Chapter 40

123K 6.4K 2K
                                    

Chapter 40

"You really mastered most of Lenka's songs Euphie," kumento ni Triton.

Sa huli nakatulog rin kami ni Triton, nagising lamang kami nang may tumamang bola sa aming duyan.

Galit na galit si Triton sa may-ari ng bola na parang hindi siya ang kaninang inaantok na lalaki na kailangan kong kantahan.

Naniniwala na ako sa kasabihan na mas mabuting sumalubong sa lasing kaysa sa prinsipeng bagong gising o tamang sabihin na prinsipeng nagising.

Kung hindi ko napigilan si Triton, malamang nasuntok na niya ang nakatama sa amin ng bola.

"Yes, hindi masyadong mataas ang mga kanta niya."

"And her songs are cute just like you." Ngumuso ako sa sinabi niya. "Binobola mo na ako, Triton."

"I am not, ang cute cute mo ngang kumanta." Umirap ako sa kanya.

Mas sumiksik siya sa akin nang umihip ang malamig na hangin.

"Ang tagal yata ng tulog natin, Triton. Look ang dilim na,"

"Yeah," kapwa na kami nakatanaw sa may tabing dagat.

Pansin namin na nagsisimula nang mag-set up ang crew ng resort sa mangyayaring fire dance mamaya.

"I wonder where's Troy now? Sana hindi 'yon napaaway."

"You shouldn't have asked him to join us, Triton. Kung totoong nag-break na naman sila ng girlfriend niya, hindi ba parang mas hindi nakakatulong kapag nakikita niya tayong dalawa?"

Namamanghang nakatitig lamang sa akin si Triton na parang hindi niya inaasahan na makakapagsalita ako ng ganito.

"You're just hurting your bestfriend, Triton."

Pero agad din siyang nakabawi at ngumisi sa akin.

"No, of course. You mean bitter? Ganon lang talaga siyang magsalita, gago. He won't come with us, kung ayaw niya. And this isn't charitable Euphie, hindi gumagawa ng libre si Troy kahit kanino. May kapalit ito."

"I heard it, you'll help him with his ex?"

"Yeah? Bahala na siya, susunod lang naman ako."

Nang nagsisimula nang dumami ang tao, umalis na kami ni Triton sa duyan. Naghanap kami ng makakainan na malapit, hindi naman kami nahirapan dahil nagkalat ang iba't-ibang mga kubo na nagbebenta ng maraming pagkain.

Maraming pagpipilian.

We're already eating when someone sat near beside us. Agad naman namin siya nakilala ni Triton.

"Where have you been?"

"Nambabae nga," tumaas ang kilay ni Troy nang mapansin nito ang buhok ni Triton.

It was quite messy because of our long sleep.

"Ayos tayo Triton ah? Nakakulambo ka yata kahit walang kulambo."

"Gago,"

"Anong paalam mo sa magulang ng manikang 'yan? Baka mamaya mabaril tayong dalawa, pwedeng abutin ng gabi o bukas?"

Natigilan ako sa tanong ni Troy. Naalala ko si mommy at daddy!

"Oh shit, oo nga pala." Kahit si Triton ay mukhang nakalimot.

"Kulambo pa, kulambo pa Triton." Natatawang sabi ni Troy bago ito muling uminom ng alak.

Nanunuod sa akin si Triton habang hinihintay ko ang pagsagot sa akin ni mommy.

The Prince Who Pricked His Finger On The Spindle of a Spinning Wheel (Prince#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon