dyip kung may pakpak sa aking likuran.

"Pupunta tayo, hindi lang ikaw. Come on Euphie. Calm down," mariin nang hinawakan ni Ahmed ang kamay ko.

Dito na ako tuluyang napaharap sa kanya.

"I can't calm down, Ahmed. Ako ang dahilan kung bakit nadala sa hospital ni Triton. Let's go now, please? Please Ahmed? Kawawa naman si Triton, this was my fault." Halos magmakaawa ako sa kanya.

Hindi na nagsalita si Ahmed sa akin nang sumakay na kami sa sasakyan. Nanghiram pa siya ng sasakyan sa isa niyang kaibigan para lamang mabilis kaming makarating sa hospital.

I was expecting that we'll see Triton at emergency room but the nurse told us that he already got his room. Hindi pa man kami nakakailang hakbang papalapit sa kanyang kwarto nang marinig ko ang boses ni Tita Taliya.

"Ano ba ang nangyayari sa'yo Triton Octavious Montgomery!? I told you to be careful! Alam mo naman anak ang sitwasyon mo. Please, please be careful." Ito ang unang beses na narinig kong sinisigawan ni Tita si Triton.

We were still kids when I heard her calling Triton's full name with anger. Lagi itong kalmado. She often calls her son with endearment, Triton honey.

"Sorry Ma, hindi na po mauulit. Si Troy kasi,"

"W-What?! Tita no, wala akong alam dyan. Huwag mo akong idamay dito Triton! Si Eu--"

"Troy!" pinatigil ni Triton si Troy nang babanggitin nito ang pangalan ko.

"What really happened? Isusumbong kita sa Daddy mo Triton. Sunod-sunod na ang nangyayari sa'yo, nag-aalala na ako sa'yo. That's why I asked Troy to be here, nang mabantayan ka!"

The Prince Who Pricked His Finger On The Spindle of a Spinning Wheel (Prince#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon