Chapter 14

127K 7.1K 2.8K
                                    

Chapter 14


Simula nang sumakay si Troy Ferell sa kotse ni Triton, pakiramdam ko ay tumagal na ang oras.

Wala silang tigil ni Triton sa pag-uusap nang kung ano-ano, pareho silang madaldal at nakakainis.

Isa pa, biglang umulan at na-traffic.

Tumawag rin sa akin si Ahmed na baka mahuli siya dahil naipit rin siya ng traffic.

"But how many minutes, Ahmed?" I asked him.

Ayokong kasama si Triton at ang bestfriend niya.

"Why? Iniinis ka pa rin ba ni Triton? I told you, sa akin ka na lang dapat sumabay Euphie." Gusto kong maiyak sa sinabi ni Ahmed.

"Sana sa'yo na lang ako sumabay, Ahmed. Ayaw ko na rito." I heard Ahmed's deep sigh.

"Aray, ayos ka pa Triton? Massacre masyado ang words mo Euphie. Harapan, parang si Laura lang. I feel you T." Sabat ni Troy Ferell na may kasamang pagtawa.

"I am not talking to you!" sigaw ko sa likuran.

When I looked at Triton, sa kalsada na siya nakatitig.

"Who's that?" nagtatakang tanong ni Ahmed.

"Yung friend ni Triton, the other bully."

"Si Troy?"

"Yes," may pagtango pa ako.

"Hindi ko na lang papatayin ang telepono ko. I'll talk to you." Ngumiti ako sa sinabi ni Ahmed.

Mabuti pa si Ahmed, kahit kailan hindi niya ako iniinis, ayaw niya akong umiiyak samantalang si Triton tuwang-tuwa siya kapag halos umiyak ako sa sobrang inis sa kanya.

"Pero nagmamaneho ka, baka masagasaan ka Ahmed. I don't want that to happen." Mahinang sabi ko.

Narinig ko ang marahang pagtawa ni Ahmed sa kabilang linya.

"I'll be careful, titingin po ako daan Soren. Just don't turn off the phone, okay?"

"Yes, yes.. Ahmed." Hinawakan ko ang pisngi ko dahil ramdam ko ang pag-iinit nito.

I love it when I'm hearing Ahmed's voice on phone. He's always gentle and nice.

"Sometimes innocence is the sharpest knife, right T? Uwi na tayo, inom. Ibigay mo na 'yang manikang 'yan kay Ahmed."

"Shut up, Troy. Itatapon na kita."

"Ako na ang nasasaktan sa'yo T, kawawa ka naman. Mas maraming cute sa Leviathan, hindi lang pisngi ang--"

"Shut up Troy!"

"I was just distracting you, para hindi mo marinig. Gago, wag ka na lang makinig. You're killing yourself, eh?"

"I'm now regretting that I picked you up Troy."

Hindi ko na pinansin ang pag-aasaran nila Troy Ferell at Triton dahil abala na ako sa pagkausap kay Ahmed.

"I have something for you, Euphie." Sabi sa akin ni Ahmed.

"What is that?" tanong ko.

"It's a secret, malalaman mo kapag nasa mall na tayo."

"D-Don't tell me, ang pinuntahan mo kanina ay para lang sa—"

"No!"

"Are you sure?"

Natahimik ang kabilang linya.

"You're lying Ahmed! Dapat sa bahay mo na lang ibigay, naabala ka pa."

The Prince Who Pricked His Finger On The Spindle of a Spinning Wheel (Prince#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon