Chapter 16

127K 7K 3K
                                    


Chapter 16


Hanggang sa makarating kami sa bagong theme park ay nagkunwari akong tulog. Saka lamang ako nagmulat nang tapikin ni Triton ang pisngi ko.

"We're here fat cheeks,"

"Yehey!" I heard claps coming from Troy Ferell.

Bumaba na kami sa sasakyan.

Si Troy Ferell ang bumibili ng ticket namin.

"How's my sweetheart's sleep? Hindi ka nilamig?"

"Thanks for the jacket, Triton."

"No problem," nakapamulsang sagot nito.

Bumalik na si Troy Ferell dala ang mga ticket. Binigyan niya si Triton nang akma ko nang aabutin ang sa akin ay pinataas niya ito.

"Abutin mo,"

"Tsss," mabilis inagaw ni Triton ang ticket kay Troy Ferell.

"You don't make fun with my fat cheeks, Troy. Susuntukin na talaga kita." I rolled my eyes to Troy Ferell.

"Let's go there, Triton!" nagturo na ako sa kanya. Kusa nang kumawit ang mga braso ko sa kanya. Tipid naman siyang tumikhim sa akin.

"Uhm, yes let's go."

Kapapasok pa lang namin sa theme park, hindi na maalis ang mga braso ko kay Triton. Gusto ko siyang hilahin kung saan-saan at hindi naman siya tumatanggi sa mga itinuturo ko.

"Masaya don, Triton!" humiwalay na sa amin si Troy Ferell dahil bigla daw sumama ang pakiramdam niya.

Nakaupo na lang siya sa isang bench at itinaboy na kami papalayo ni Triton. Hila ko ang kamay ni Triton nang may tumawag sa kanya. Pinatay niya ito nang una at ganito rin sa pangalawa.

"Sagutin mo muna, Euphie can wait." Nanatiling magkahawak ang aming mga kamay habang nagta-type siya sa kanyang phone na kunot ang noo.

"Damn," usal nito.

"Why?" nagtatakang tanong ko.

"No, n-nothing—" nanlaki ang mga mata ko nang makapansin ako nang malaking stuff toy na pusa.

"Oh my—" pero mas lalong lumapad ang ngiti sa aking mga labi nang makita ang lalaking may hawak nito nang bahagya niyang hawiin ito.

"Ahmed!" kusang bumitaw ang mga kamay ko kay Triton at halos takbuhin ko si Ahmed.

"How are you my Soren? Sorry, I'm late. This big cat is for you. Hindi ka na ma-a-allergy dito." He grabbed the cat's paw and he playfully scratch it my face.

Sa tuwa ko ay halos nakayakap na ako sa pusa na nakapagitan sa amin ni Ahmed.

"Pagod ka na Ahmed, may pawis ka na." I tiptoed and tried removing sweat on his forehead.

"Nawala na ang pagod ko, nakita na kita." Pinisil nito ang ilong ko.

"Ahmed," dito ko lamang naalala si Triton.

Humiwalay ako sa pusa at sabay kaming lumingon ni Ahmed sa kanya.

"Triton," tawag nito pabalik sa kanya.

"I want you to join us, Ahmed. Si Troy Ferell na lang ang magbabantay ng pusa." Buhat-buhat ni Ahmed ang malaking pusa nang binalikan namin si Troy Ferell.

He looked bored wearing shades while sipping a buko shake.

"Troy, pabantay naman muna nito." Hindi ko na siya pinasagot dahil ibinigay ko na ito sa kanya.

The Prince Who Pricked His Finger On The Spindle of a Spinning Wheel (Prince#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon